Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang nagbago ka na talaga. Nakikinig ka na sa sinasabi ng ibang tao at hindi na matigas ang iyong ulo.
Love:
Couples: I-treat mo ang iyong partner sa isang dinner. Hindi naman kailangan na sa mamahaling resto kayo kumain.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ng tensyon sa iyong trabaho ngayong araw. Kung wala kang kinalaman dito, mas mabuting huwag na makitsismis.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 22
Taurus (Apr 20 – May 20)
Sundin mo muna ang sinasabi ng iyong isip kaysa sa iyong puso. Huwag mong hayaang manaig ang emosyon sa iyo ngayong araw.
Love:
Couples: Marami ka pang dapat malaman sa iyong partner. Kaya naman iwasan mong husgahan siya kaagad sa kanyang mga ginagawa.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong trabaho dahil may malaking chance na magkamali ka ngayong araw.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 9
Gemini (May 21 – Jun 20)
I-commit mo ang iyong sarili sa mga bagay na gusto mo talagang gawin. Hindi ka makakaramdam ng sobrang stress kung gagawin mo ito.
Love:
Singles: Malaki ka na kaya naman alam mo na dapat ang tama sa mali. Kung hindi ka pa rin sigurado sa dapat mong gawin, humingi ka ng payo sa iyong pamilya.
Money/Career:
May plano kang bilhin na gamit sa mga susunod na araw, kaya naman mag-ipon ka na simula ngayon.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Iwasan mong makipagtalo sa araw na ito. Kung pipilitin mong i-push ang opinyon mo sa iba, magkakaproblema ka lang sa huli.
Love:
Singles: Panahon na para ikaw ay magkaroon ng bagong love life. I-let go mo na ang mga bagay na nagpapabitter sa iyo.
Money/Career:
Mukhang hindi ito ang tamang panahon para pumasok ka sa isang investment dahil may chance na malugi ka rito.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 1
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang magkakaroon kayo ng outing sa mga darating na araw. Kaya naman siguraduhin mong may ipon ka para makasama ka.
Love:
Couples: Kung masyado kang busy dahil sa iyong career, subukan mong kamustahin kahit papaano ang iyong partner at pamilya.
Money/Career:
Kailangan mong i-manage nang mabuti ang iyong oras para mas maging productive ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 6
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maganda ang araw na ito para ikaw ay magmuni-muni, lalo na kung hindi mo pa rin sigurado kung ano ba talaga ang gusto mo sa iyong buhay.
Love:
Couples: Mukhang magiging maganda naman ang inyong pagsasama sa hinaharap. Kailangan lang na maging matatag kayo palagi.
Money/Career:
Mukhang may rare job opportunity ang darating sa iyo. Kaya naman kunin mo agad ito bago ka pa maunahan ng iba.
Lucky color: Silver
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may kakilala ka na malapit nang ikasal. Kaya naman magbigay ka ng regalo at icongratulate sila.
Love:
Singles: Huwag kang mag-alala. Darating din ang panahon na makakamove on ka sa kanya. Hindi mo kailangan itong madaliin.
Money/Career:
Mas magtatagumpay ka sa iyong career kung sa simula pa lang ay hilig mo na talaga ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maraming oportunidad ang darating sa iyo, pero huwag kang magmadali para kunin ang lahat ng ito. Gawin mo lang ang sa tingin mo ang mas paglalaanan mo ng panahon.
Love:
Couples: Mukhang magiging aggressive ka ngayong araw at magugulat dito ang iyong partner. Magtataka tuloy siya sa mga ikikilos mo.
Money/Career:
Kung hindi ka na masaya sa iyong trabaho, mas mabuting magquit ka na lang dito para hindi ka na masyadong mastress.
Lucky color: Rose
Lucky number: 10
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mas makakabuti kung pararamihin mo ang iyong mga kaibigan. Maaaring dumami rin ang iyong mga koneksyon dahil dito.
Love:
Couples: Magrelax ka lang. Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa pagmamadali. Huwag ka masyadong magpastress lalo na sa sinasabi ng ibang tao.
Money/Career:
Humingi ka ng advice sa iyong boss lalo na kung nagkakaroon ka ng problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 5
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kailangan mong maging kalmado ngayong araw. Huwag mong hahayaang uminit ang iyong ulo kundi mas lalong gagrabe lang ang sitwasyon.
Love:
Singles: Mukhang may chance na makatuluyan mo ang isa sa iyong mga kaibigan. Baka nagpaparamdam na siya sa iyo, kaya lang hindi mo ito napapansin.
Money/Career:
Kung magbibigay ka talaga ng oras sa iyong career, hindi malayong maging successful ka rito.
Lucky color: Black
Lucky number: 6
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Gawin mo na agad ang mga bagay na kaya mong gawin nang mag-isa. Kapag tapos mo na ang mga ito, pwede ka na magpatulong sa iba mo pang mga gawain.
Love:
Couples: Okay lang na magplano na kayo para sa inyong hinaharap. Pero hindi niyo kailangan itong madaliin.
Money/Career:
Kahit na dedicated ka sa iyong trabaho, hindi talaga maiiwasan na magkaaberya rito.
Lucky color: Gold
Lucky number: 27
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung kailangan mo munang magbakasyon para irelax ang iyong isip, gawin ito. Paniguradong makakabuti ito para sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong demanding sa iyong partner. May mga kailangan din siyang gawin kaya naman bigyan mo siya ng space.
Money/Career:
Hindi mapipigilan ang iyong galing sa trabaho. Kahit na itago mo ito, tiyak na makikita ito ng karamihan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 2