Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang maganda naman ang iyong intensiyon, pero mas mabuting huwag mo na ito gawin at baka mamisjudge ka lang nila.
Love:
Singles: Mag-ingat ka sa mga taong gustong makipagkaibigan sa iyo. Mukhang pero mo lang ang habol nila.
Money/Career:
Magfocus ka lang sa iyong mga gawain kahit na medyo pinapahirapan ka ng iyong boss.
Lucky color: Brown
Lucky number: 21
Taurus (Apr 20 – May 20)
Hindi mo man maintindihan ang mga nangyayari sa buhay mo ngayon, mas mabuting sumunod ka na lang sa agos pansamantala.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maglaan ng maraming oras sa iyong partner. Bumawi ka sa mga panahon na naging busy ka masyado.
Money/Career:
Kung ikaw ay naghahanap ng trabaho, marahil ay matulungan ka ngayong araw ng iyong kaibigan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung naguguluhan ka sa iyong buhay ngayon, mas mabuti siguro kung magsimba ka at humingi ng guidance kay Lord.
Love:
Couples: Kung hindi ninyo aayusin kaagad ang problema ninyo, lalaki lamang ito at mahihirapan na kayong solusyunan ito sa huli.
Money/Career:
Kung naiisipan mong magpalit ng trabaho, marahil ay panahon na para gawin mo ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang mahihirapan kang tapusin ang iyong mga gawain ngayong araw sa dami ng negativity sa iyong paligid.
Love:
Couples: Mukhang magkakaroon ng conflict sa iyong relationship ngayong araw. Kaya mas mabuting tatagan mo ang iyong loob.
Money/Career:
Huwag ka masyadong pasikat sa iyong trabaho, dahil dadami lamang ang mga taong bitter sa iyo.
Lucky color: Gold
Lucky number: 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka masyadong mapanghusga sa iyong kapwa. Alamin mo muna ang tunay na nagyari bago ka gumawa ng aksyon.
Love:
Couples: Panahon na para ipakita mo sa iyong partner kung gaano siya kahalaga sa iyong buhay. Maging romantic ka sa kanya at maghanda ka ng isang sorpresa.
Money/Career:
Mas mabuting sumunod ka muna sa sinasabi ng ibang tao, lalo na kung ayaw mong mapagalitan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 28
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka muna makipagtalo sa kahit na sino ngayong araw lalo na kung ayaw mong ma-bad vibes buong maghapon.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner sa isang lugar na matagal ninyo na gustong pumuntahan pero lagi na lang nauudlot.
Money/Career:
Magagawa mong tulungan ang isa mong kasamahan sa trabaho at dahil dito, ililibre ka niya.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 21
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kumalma ka muna. Hindi ka makakapag-isip nang matino kung palagi ka na lamang nag-aalala sa lahat ng bagay.
Love:
Couples: Dapat ay maging open ka sa iyong partner. Kung may bumabagabag sa iyo, huwag kang mahiyang sabihin ito sa kanya.
Money/Career:
Pag-aralan mo kung paano ka magkakaroon ng mahabang focus lalo na sa iyong mga gawain.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Oras na para gawin mo ang isang bagay na matagal mo nang gustong gawin. Hindi ito ang oras para maging tamad ka.
Love:
Couples: Bigyan mo ng panahon ang iyong relasyon. Lahat ng bagay ay may kanya-kanyang oras kaya naman hindi ka dapat magmadali.
Money/Career:
Mukhang hindi maganda ang araw na ito para ikaw ay pumasok sa isang partnership.
Lucky color: Green
Lucky number: 2
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka masyadong magpagod. Magpahinga ka rin naman minsan lalo na kung ayaw mong magkasakit ka.
Love:
Singles: Subukan mong yayain sa isang dinner ang taong nagugustuhan mo. Gamitin mo ito para lalo pa siyang makilala.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 26
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maganda ang araw na ito para mag-aral ng isang bagay na matagal mo na gustong pag-aralan. May malaking chance na magtagumpay ka rito.
Love:
Singles: Kung talagang gusto mo magkaroon ng matinong love life, dapat ay matuto ka munang mahalin ang iyong sarili.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na makatanggap ka ng pera ngayong araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 23
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mag-ingat ka sa isang tao na tinuturing mong kaibigan, dahil may malaking chance na traydurin ka niya ngayong araw.
Love:
Couples: Kung hindi ka maintindihan ng iyong partner, bigyan mo lang siya ng oras at huwag mo siyang ipressure.
Money/Career:
Maaaring may matanggap kang advice mula sa isang tao na magagamit mo para maging successful ka sa iyong career.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 27
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Malaki ang chance na maging pasaway ka ngayong araw. Kaya naman hindi maiiwasang maging sakit ka ng ulo ng ibang tao.
Love:
Singles: Alam mo naman kung sino talaga ang gusto mo. Kaya dapat ay nag-eeffort ka para makuha mo ang loob niya.
Money/Career:
Hindi ito ang panahon para maging tamad ka. Marami ka pang dapat gawin kaya kumilos ka.
Lucky color: Red
Lucky number: 25