Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang issue na sumisira sa mood mo, dapat ay aksyunan mo na ito kaagad para hindi ka na mahirapan pa.
Love:
Couples: Kung kasama mo ang iyong partner sa labas, dapat ay sa kanya lamang ang iyong atensyon at hindi sa ibang tao.
Money/Career:
Kung meron kang sinusuportahang charity, magiging maswerte ang araw na ito para sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maganda ang araw na ito para tapusin na ang isang bagay na matagal mo na sinimulan. Hindi ito ang panahon para maging tamad.
Love:
Couples: May malalaman kang bago tungkol sa iyong partner ngayong araw. Kung masama man ito o mabuti, ikaw lang ang makakapagsabi.
Money/Career:
Iwasan mong maging emosyonal kapag ikaw ay nasa iyong trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 16
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maganda ang araw na ito para sa second chance. Ibigay mo ito sa tao lalo na kung deserve naman niya talaga ito.
Love:
Couples: Maging honest ka sa iyong partner lalo na kung hindi mo talaga nagustuhan ang kanyang huling ginawa.
Money/Career:
Kung meron kang bagong kakilala, huwag mo agad-agad ibigay ang buong tiwala mo sa kanya.
Lucky color: Violet
Lucky number: 9
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung marami kang gagawin, mas mabuti na huwag kang magpanic dahil siguradong maraming tao ang nakahandang tumulong sa iyo.
Love:
Couples: Pansinin mo naman ang iyong partner. Huwag mo siyang balewalain at habaan mo ang oras na nilalaan mo sa kanya.
Money/Career:
Kailangan ay maging relaxed ka lang sa iyong trabaho para magawa mo ang iyong mga gawain nang maayos.
Lucky color: Purple
Lucky number: 17
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Tandaan mo na kung mataas ang iyong mga pangarap, siguradong mahirap ang mga haharapin mong challenges para makamit ito.
Love:
Couple: Maaaring makatanggap ka ng advice sa iyong partner at may chance na hindi mo ito magustuhan.
Money/Career:
Kung may ibibigay na career advice sa iyo ang iyong mga kaibigan, dapat ay sundin mo ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung merong kayong gala ng iyong mga kaibigan, mas mabuting huwag na muna sumama rito dahil kailangan mong magtipid.
Love:
Couples: Iparamadam mo sa iyong partner na mahalaga siya para sa iyo. Maganda ang panahon na ito para maging romantic sa kanya.
Money/Career:
Kung magiging masipag ka lang sa iyong trabaho, panigurado na mapapansin ka ng iyong superiors.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maganda ang araw na ito para magsaya. Yayain mo ang iyong pamilya o mga kaibigan para gumimik o kumain sa labas.
Love:
Singles: Mas makakabuti sa iyo kung hindi ka muna makikialam sa love life ng ibang tao. Ikaw lang ang mapapahamak kung itutuloy mo ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 17
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang maraming bagay ang iuutos sa iyo ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala dahil lahat naman ng mga ito ay magagawa mo.
Love:
Couples: Mukhang nahihirapan kang bigyan ng maraming panahon ang iyong partner dahil masyado kang busy sa iyong career.
Money/Career:
Kung hindi ka sigurado sa dapat mong gawin, kumunsulta ka sa isang tao na pamilyar dito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 29
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang maganda ang araw na ito para ikaw ay gumala muna. Masyado ka nang stressed sa buhay kaya kailangan mo munang mag-unwind.
Love:
Couples: Mukhang maguguluhan ka ngayong araw sa mga dapat mong gawin. Kaya naman mas mabuting sundin mo na lang ang sinasabi ng partner mo sa iyo.
Money/Career:
Kung magiging confident ka lang lagi sa iyong trabaho, malaki ang chance na maging successful ka rito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung nahihirapan ka sa iyong mga gawain, mas makakatulong sa iyo kung meron kang ka-partner na mag-aassist sa iyo.
Love:
Couples: May malalaman kang bago tungkol sa iyong partner ngayong araw. Pero huwag mag-alala dahil mukhang good news naman ito.
Money/Career:
Huwag ka basta-basta pumayag sa isang kasunduan lalo na kung hindi ka naman sigurado kung kikita ka rito o hindi.
Lucky color: Green
Lucky number: 24
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Malaki ang chance na maging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman huwag ka muna gagawa ng mga mabibigat na desisyon dahil baka pagsisihan mo lang ito sa huli.
Love:
Couples: May chance na magreklamo sa iyo ang iyong partner ngayong araw. Pakinggan mo siya para malaman mo kung bakit.
Money/Career:
Ibigay mo ang lahat ng iyong effort sa iyong trabaho. Ipakita mo sa kanila kung ano ba talaga ang iyong kakayahan.
Lucky color: Black
Lucky number: 3
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang madedelay ang iyong mga gawain ngayong araw. Kaya naman chance mo na ito para makapagpahinga kahit papaano.
Love:
Couples: Meron kayong good understanding sa isa’t-isa kaya naman hindi nakakapagtaka na going strong pa rin kayo.
Money/Career:
Kung sisipagin ka lang, magugulat ka sa mga bagay na kaya mong tapusin sa loob ng isang araw.
Lucky color: Orange
Lucky number: 27