Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi mo mapipigilan ang iyong bibig, malaki ang chance na may masabi kang sikreto na paniguradong pagsisisihan mo.
Love:
Singles: Kung gusto mo na magkaroon ng love life, dapat ay marunong kang makinig sa ibinibigay na payo sa iyo ng iba.
Money/Career:
May malaking chance na blessed ka dahil may mga taong nagdarasal para sa iyong ikabubuti.
Lucky color: Orange
Lucky number: 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Dahil sa isang job well done, maraming tao ang bibilib sa iyong kakayahan. Mukhang magagawa na nilang magtiwala sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang maganda ang araw na ito para ilaan sa iyong mga kaibigan. Gumimik kayo para makapagbonding naman kayo.
Money/Career:
Kung meron kang kaibigan na nagtatrabaho abroad, maaaring matulungan ka niya para makapag-abroad ka rin.
Lucky color: Violet
Lucky number: 23
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may matatanggap kang good news ngayong araw. At kung may plano rin kayo ng iyong mga kaibigan na gumala, mukhang may chance na matuloy na ito.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para ilaan muna sa inyong pamilya. Lumabas kayo o kaya’y magplano ng isang activity kung saan mag-eenjoy kayong lahat.
Money/Career:
Hindi importante kung maraming humahadlang sa mga gusto mong makuha, dahil malalagpasan mo naman ang mga ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May malaking chance na mapagastos ka ngayong araw. Kaya naman kung hindi mo masyadong kailangan ang isang bagay, huwag na muna ito bilhin.
Love:
Couples: Handa ka na para i-level up ang inyong relasyon, pero dapat ikaw ang unang gumawa ng move.
Money/Career:
Kung magiging consistent ka sa iyong trabaho, may malaking chance na maging successful ka kaagad sa iyong career.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Hindi ito ang tamang araw para maging tamad ka. Marami ka pang bagay na dapat tapusin kaya naman simulan mo na ang mga ito.
Love:
Couples: Kung nahihirapan ka sa mga sitwasyon na iyong hinaharap, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa kanya.
Money/Career:
Kung meron kang mga assignments o projects na dapat gawin, maganda ang araw na ito para simulan mo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 6
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mas makakabuti sa iyo kung magtitiwala ka muna sa iyong mga hinala at kutob dahil may malaking chance ang mga ito na magkatotoo.
Love:
Couples: Maaaring makatanggap ka ng advice mula sa iyong partner pero may malaking chance na hindi mo ito magustuhan.
Money/Career:
Huwag ka malungkot kung nasayang man ang iyong efforts. Magsimula ka na lang muli at itama ang iyong mga gawa.
Lucky color: Orange
Lucky number: 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mas makakabuti sa iyo kung hindi ka muna makikipagtalo sa kung sino man ngayong araw para hindi masira ang iyong mood.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic sa iyong partner. Kaya naman gumawa ka ng isang bagay kung saan kikiligin siya.
Money/Career:
Makakatanggap ka ng magandang advice ngayong araw at kailangan mo itong gawin para lalo pang gumanda ang status ng iyong career.
Lucky color: Gold
Lucky number: 4
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May tiwala ka naman sa iyong sarili, pero hindi makakatulong sa iyo kung magiging mayabang ka dahil for sure na marami kang taong maooffend.
Love:
Singles: Kung meron kang ex, may malaking posibilidad na muli mo siyang makita. Pero may mahal na siyang iba kaya dapat ay magmove on ka na.
Money/Career:
Kung merong kang hindi maintindihan, huwag kang mahiyang magtanong sa ibang tao.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 30
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maguguluhan ka ngayong araw. Kaya naman mas mabuting huwag ka muna gumawa ng isang major decision at baka pagsisihan mo ito sa huli.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para linawin ninyong dalawa ang issues sa inyong relasyon. Dapat ay nag-iisip na kayo ng mga solusyon para sa inyong mga problema.
Money/Career:
Makinig ka nang mabuti sa mga sinasabi sa iyo ng mga tao lalo na kung ayaw mong magkaroon ng misunderstanding ngayong araw.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 4
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may malalaman kang bago kaugnay sa isang tao ngayong araw. Kung maganda man ito o hindi, ikaw lang ang makakapagsabi.
Love:
Singles: Kung meron kang event na pupuntahan, may malaking posibilidad na hindi ka gaano mag-enjoy dito.
Money/Career:
Magiging maganda ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa law ang trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Panahon na para ikaw ay gumawa ng desisyon sa isang bagay lalo na kung matagal na itong nagdudulot ng problema sa iyo.
Love:
Couples: Iparamdam mo sa iyong partner kung gaano siya kaimportante sa iyo. Panahon na para maging romantic ka naman sa kanya.
Money/Career:
Marami ka pang dapat na gawin ngayong araw, pero huwag mag-alala dahil magagawa mo naman itong tapusin lahat.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 22
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magiging maganda ang araw na ito para sa iyo. Kung meron ka mang mga problema, for sure na may taong handang tumulong sa iyo.
Love:
Singles: Isa kang romantic na tao kaya naman kung gusto mo talaga magkaroon ng partner, huwag mo itong pilitin. Kusa itong darating.
Money/Career:
Tawanan mo na lang ang iyong mga problema. Mas lalo ka lang maiistress kung masyado mo itong aalalahanin.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25