Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung gusto mo magsaya o gumala mamayang gabi, gawin mo na agad ang iyong mga gawain para matapos ka nang maaga.
Love:
Singles: Maaaring bisitahin ka ng isang tao na naging bahagi ng iyong nakaraan. Magkakaroon siya ng importanteng role sa buhay mo ngayon.
Money/Career:
Kung meron kang job interview ngayong araw, may chance na magiging maayos ang kalalabasan nito.
Lucky color: Silver
Lucky number: 16
Taurus (Apr 20 – May 20)
Okay lang na maglaan ka ng oras sa iyong career, pero huwag mo naman kalimutan na bigyan din ng panahon ang iyong pamilya.
Love:
Couples: Maaaring magkaproblema kayong dalawa ngayong araw, at may chance na maliit lang talaga ito pero pinalaki ninyo lang.
Money/Career:
Kung wala ka naman kinalaman sa isang bagay, mas mabuting umiwas ka na lang dito kung ayaw mong madamay.
Lucky color: Red
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung naging mabait ka sa iyong kapwa, tiyak na babalik ito sa iyo at suswertihin ka sa iyong buhay.
Love:
Couples: Maaaring maging romantic sa iyo ang iyong partner at may chance na yayain ka niyang kumain sa labas.
Money/Career:
Kung pinag-iisipan mong magpalit na ng trabaho, dapat mo na itong gawin sa lalong madaling panahon.
Lucky color: White
Lucky number: 10
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka muna maniwala sa iyong mga kutob. Matutong makinig sa sasabihin ng iba para makagawa ka ng tamang desisyon.
Love:
Couples: Kung may tampuhan kayo ng iyong partner, may malaking chance na magkabati na kayo ngayong araw.
Money/Career:
Kung hindi nila kayang iappreciate ang efforts mo, mas mabuting maging supportive ka na lang sa iba.
Lucky color: Green
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Ibuhos mo ang buong atensyon mo sa iyong mga gawain para naman maiwasan mo na magkamali lalo na kung importante ang iyong gagawin.
Love:
Singles: Magkakaroon ka ng chance na maging malapit sa isang tao ngayong araw. Kaya naman i-enjoy mo lang ang company ng isa’t-isa.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong mga sasabihin dahil baka madulas ka at may masabi kang sikreto sa iba.
Lucky color: Grey
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may issue kayo sa iyong pamilya, mas mabuti na ayusin muna ito para naman hindi masyadong magulo ang iyong isipan.
Love:
Couples: Magiging iritable ka ngayong araw kaya naman may chance na mainis ka sa iyong partner lalo na kung lagi ka niyang kinukulit.
Money/Career:
Kontrolin mo ang iyong paggastos para naman magkaroon ka ng maraming ipon sa huli.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang unti-unti nang nawawala ang problema sa inyong pamilya. Kaya naman pagkakataon mo na ito para makapagpahinga at makaiwas sa stress.
Love:
Singles: Kung hindi ka niya talaga gusto, huwag mo na ito pilitin. Marahil ay mas mabuti na maging magkaibigan na lang kayo.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong social skills para dumami ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maaaring inuuna mo ang ibang tao kaysa sa iyong kapakanan. Kaya naman mataas ang respeto ng ibang tao sa iyo.
Love:
Singles: Magaling ka makipagflirt sa ibang tao. Pero mag-ingat ka lang dahil hindi ka magkakaroon ng seryosong relasyon kung ipagpapatuloy mo ito.
Money/Career:
Magkakaroon ng problema sa iyong trabaho kaya naman mas mabuting kumalma ka lang at tumulong sa pag-iisip ng solusyon.
Lucky color: Cream
Lucky number: 2
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magiging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman medyo mahihirapan ka pakisamahan ng iyong mga kaibigan dahil pabago-bago ang mood mo.
Love:
Couples: Maaaring malito ka sa mga ikinikilos ng iyong partner. Pero malalaman mo rin ang rason sa likod nito ngayong araw.
Money/Career:
Maaaring makakuha ka ng magandang job offer ngayong araw pero mukhang napakalayo ng location nito kaya naman pag-isipan mo itong mabuti.
Lucky color: White
Lucky number: 8
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kailangan mo maging kalmado ngayong araw. Bawas-bawasan mo ang pagiging mainitin ang ulo at matutong makinig sa iba.
Love:
Long-Distance Couples: Mahirap talaga na malayo ka sa taong mahal mo. Kaya naman tibayan mo lang ang loob mo dahil iniisip ka naman niya araw-araw.
Money/Career:
Magiging okay lang ang araw mo sa trabaho, kaya naman hindi ka masyadong maiistressed ngayong araw.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 11
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging matagumpay ka na rin sa iyong trabaho, kaya naman mapapabilib mo ang ibang tao lalo na ang mga walang tiwala sa iyong kakayahan.
Love:
Couples: Maaaring magkaroon kayo ng misunderstanding ngayong araw, kaya mas mabuti kung magiging mahinahon ka lang para matapos agad ang inyong away.
Money/Career:
Iwasan mong maging tamad ngayong araw. I-motivate mo ang iyong sarili na maging productive.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 17
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Ingatan mo ang iyong health ngayong araw. Magiging prone ka sa ubo at sipon kaya naman umiwas ka sa maduduming lugar at pagkain.
Love:
Couples: Maging romantic ka sa iyong partner. Ipakita mo sa kanya na hindi mo siya binabalewala kahit na busy ka sa iyong trabaho.
Money/Career:
Kung alam mo na may maling ginagawa ang iyong katrabaho, mas mabuting ipaalam mo ito sa iyong boss.
Lucky color: Purple
Lucky number: 9