Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka masyadong bossy. Maaaring tama ka nga, pero mababadtrip naman sa iyo ang iyong mga kasama.
Love:
Singles and Couples: Ilaan mo ang araw na ito para makasama ang iyong pamilya. Huwag laging magpakabusy sa iyong trabaho.
Money/Career:
Kung meron kang investment na pinasok, magiging successful din ito kaya naman huwag kang masyadong atat.
Lucky color: Brown
Lucky number: 8
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman may chance na hindi ka masyadong makapagconcentrate sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Ilaan mo ang araw na ito para makasama ang iyong partner. Kahit na hindi kayo lumabas, ang importante ay magkasama kayo.
Money/Career:
Meron kang kakayahan para maging successful sa iyong napiling career. Kailangan mo lang na maging consistent dito.
Lucky color: Silver
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Pag-isipan mo muna ang mga bagay-bagay bago ka gumawa ng desisyon. Mahirap na at baka pagsisihan mo ito sa huli.
Love:
Couples: Iparamdam mo sa iyong partner na mahalaga siya sa iyo. Kung gusto mo siya i-treat sa isang dinner, gawin ito.
Money/Career:
Huwag ka muna gumastos ng malaki ngayong araw. Ilayo mo rin muna ang sarili mo sa mga sales online.
Lucky color: Pink
Lucky number: 22
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magiging maganda ang mood mo ngayong araw. Kaya naman may chance na matapos mo na ang mga bagay na naiwan mo kahapon.
Love:
Couples: Maging open ka sa iyong partner. Kung meron kang mga concern tungkol sa kanya, sabihin mo ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng may exam this week.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May mga issue ka na dapat mong harapin at solusyunan ngayong araw. Kung hindi mo ito papansin, mas mahihirapan ka lang sa huli.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para sorpresahin mo ang iyong partner. Ito na ang tamang panahon para bumawi ka sa mga araw na naging busy ka.
Money/Career:
May mga pagbabago na mangyayari sa iyong trabaho. Maaaring hindi mo ito magustuhan, pero makakatulong ito sa iyo kinalaunan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Dapat ay magkaroon ka ng lakas para harapin ang mga bagay-bagay ngayong araw. Hindi rin ito ang tamang panahon para maging tamad.
Love:
Couples: Maaaring may gawin ang iyong partner ngayong araw at tiyak na maguguluhan ka sa kanya dahil dito.
Money/Career:
Bago ka gumastos, pag-isipan mo munang mabuti kung talagang kailangan mo ang isang bagay o pwede mo pa itong ipagpaliban muna.
Lucky color: Orange
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Ito na ang tamang panahon para tapusin mo ang anumang gawain mo na hindi mo natapos kahapon. Hindi ito ang panahon para maging tamad ka.
Love:
Singles: Huwag ka na tumingin sa malayo dahil may taong malapit sa iyo ang may pagtingin sa iyo. Kailangan mo lang talasan ang iyong pakiramdam.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa kalusugan ang trabaho.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 20
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka masyadong kabahan sa mga pwedeng mangyari ngayong araw. Hindi makakatulong sa iyo ang pag-aalala.
Love:
Couples: Maaaring may makita kang sign ngayong araw na magsasabi sa iyo kung worth pa ba ipagpatuloy ang inyong relasyon o hindi na.
Money/Career:
Kung wala ka namang kinalaman sa isang bagay, mas mabuti kung huwag ka na makialam pa tungkol dito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 26
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi mo kayang tapusin ang mga gawain mo ngayong araw, huwag ka mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Kailangan mong unawain ang iyong partner. Maaaring may pinagdaraanan lang siya ngayon kaya medyo mainit ang kanyang ulo.
Money/Career:
Kung hindi ka na masaya sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para maghanap ka ng bago.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 7
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Medyo magiging magulo ang iyong isip ngayong araw. Kaya naman mahihirapan kang magconcentrate lalo na sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Maaaring may pagtalunan kayong dalawa ngayong araw. Pero huwag ninyo hahayaan na matapos ang araw na hindi kayo nagbabati.
Money/Career:
Mukhang may mangyayaring maganda sa iyong career ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky number: 23
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung medyo stressed ka sa ngayon, marahil ay mas maganda kung magbakasyon ka muna o kaya’y puntahan ang isang lugar kung saan ay mag-eenjoy ka.
Love:
Singles: Mukhang madadamay ka sa away ng isang couple. Kaya naman kung wala ka talagang kinalaman dito, mas mabuting lumayo ka muna sa kanila.
Money/Career:
Mukhang may chance na makatanggap ka ng pera mula sa isang tao ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky number: 18
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magiging energetic ka ngayong araw. Kaya naman may chance na matapos mo ang iyong mga gawain nang maaga.
Love:
Couples: Ito na ang tamang panahon para harapin ninyong dalawa ang mga problema sa inyong relasyon.
Money/Career:
Kailangan mong magtipid muna sa ngayon. Iwasan mo munang bumili ng mga naka-sale na items para hindi na mabawasan pa ang iyong ipon.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14