Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang magiging energetic ka ngayong araw at magagawa mong tapusin kaagad ang mga gawain na iuutos sa iyo.
Love:
Couples: Maging romantic ka sa partner mo ngayong araw. Bawas-bawasan mo na rin ang pagiging pasaway mo sa kanya.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka tungkol sa isang bagay, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 27
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka masyadong mag-alala tungkol sa isang bagay. Lilipas din ito kaya naman magrelax-relax ka na lang muna.
Love:
Couples: Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa inyong relasyon at may malaking chance na may kinalaman dito ang isang 3rd party.
Money/Career:
Hindi mo naman sinasadya ang iyong mga kasalanan. Kaya naman huwag mo masyadong pahirapan ang iyong sarili.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 11
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magrelax ka lang. Kung hahayaan mong uminit ang iyong ulo, may malaking chance na mapahiya ka sa harap ng maraming tao.
Love:
Couples: Kung gusto mo matapos agad sa iyong mga gawain, humingi ka ng tulong sa iyong partner at mukhang hindi ka naman niya tatanggihan.
Money/Career:
Gawin mo na ang mga pending mong gawain habang may sapat na panahon ka pa.
Lucky color: Rose
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magaling ka sa iyong mga gawain, kaya naman hindi kataka-taka kung bakit marami ang lumalapit sa iyo para hingin ang iyong tulong.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong demanding sa iyong partner. Bigyan mo siya ng space dahil kung hindi, lalo lang siyang masasakal sa iyo.
Money/Career:
Dahil malaki na ang naipon mo, huwag kang mahiyang regaluhan ang iyong sarili.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May malaking chance na makatanggap ka ng regalo mula sa isang tao ngayong araw. Huwag kalimutang magpasalamat sa kanya.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago sa iyong partner. Pero huwag kang mabahala dahil mukhang good news naman ito.
Money/Career:
Sundin mo kung ano ang sinasabi ng iyong puso. Hindi ito ang panahon para magdalawang-isip ka pa.
Lucky color: Cream
Lucky number: 27
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka basta-basta manghusga ng iyong kapwa. Alamin mo muna ang totoo bago ka gumawa ng desisyon.
Love:
Singles: Mukhang may taong magpaparamdam sa iyo ngayong araw. Huwag mo masyadong ipahalata na napapansin mo siya.
Money/Career:
Huwag ka mainsecure sa iba. Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan.
Lucky color: Lilac
Lucky number: 4
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang maguguluhan ang iyong isip ngayong araw dahil sa dami ng iyong problema. Magrelax ka lang at huwag masyadong mainitin ang ulo.
Love:
Couples: Kung merong mga bagay na nagpapahirap sa iyo, makakabuti kung ibabahagi mo ito sa iyong partner para lalo ka pa niyang maunawaan.
Money/Career:
Mukhang nagiging maganda ang status ng iyong career. Kaya naman maging consistent ka na lang para mabilis kang maging successful.
Lucky color: Red
Lucky number: 3
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung naguguluhan ka kung ano ang dapat mong gawin, mas mabuting sumabay ka na lamang sa agos at huwag na kumontra.
Love:
singles: Huwag mo i-base sa mga napapanood mo sa mga teledrama at pelikula ang iyong love life. Harapin mo ang realidad.
Money/Career:
Mukhang meron ka palang talent na tinatago sa iyong mga kaibigan. Gamitin mo ito lalo na kung pwede mo itong pagkakitaan.
Lucky color: Brown
Lucky number: 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magfocus ka sa iyong mga gustong makuha. Kahit gaano pa ito kahirap, kung talagang gusto mo ito, walang makakapigil sa iyo.
Love:
Singles: Kung handa ka na pumasok sa isang relasyon, huwag mong kalimutang sabihin ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Magtiwala ka sa iyong sarili. Huwag mo masyadong maliit ang iyong kakayahan.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 6
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Alagaan mo ang iyong sarili. Huwag kang magskip ng meals lalo na kung alam mong marami ka pang dapat na gawin.
Love:
Couples: Kung plano ninyo na maglive-in, kailangan ay alamin muna ninyo kung sino ang dapat na masusunod sa bahay.
Money/Career:
Kung meron kang confidence sa iyong trabaho, may malaking chance na maging isa kang magaling na leader.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman mas makakabuti kung huwag ka muna gagawa ng anumang mabigat na desisyon.
Love:
Couples: Kung stressed ka ngayong araw, huwag kang mag-alala dahil naiintindihan ka naman ng iyong partner.
Money/Career:
Kung pinag-iisipan mo na lumipat na ng ibang trabaho, mas mabuti kung simulan mo na ito agad.
Lucky color: Brown
Lucky number: 30
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Lumayo ka sa mga taong negative mag-isip. Huwag mo ring hahayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyon.
Love:
Couples: Mukhang magtatampo sa iyo ang iyong partner ngayong araw. Kaya naman gawin mo ang lahat para maliwanagan ang isip niya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa politics ang trabaho.
Lucky color: Silver
Lucky number: 25

