Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kahit gusto mo na magpahinga, hindi mo pa rin ito magagawa dahil marami ka pang bagay na dapat gawin.
Love:
Couples: Maaaring may pag-awayan kayong dalawa ngayong araw. Pero huwag mag-alala dahil hindi naman ito gaanong malala.
Money/Career:
Huwag kang magmadali sa paggawa ng desisyon. Take your time. Pag-isipan mo itong mabuti.
Lucky color: Grey
Lucky number: 5
Taurus (Apr 20 – May 20)
Iwasan mong makipagtalo sa isang tao ngayong araw. Masisira lang ang iyong araw kaya mas maganda kung huwag mo na lang siyang pansinin.
Love:
Couples: Huwag mong i-test ang pasensya ng iyong partner. Matakot ka na kapag bigla siyang topakin nang dahil sa iyo.
Money/Career:
Maging alerto ka sa tuwing nasa trabaho ka. Magfocus ka sa iyong mga gawain at iwasan mong sayangin ang oras ng iba.
Lucky color: Violet
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag kang mang-away ng iyong kapwa ngayong araw. Para gumanda ang mood mo, kumanta ka na lang o kaya’y tumugtog ng gitara.
Love:
Singles: Hindi pa panahon para ikaw ay magkaroon ng love life. Mas mabuting lumabas ka na lang muna kasama ang iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa mga taong hindi mo pa masyadong kilala. Huwag ka basta-basta magtiwala sa kanila.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Ibigay mo ang opinyon mo pero huwag mo itong ipilit sa ibang tao. Ikaw lang ang mapapahamak kung gagawin mo ito.
Love:
Singles: Hindi porke mabait siya sa iyo ay may gusto na siya sa iyo. Huwag ka masyadong assuming kundi ikaw lang ang masasaktan sa huli.
Money/Career:
Kung nagkaroon kayo ng exam kamakailan, may malaking posibilidad na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Gold
Lucky number: 29
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang muli mong makikita ang isang tao na naging bahagi ng iyong nakaraan. Maging awkward man ang pagtatagpo ninyo, magiging okay naman ang lahat sa pagitan ninyo.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, hindi pa ito ang tamang panahon para aminin mo ito sa kanya.
Money/Career:
Kung merong kang naisip na magandang business, mas mabuting simulan mo na ito para kahit papaano magkaroon ka na ng income.
Lucky color: Blue
Lucky number: 23
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi tinatanggap ng mga tao ang iyong suggestions, mas mabuting huwag ka na mag-effort para hindi na masayang ang oras mo.
Love:
Couples: Hindi kayo magkaroon ng progress sa inyong relasyon kung hindi ninyo aayusin ang mga maliliit na problema sa inyong samahan.
Money/Career:
Ito na ang tamang panahon para ikaw ay magtayo ng sariling business.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang stable naman ang status mo sa ngayon. Kaya maging consistent ka na lang sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Mukhang may balak ang iyong partner na sorpresahin ka ngayong araw. Maghanda ka dahil mukhang kikiligin ka sa gagawin niya.
Money/Career:
Kung hindi ka nabibigyan ng tamang opportunity sa iyong trabaho, mas mabuting humanap na lang ng ibang kumpanyang papasukan.
Lucky color: Purple
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kailangan mong ibigay ang tiwala mo sa isang tao ngayong araw. Wala kang choice kundi magtiwala sa kanyang kakayahan.
Love:
Couples: Kung palagi ka na lang nasasaktan sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para tapusin mo ito.
Money/Career:
Dapat ay lagi kang confident sa iyong trabaho. Tataas ang tingin sa iyo ng iyong mga kasama kung gagawin ito.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may posibilidad na may bumisita sa iyo ngayong araw. Kaya naman huwag mong kalimutang maghanda para sa kanya.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para magkaroon ng love life. Pero huwag ka masyadong excited dahil ang magandang relasyon really takes time.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw mo ngayon lalo na kung may kinalaman sa pagtuturo ang iyong trabaho.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 25
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maging positive lang palagi. Mas gaganda ang mood mo kung gagawin mo ito. Magsuot din ng kulay asul para lalong swertehin.
Love:
Couples: Mukhang malilito ka sa mga ikikilos ng iyong partner. Kaya naman magmatiyag ka muna bago ka magduda.
Money/Career:
Ayusin mo na ang problema sa iyong personal na buhay para hindi na ito makaapekto pa sa iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hindi mo na gusto ang isang bagay, mas mabuting itigil mo na ito para hindi ka na rin mahirapan pa.
Love:
Couples: Kung hindi ninyo pag-uusapan ang mga problema sa inyong relasyon, may malaking chance na hindi magtagal ang inyong samahan.
Money/Career:
Kung may balak kang mag-invest sa isang bagay ngayong araw, gawin mo ito.
Lucky color: White
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan. Huwag kang makinig sa mga taong nagsasabi na hindi mo kaya. Huwag mong maliitin ang iyong sarili.
Love:
Couples: Magtiwala ka sa iyong partner. Huwag kang basta-basta makinig sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi ka sigurado sa isang tao, huwag mo munang ibigay ang buong tiwala mo sa kanya.
Lucky color: Violet
Lucky number: 1