Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mag-ingat ka sa mga taong ngayon mo lang nakilala. Huwag ka muna magtiwala sa kanila lalo na kung may kinalaman ito sa isang importanteng bagay.
Love:
Couples: Ayusin ninyo agad ang mga problema sa inyong relasyon, lalo na kung gusto ninyo na magtagal kayong dalawa.
Money/Career:
Mababawasan na ang pressure sa inyong trabaho kaya naman makakapagrelax-relax ka na muna sa ngayon.
Lucky color: Rose
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging dominating ka ngayong araw. Kaya may chance na magmukha kang pala-utos sa mata ng ibang tao.
Love:
Singles: Huwag kang masyadong madisappoint kung hindi mo pa nahahanap ang taong para sa iyo. Habaan mo lang ang iyong pasensiya at huwag masyadong negative tungkol dito.
Money/Career:
Magaling ka sa iyong trabaho, kaya naman bilib na bilib sa iyo ang iyong mga boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 20
Gemini (May 21 – Jun 20)
May taong malapit sa iyo ang nakakaranas ng matinding problema ngayong araw. Kaya naman, suportahan mo siya para hindi siya gaano mahirapan.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong umasa dahil tiyak lang na masasaktan ka sa huli, lalo na kung wala talaga siyang gusto sa iyo.
Money/Career:
Kung hindi ka nalelate sa iyong trabaho, malaki ang chance na maging successful ka sa iyong career.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung ayaw mong masira ang araw mo, huwag ka muna makipagtalo sa kahit na sino. Kahit alam mong tama ka, hindi rin naman sila makikinig sa iyo.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para mamasyal ka kasama ang iyong pamilya. Gawin ninyo rin ito nang madalas.
Money/Career:
Magiging matagumpay ka sa iyong trabaho kung lahat ng iyong effort ay ibinubuhos mo rito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Sundin mo muna ang iyong mga kutob dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito at umayon sa iyong kagustuhan ang mga pangyayari.
Love:
Singles: May taong nakatadhana para sa iyo. Kaya naman huwag ka na mainip dahil malapit mo na siyang makita.
Money/Career:
Magiging maswerte ka sa iyong career lalo na kung marunong kang i-share ang iyong mga blessings.
Lucky color: Red
Lucky number: 2
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka na tamarin at gawin mo na ang iyong mga gawain dahil may sapat ka naman na oras para sa mga ito.
Love:
Singles: Mukhang unti-unti ka na nahuhulog sa iyong kaibigan. Huwag ka masyadong kabahan at baka mapansin ka niya.
Money/Career:
Makakakuha ka ng isang magandang advice mula sa isang kaibigan na makakatulong sa iyong career.
Lucky color: Purple
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung nahihirapan ka sa iyong problema, humingi ka ng tulong sa iyong mga kaibigan para hindi ka na mahirapan sa kakaisip.
Love:
Couples: Mukhang dahil sa misunderstanding kaya kayo laging nagtatalong dalawa. Magbigay kayo ng panahon para pag-usapan ninyo ang inyong mga problema.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng regalo mula sa isang tao na malapit sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 19
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Humingi ka ng tulong sa iyong mga kasama lalo na kung nahihirapan ka na sa iyong mga gawain at nagagahol ka na sa oras.
Love:
Couples: Kung merong achievement ang iyong partner, magplano kayo ng isang celebration para sa kanya. Maaaring matuwa ang partner mo sa gagawin mo.
Money/Career:
Hindi ikaw ang may gawa ng problema sa iyong trabaho, pero isa ka sa mga maaapektuhan nito.
Lucky color: Violet
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Marami kang bagay na dapat gawin kaya naman magiging busy ka ngayong araw. Kaya naman dapat ay magfocus ka para naman makatapos ka kaagad.
Love:
Couples: Kung nahihirapan ka sa pera, subukan mong magtanong sa iyong partner at baka matulungan ka niya.
Money/Career:
Marami talagang taong naiinggit sa iyo, kaya naman huwag na lang pansinin ang mga sasabihin nilang negative sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 10
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maaaring mahirapan ka sa isang gawain, pero huwag kang mag-alala dahil tiyak naman na makakakuha ka ng tulong sa isang kaibigan.
Love:
Couples: Huwag mong balewalain ang signs na ipinapakita ng iyong partner sa iyo. Marahil ay may bagay lang siya na hindi masabi sa iyo.
Money/Career:
Kung lagi panatag ang iyong isip, madali mo lang matatapos ang iyong mga gawain.
Lucky color: Cream
Lucky number: 24
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May mga pagbabago na darating sa iyong buhay. Huwag kang masyadong matakot dahil para ito sa ikabubuti mo.
Love:
Couples: Mukhang okay naman ang status ng inyong relationship. Kaya kung hindi pa kayo kasal, maaaring malapit na kayo dumating sa point na ito.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng advice ngayong araw at tiyak na makakatulong ito para lalo mo pang mapabuti ang status ng iyong career.
Lucky color: Red
Lucky number: 5
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung meron kang bagay na hindi mo na masyadong ginagamit, mas mabuti pa kung ibenta mo na lang ito o kaya’y ibigay sa iba.
Love:
Couples: Magbigay ka ng oras sa iyong partner. Mas matutuwa siya lalo na kung kahit busy ka ay may panahon ka pa para sa kanya.
Money/Career:
May paparating kang malaking gastusin sa mga susunod na araw, kaya paghandaan mo ito at magtipid ka muna.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 23