Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung nalilito ka sa takbo ng iyong buhay, subukan mong magsimba at humingi ng guidance kay Lord. Hindi ka Niya pabababayaan.
Love:
Couples: Kung lagi na lang kayong nag-aaway magpartner, marahil ay dapat pag-isipan na ninyo kung gusto ninyo pang ituloy ang inyong relasyon.
Money/Career:
Huwag ka masyadong maingay sa iyong trabaho. Hindi mo lang alam pero marami ang naiirita dahil sa ingay mo.
Lucky color: Rose
Lucky number: 18
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung hindi tanggap ng mga tao ang iyong mga ginagawa, mas mabuting ikaw na mismo ang lumayo para hindi ka nila mahusgahan.
Love:
Couples: Kung balak na ninyong i-level up ang inyong relasyon, pag-aralan ninyo munang mabuti ang status ng inyong relasyon at kung handa na ba kayo para rito.
Money/Career:
Huwag kang mainggit sa katrabaho mong maraming achievements. Deserve niya iyon kaya naman kailangan mo siyang tularan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
May kailangan kang ayusin na issue regarding sa iyong pamilya. Kaya naman mas mabuting pagtuunan mo muna ito ng pansin kaysa sa ibang bagay.
Love:
Couples: Handa ka na para i-level up ang inyong relasyon, pero dapat ikaw ang gumawa ng first move dito.
Money/Career:
Maaaring may matulungan kang colleague na magkaroon ng trabaho.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 6
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag kang matakot na sumubok ng bago. Kung hindi na gumagana ang dating mong ginagawa, marahil ay panahon na talaga para rito.
Love:
Singles and Couples: Huwag ka masyadong maglaan ng maraming oras sa iyong career. Tandaan mo na importante pa rin na may oras ka sa iyong pamilya.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ka ng maraming pera lalo na kung may mag-alok sa iyo ng trabaho na may kinalaman sa pagtravel.
Lucky color: Brown
Lucky number: 5
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang magiging demanding ang araw na ito para sa iyo, pero huwag kang mag-alala dahil sure naman na yakang-yaka mo ang mga gawaing ibibigay sa iyo.
Love:
Couples: Mawawala na ang pagdududa mo sa iyong partner at magagawa mo na siyang pagkatiwalaan muli.
Money/Career:
Kung may pinautang kang tao dati, may chance na magbayad na siya ngayong araw.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 14
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung bored ka ngayon, subukan mong pasyalan ang isa sa mga paborito mong lugar para naman gumanda ang mood mo.
Love:
Singles: Magagawa mo na umamin sa isang tao na gusto mo siya. Pero mag-ingat ka lang sa iyong mga sasabihin dahil baka mamisinterpret niya ito.
Money/Career:
Mukhang hindi ka na masaya sa iyong trabaho, kaya naman mas magiging maganda sa iyo kung maghahanap ka ng iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Dahil inuuna mo ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa iyo, maraming tao ang rumerespeto sa iyo. Kaya naman inuulan ka rin ng blessings.
Love:
Singles: May taong nagkakagusto sa iyo at magtatapat na siya ngayong araw. Huwag mo muna siyang sagutin at maghintay ka ng tamang panahon para rito.
Money/Career:
Huwag ka magpaapekto sa sinasabi ng ibang tao. Kung hindi sila bilib sa kakayahan mo, gawin mo ang lahat para ipakitang mali sila.
Lucky color: Red
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Iwasan mo munang magpautang ngayong araw dahil may malaking chance na hindi ka niya mababayaran sa tamang oras.
Love:
Singles: Maaaring maraming nanliligaw sa iyo dahil alam nilang mayaman ka. Kaya naman maging maingat ka sa kanila.
Money/Career:
May pagbabago na darating sa iyong trabaho, pero mukhang may chance naman na maging maganda ang dulot nito.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Anumang gawin mo ngayong araw ay tiyak na matatapos mo rin. Hindi nila kayang pigilan ka sa iyong mga balak o nais gawin.
Love:
Singles: Huwag ka madisappoint kung hanggang ngayon hindi mo pa rin mahanap ang perfect match mo. Darating din siya, kaya go with the flow lang.
Money/Career:
Kahit na maliliit ang mga gastusin mo, magkakaroon ka pa rin ng problema sa pera kung hindi ka magtitipid simula ngayon.
Lucky color: Green
Lucky number: 1
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magagawa mong pagkakitaan ang isang hobby mo at may chance na magtagumpay ka rito at kumita ng malaki.
Love:
Singles: Kung lagi ka na lang nakikipagflirt sa iba, mahihirapan kang makahanap ng taong seseryoso sa iyo.
Money/Career:
Maaaring makakuha ka ng bonus mula sa iyong boss o kaya’y makuha mo na ang promotion na matagal mo na hinihintay.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mong hayaang matambakan ka ng trabaho. Kung kaya mo naman ito gawin ngayon, huwag mo na ito ipagpabukas pa.
Love:
Couples: Kailangan ninyong pag-usapan magpartner ang mga problema sa inyong relasyon. Huwag ninyo itong hayaang lumaki kundi mahihirapan na kayong ayusin ito.
Money/Career:
Magaling kang magpatawa kaya naman wiling-wili sa iyo ang iyong mga katrabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 18
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Unti-unti ka na mahuhulog sa isang tao na matagal mo na nakasama. Maaaring nasanay ka na na lagi siyang andiyan sa iyong tabi.
Love:
Couples: Mukhang nakakaapekto na ang stress mula sa iyong trabaho sa inyong relasyon. Kaya naman mag-ingat ka para hindi ninyo ito pag-awayan.
Money/Career:
Kung may problema sa iyong trabaho at wala ka namang kinalaman dito, mas mabuti kung huwag ka na lang makialam dito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7