Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kailangan mo ng tulong. At kung aaminin mo ito sa iyong sarili habang maaga pa, mas makakabuti ito para sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang magkakaroon ka na ng oras para sa iyong partner at makakabawi ka na rin sa mga panahon na sobrang busy ka.
Money/Career:
Mukhang kailangan mo munang magtipid sa ngayon, kaya huwag ka muna pumatol sa mga online sales.
Lucky color: Green
Lucky number: 22
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magagawa mong pagkakitaan ang isa mong hobby. Kaya naman gawin mo na ito sa lalong madaling panahon.
Love:
Couples: Maaaring magtalo kayo ng iyong partner ngayong araw, pero mukhang hindi naman ito magtatagal.
Money/Career:
Kahit na boring sa iyong trabaho, kailangan ay ipakita mo pa rin sa iyong boss na energetic ka.
Lucky color: Brown
Lucky number: 23
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magiging maganda ang mood mo ngayong araw at lilitaw ito sa iyong mukha. Kaya merong chance na sabihan ka ng mga kaibigan mo na blooming ka.
Love:
Couples: Kung kailangan mong gumawa ng desisyon, magtiwala ka sa iyong sarili dahil alam mo naman kung ano ang dapat mong gawin.
Money/Career:
Mukhang mapapansin ka na ng iyong boss kaya naman tataas ang chance mo na mapromote sa iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 16
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May chance na makatanggap ka ng regalo mula sa isang tao ngayong araw. Kaya naman okay lang maging excited.
Love:
Couples: Kung gusto mong mag-improve ang inyong samahan, dapat ay open ka rin sa pagbabago lalo na kung makakatulong naman ito.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong trabaho ngayong araw, huwag mahiyang humingi ng tulong sa mga kasama.
Lucky color: Red
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may bagay na bumabagabag sa iyo, huwag kang mahiyang ikwento ito sa iyong kaibigan. Malay mo mabigyan ka pa niya ng advice.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa rin nakakapagmove-on sa iyong ex, ayus lang iyan. Huwag mo ipressure ang iyong sarili at darating din ang time na
makakapaglet go ka.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong gumagawa ng kanilang research.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi mo pa sinisimulan ang isang proyekto na matagal mo na dapat ginawa, maganda ang araw na ito para gawin iyon.
Love:
Couples: Huwag ka mapressure sa love life ng ibang tao. Magconcentrate ka na lang sa kung anong meron kayo sa ngayon.
Money/Career:
Tapusin mo agad ang mga gawain na ibibigay sa iyo para naman makauwi ka nang maaga.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 7
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang balak baguhin sa iyong kwarto o sa inyong bahay, maganda ang araw na ito para simulan ito.
Love:
Couples: Kung hindi ka pa handa para i-level up ang inyong relasyon, sabihin mo ito sa iyong partner at ipaliwanag sa kanya nang mabuti kung bakit.
Money/Career:
Kung ibibigay mo ang iyong 100 percent effort sa trabaho, mas maaga kang magiging successful sa buhay.
Lucky color: Black
Lucky number: 9
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang magagawa mong tapusin ang isang bagay na hindi mo natapos kahapon. Kaya naman hindi ka masyadong matatambakan ng gawain ngayong araw.
Love:
Couples: Kung naging busy ang iyong partner kamakailan, gagawa siya ng paraan ngayong araw para makabawi sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may malalaman kang sikreto tungkol sa iyong kaibigan ngayong araw. Kaya naman subukan mong itikom ang iyong bibig kung ayaw mong mapahamak.
Love:
Couples: Kung merong achievement ang iyong partner, magplano ka ng isang party para sa kanya para naman maging masaya pa siya lalo.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap ka na rare job opportunity ngayong araw. Medyo risky man ito, maganda naman ang makukuha mo rito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung hindi kumikilos ang ibang tao, marahil ay panahon na para ikaw na mismo ang gumawa. Magkusa ka naman paminsan-minsan.
Love:
Singles: Kung meron kang nakaalitan kamakailan, makipagbati ka na sa kanya para naman magkaroon ka na ng peace of mind.
Money/Career:
Maayos naman ang iyong trabaho, pero hindi talaga maiwasan na maapektuhan ka ng mga kasama mong tamad magtrabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 28
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kahit na gusto mong makatulong sa iba, mas makakabuti siguro kung iiwas ka muna dahil maaaring mapalala mo lang ang sitwasyon.
Love:
Couples: Paminsan-minsan, makinig ka rin sa sinasabi ng iyong partner sa iyo dahil may chance din naman na may point siya.
Money/Career:
Huwag kang mangako na gagawin mo ang isang bagay lalo na kung hindi mo rin pala ito mapaninindigan sa huli.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 1
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Paminsan-minsan ay umalis ka rin sa iyong comfort zone. Huwag kang matakot na sumubok ng mga bagay na bago sa iyo.
Love:
Singles: Ang pag-ibig ay nandiyan lang sa iyong paligid. Dapat ay matuto ka lang makiramdam at huwag maging manhid.
Money/Career:
Kung magkakaroon ka ng free time, gamitin mo ito para ikaw ay makapagpahinga.
Lucky color: White
Lucky number: 10