Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung gusto mong gumala mamayang gabi, siguraduhin mong tapos mo na ang iyong mga gawain para naman hindi ka mapagalitan.
Love:
New couples: Congrats sa inyong relasyon. Tandaan ninyo na maging matatag palagi lalo na sa pagharap ninyo sa mga problema.
Money/Career:
Kailangan mong bawas-bawasan ang iyong paggastos kahit na meron kang malaki na naitabi na pera.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mong pilitin na gawin ang isang bagay lalo na kung hindi mo naman talaga ito gusto. Mas magandang magbigay na lang ng excuse para rito.
Love:
Couples: Maging maunawain ka muna sa iyong partner ngayong araw lalo na kung lagi na lang siyang stressed sa trabaho.
Money/Career:
Kung hindi masyadong successful ang iyong career, marahil ay panahon na para magsimula ka ulit at humanap ng bago.
Lucky color: Gray
Lucky number: 10
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mo na iwasan ang iyong mga gawain at simulan mo na ito kaagad. Mas mabuti na hindi ka maging tamad sa mga susunod na araw.
Love:
Singles: Maaaring may magustuhan ka ngayong araw pero mag-ingat ka lang sa kanya dahil siya ung tipong walang sineseryoso.
Money/Career:
Maaaring maakusahan ka ngayong araw sa isang bagay na hindi mo naman ginawa.
Lucky color: Green
Lucky number: 7
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magiging demanding ang araw na ito kaya naman kailangan mo na magseryoso. Hindi ito ang oras para maging tamad ka.
Love:
Couples: Maaaring may pinagdaraanan ang iyong partner ngayong araw kaya naman kailangan niya ang iyong buong suporta.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 7
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Para maintindihan mo ang isang bagay, mas mabuting humingi ka ng tulong sa isang kaibigan at intindihin mong mabuti ang sasabihin niya.
Love:
Couples: Kung hindi na kayo masyadong nakakapaglaan ng oras sa isa’t-isa, mas mabuting magplano kayo ng isang date para naman makabawi kayo sa mga panahon na busy kayo.
Money/Career:
Maaaring may matulungan kang tao ngayong araw para magkaroon ng trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Nagbago ka na. Nakikinig ka na sa mga sinasabi sa iyo ng ibang tao at hindi ka na rin masyadong pasaway.
Love:
Singles: Maaaring may taong makipagflirt sa iyo. Pero ingat ka lang dahil mukhang may gusto lang siyang makuha sa iyo.
Money/Career:
Dahan-dahan lang sa paggawa. Tapusin mo rin muna ang isang bagay bago mo simulan ang iba.
Lucky color: Blue
Lucky number: 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maaaring may matanggap kang magandang balita na may kinalaman sa pera. Kaya naman magpasalamat ka sa blessing na matatanggap mo.
Love:
Couples: Maaaring maguluhan ka sa mga ikikilos ng iyong partner. Kaya naman magmasid-masid ka muna at baka may hinahanda lang siyang surprise sa iyo.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon na rin ng konting improvements sa iyong career.
Lucky color: Brown
Lucky number: 6
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang mahihirapan ka sa isang bagay. Pero huwag kang mag-alala dahil to the rescue naman ang isa mong kaibigan.
Love:
Singles: Maaaring may tao kang magustuhan ngayong araw. Pero kung hindi ka naman niya type, mas mabuting huwag na lang siyang kulitin.
Money/Career:
Mukhang may taong magbibigay sa iyo ng pera ngayong araw kaya naman magagawa mong makabayad sa iyong utang.
Lucky color: Purple
Lucky number: 18
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maniwala ka sa sarili mong kakayahan at huwag mong pakinggan ang sinasabi ng ibang taong wala namang bilib sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang magiging mature ka na ngayon at hindi ka na basta-basta pumapatol sa kung sino-sino para lang magkalove life.
Money/Career:
May iooffer sa iyong trabaho at huwag mo na tanggihan ito dahil magandang opportunity ito para sa iyo.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mong madaliin ang mga bagay-bagay. Kung gagawin mo ito, may malaking chance na magkamali ka at mapagalitan dahil dito.
Love:
Couples: Maging open ka sa iyong partner. Kung may mga problema ka, huwag kang mahiyang sabihin ito sa kanya.
Money/Career:
Kung may problema ka sa iyong career, mas mabuti kung hihingi ka ng advice sa isang professional.
Lucky color: Gray
Lucky number: 9
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Sundin mo muna ang sinasabi ng iyong isip. Huwag mong hayaang manaig ang iyong emosyon sa mga desisyon na iyong gagawin.
Love:
Singles: Mukhang mapupuno ang iyong schedule ng mga events, kaya naman ito na ang chance mo na makipagsocialize sa iba.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng pagsusulit kamakailan, may chance na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magagawa mong tapusin ang ilan sa iyong mga gawain at magkakaroon ka ng oras para gawin ang mga bagay na talagang gusto mo.
Love:
Long-Distance Couples: Mahirap man na mawalay kayo sa isa’t-isa, tatagan ninyo lang ang inyong loob dahil magkakasama rin kayo sa huli.
Money/Career:
Magkakaroon ka ng energy para tapusin ang iyong mga gawain. At dahil dito, magiging maganda ang productivity mo.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 17