Aries (Mar 21 – Apr 19)
Okay lang na magpakabusy ka sa iyong trabaho. Pero huwag mo ring kalimutan na maglaan ng oras sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Mukhang wala sa mood ang partner mo ngayong araw. Kaya naman iwasan mong makipagsagutan sa kanya kung ayaw mong mag-away kayo.
Money/Career:
Kung hindi ka sinusunod ng iyong mga kasama, isumbong mo sila sa iyong boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 27
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang maguguluhan ka sa mga mangyayari ngayong araw. Kahit anong gawin mong pag-iingat ay magaganap pa rin ang kinakatakutan mo.
Love:
Couples: Mukhang may bago kang malalaman sa iyong partner at makakatulong ito para lalo pang tumibay ang inyong samahan.
Money/Career:
Maaaring mabigyan ka ng isang rare opportunity ng iyong boss at tiyak na kaiinggitan ka ng karamihan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 1
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magiging maganda naman ang araw mo. Pero mag-ingat lang at baka mairita ka dahil sa isang maliit na bagay.
Love:
Singles: Mukhang darating na rin sa wakas ang taong nakatadhana para sa iyo. Pero hindi man siya ang ineexpect mo, magiging masaya ka pa rin sa kanya.
Money/Career:
Gawin mo ang lahat para maging close ka sa iyong mga boss. Ito na ang pagkakataon mo para dumami ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung hindi ka gusto ng mga tao sa iyong paligid, huwag ka na mag-effort pa para magustuhan nila dahil masasayang lang ang oras mo.
Love:
Singles: Matanda ka na kaya naman alam mo na ang dapat mong gawin. Kung naguguluhan ka pa rin, mas mabuting humingi ka ng tulong sa iyong mga
kaibigan.
Money/Career:
Dapat ay lagi kang confident tuwing ikaw ay nasa trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 24
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka na magreklamo at gawin mo na lamang ang mga bagay na inuutos sa iyo lalo na kung ayaw mong mapagalitan.
Love:
Singles: Huwag ka na makialam pa sa love life ng ibang tao. Sige ka, kung gagawin mo ito baka madamay ka pa sa away nila.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ng pagbabago sa iyong trabaho. Maaaring mailipat ka o maassign sa ibang lugar.
Lucky color: Grey
Lucky number: 14
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maganda ang araw na ito para ilaan sa iyong pamilya. Mag-isip ka ng isang activity kung saan ay makakapagbonding kayong lahat.
Love:
Couples: Ikaw madalas ang rason kaya nagiging complicated ang inyong relasyon. Kaya naman lawakan mo ang iyong pag-unawa para hindi na kayo masyadong mag-away.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa kalusugan ang trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 22
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magiging hectic ang schedule mo sa araw na ito. Kaya naman gawin mo agad ang iyong mga gawain para hindi ka matambakan.
Love:
Couples: Maglaan ka muna ng oras sa iyong pamilya. Tiyak naman na maiintindihan ka ng partner dahil supportive siya sa iyo.
Money/Career:
Magiging energetic ka ngayong araw kaya naman magiging masipag ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukahng magagawa mo na tapusin ang isang gawain na matagal mo na dapat natapos. Dahil dito, mababawasan na rin ang ilan sa iyong mga nakatambak na gawain.
Love:
Couples: Dahil sa pagiging busy mo sa iyong trabaho ay nawawalan ka na ng oras sa iyong partner. Kamustahin mo siya para hindi siya magtampo.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka ngayong araw. Hindi naman dahil sa kailangan mo, kundi dahil sa gusto mo lang.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang madedelay ang iyong gawain pero hindi naman ikaw ay may kasalanan. Kaya naman may chance ka na gawin ang ilang mga bagay na gusto mo.
Love:
Couples: Mukhang may malaking posibilidad na may kumontrang tao sa inyong relasyon. Mag-ingat kayong dalawa sa kanya.
Money/Career:
Iwasan mong mandaya sa trabaho para lang makauwi ka nang maaga.
Lucky color: Cream
Lucky number: 27
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kahit anong desisyon pa ang gawin mo, tiyak naman na may taong susuporta sa iyo. Kaya piliin mo ang bagay na magpapasaya sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang may dapat kang alagaan ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala dahil tiyak naman na pagpapalain ka.
Money/Career:
Kung gusto mo na umalis sa isang partnership, gawin mo na ito. Huwag mo na ito patagalin pa.
Lucky color: Gold
Lucky number: 16
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung gusto mo makapag-isip, makakabuti sa iyo kung lalayo ka muna at pumunta sa isang malayong lugar para makapagmuni-muni.
Love:
Couples: I-appreciate mo ang mga bagay na ginagawa sa iyo ng iyong partner kahit gaano pa kaliit ang mga ito.
Money/Career:
Kahit na ikaw ay nasa trabaho, mukhang ang isip mo ay nasa bahay. Iwasan mong tamarin ngayong araw.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung may dapat kang gawin ngayong araw at nahihirapan ka rito, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Huwag na matigas ang iyong ulo. Pagbigyan mo na ang iyong partner sa kanyang gusto dahil minsan lang naman ito.
Money/Career:
Kung ikaw ay may paparating na job interview, mas maganda kung magsusuot ka ng puti sa araw na iyon.
Lucky color: Grey
Lucky number: 20