Aries (Mar 21 – Apr 19)
Para makamove on ka, dapat ay matuto kang mag-let go. Hindi ka na dapat nakakulong pa sa iyong nakaraan.
Love:
Singles: Handa ka na magsimula ng bago. Kaya naman maging positive lang palagi para gumanda ang iyong mood.
Money/Career:
Magagawa mong tawanan ang anumang pagkakamali na nagawa mo kahapon.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Masyado mo na pinapagod ang iyong katawan. Kung magkakaroon ka ng libreng oras, ilaan mo ito para ikaw ay makapagpahinga.
Love:
Singles: Kung meron kang balak na pumasok sa isang relasyon, dapat ay marunong kang isantabi ang iyong ego.
Money/Career:
Mukhang may nagkakagusto sa iyo sa iyong trabaho. Kaya naman kung may partner ka na, maging faithful ka sa kanya.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung marami kang dapat gawin ngayong araw, i-schedule mo ang mga ito para alam mo agad kung ano ang dapat mong unahin.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong magmadali. Dahan-dahan lang dahil mas maganda ang experience kung hindi ka nagmamadali.
Money/Career:
Importante na makuha mo ang suporta ng iyong mga kasama para magtagumpay ka sa iyong career.
Lucky color: Blue
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may matatanggap ka na good news ngayong araw. Kaya naman kung gusto mo magcelebrate, gawin ito.
Love:
Couples: Kung magiging busy ka ngayong araw, sabihin mo ito sa iyong partner para naman hindi siya mag-alala sa iyo.
Money/Career:
Magiging energetic ka ngayong araw kaya naman magagawa mong tapusin ang mga gawain na iuutos sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 30
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung nahihirapan ka ngayon sa iyong buhay, mas mabuti pang sumunod ka na lang muna sa agos at huwag kontrahin ang mga bagay-bagay.
Love:
Singles: May taong nagkakagusto sa iyo, pero nahihiya siyang aminin ito dahil takot siyang i-reject mo lang siya.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya at magkakaroon din ng magandang pagbabago sa iyong trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 30
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Ito na ang tamang panahon para gawin mo ang isang bagay na matagal mo na dapat naumpisahan. Huwag mo na ito ipagpaliban pa.
Love:
Singles: Mukhang magkakaroon ka ng chance para makasama ang iyong crush ngayong araw. Pagkakataon mo na ito para maging close kayo.
Money/Career:
Maging busy man ang iyong araw, magagawa mo namang tapusin ang mga gawain na ibibigay sa iyo.
Lucky color: Cream
Lucky number: 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka matakot na gawin ang isang bagay lalo na kung hindi ka familiar dito. Gawin mo ang lahat para magkaroon ng tapang para rito.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong magpakalunod sa mga love stories na napapanood o nababasa mo. Mas mabuti kung magiging realistic ka pagdating sa pag-ibig.
Money/Career:
Mukhang magiging maswerte ang araw na ito sa mga estudyante na nagkaroon ng exam kamakailan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 26
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mo hahayaang masira ang araw mo dahil lamang sa isang maliit na bagay at hindi naman gaano kaimportante para sa iyo.
Love:
Singles: Kilala mo kung sino ba talaga ang taong nagugustuhan mo. Pero kung naguguluhan ka pa rin, mas mabuting bigyan mo na lang ng time ang sarili mo na makapag-isip pa.
Money/Career:
Magagawa mong tapusin ang anumang gawain na hindi mo natapos kahapon.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mas makakabuti sa iyo kung magtitiwala ka muna sa iyong mga hinala at kutob dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong magpapressure sa love life ng ibang tao. Ienjoy mo lang ang relasyon mo ngayon at huwag mo na ito i-compare sa iba.
Money/Career:
Okay lang na sumunod sa inuutos ng iba, pero dapat ay alam mo kung inuuto ka lang nila.
Lucky color: Orange
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maging alisto ka ngayong araw. Dapat ay lagi kang handa sa mga pwedeng mangyari at hindi makakatulong sa iyo ang pag-aalala.
Love:
Couples: Kung meron kayong event, mas mabuting huwag na imbitahan ang mga taong hindi naman nagpapakita at puro paasa na lang.
Money/Career:
Kung galing ka sa isang job interview, mukhang makakatanggap ka ng magandang balita tungkol dito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 30
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Subukan mong maging sensitive sa feelings ng ibang tao ngayong araw lalo na kung ayaw mong maipit sa isang complicated na sitwasyon.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Bawas-bawasan mo na rin ang pagiging pasaway mo sa kanya.
Money/Career:
Mukhang tutulungan ka ng isa mong kaibigan para makahanap ka ng isang magandang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung medyo bored ka sa iyong buhay, subukan mong magbakasyon sa isang malayong lugar para naman maiba ang iyong environment.
Love:
Couples: Kapit lang at magiging okay din ang lahat. Habaan ninyo lang ang inyong pasensiya at tibayan ang inyong loob.
Money/Career:
Dahil sa marami ka pang dapat na gawin, mukhang mapipilitan kang mag overtime ngayong araw.
Lucky color: Blue
Lucky number: 28