Aries (Mar 21 – Apr 19)
May malaking chance na malito ka ngayong araw. At maaaring magkatotoo ang mga bagay na ayaw mong maganap.
Love:
Couples: Maaaring maging busy ka ngayong araw. Naiintindihan ka naman ng iyong partner pero huwag mong kalimutan na kamustahin siya.
Money/Career:
Habaan mo ang iyong pasensiya lalo na kung palagi na lang mainitin ang ulo ng iyong boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang makakabuti sa iyo kung papasok ka sa isang partnership. Minsan ay mas madali talaga kapag merong tumutulong sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka masyado maging demanding sa iyong partner. Mahina ang kalaban kaya naman kumalma ka lang.
Money/Career:
Maraming oportunidad ang darating sa iyo, kaya naman may chance ka na malito kung alin sa mga ito ang dapat mong gawin.
Lucky color: Grey
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maging sensitive ka naman sa feelings ng ibang tao. Marahil ay okay lang iyon sa iyo, pero big deal naman iyon sa iba.
Love:
Couples: Huwag masyadong maging seryoso at dapat ay magkaroon kayo ng oras para magsaya. Gawin ito lalo na kung parehas na kayong stressed.
Money/Career:
Kailangan mong habaan ang iyong pasensiya sa iyong trabaho, lalo na kung meron kang subordinate na away makinig sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Marami ka ngang kaibigan, pero ilan lang sa kanila ang talagang maaasahan mo. Kaya naman maging mapili ka na sa mga taong kakaibiganin mo.
Love:
Singles: Sawa ka na sa mga relasyon na wala talagang commitment. Panahon na para maghanap ka ng taong tunay na may pagtingin sa iyo.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng job interview kamakailan, may malaking chance na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring masorpresa ka sa mga mangyayari ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala dahil wala namang masama sa mga ito.
Love:
Couples: May gagawin ang iyong partner sa iyo para lalong maboost ang iyong confidence. Magpasalamat ka sa kanya pagkatapos.
Money/Career:
Kung meron kang gawain na hindi mo kaya, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan.
Lucky color: White
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag kang matakot sa pagbabago. Mukhang hindi mo ito magugustuhan sa umpisa, pero tiyak na may magandang dulot ito sa huli.
Love:
Couples: Mukhang magiging kalmado ka na ngayong araw. Kaya naman umiwas ka muna sa mga bagay na magpapastress sa iyo ng husto.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa iyong trabaho. Hindi ito ang tamang oras para makipagtsismisan ka sa iyong mga kasama.
Lucky color: Green
Lucky number: 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maging mabait ka sa iyong kapwa at may malaking chance na pagpalain ka sa iyong mga nagawa. Maging sensitive ka rin sa mga tao sa iyong paligid.
Love:
Couples: Magiging stable naman ang iyong relasyon sa ngayon. Kaya naman ipagpatuloy ninyo lang ang ginagawa ninyo.
Money/Career:
Magiging hectic ang iyong schedule sa araw na ito kaya naman magfocus ka sa iyong gawain para matapos ka kaagad.
Lucky color: Violet
Lucky number: 26
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Wala kang dapat alalahanin pero hindi mo pa rin magawang hindi mag-alala. Kaya kung hindi ka pa rin kumbinsido, humingi ka ng advice sa isang kaibigan.
Love:
Couples: Kailangan mong maging maunawain sa iyong partner. Huwag lang palaging sarili mo ang iyong dapat isipin.
Money/Career:
Huwag kang mainggit kung successful ang ibang tao sa iyong trabaho. Darating din ang time na magiging matagumpay ka rin.
Lucky color: Gold
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw. Kaya naman hindi maiiwasang sumakit na naman ang mga ulo ng mga taong nakapaligid sa iyo.
Love:
Couples: Kung may achievement ang iyong partner, subukan mo itong icelebrate para naman ma-feel ng iyong partner na special talaga siya.
Money/Career:
Kung gagalingan mo sa iyong trabaho, mas mapapabilis ang pagkakaroon mo ng promotion.
Lucky color: Purple
Lucky number: 16
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung gusto mong magmuni-muni, subukan mong pumasyal sa isang malayong lugar o kaya’y maglaan ng oras para magsimba.
Love:
Couples: Kung palagi na lang kayong nag-aaway ng iyong partner pero ayaw mong makipaghiwalay sa kanya, marahil ay panahon na para mag-cool off na muna kayo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 25
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang hindi na masyadong magiging hectic ang schedule mo sa trabaho. Kaya naman may chance ka na para makapagpahinga kahit papaano.
Love:
Couples: Kung hindi na kayo nagkakasundo ng iyong partner, marahil ay panahon na para maghiwalay kayo kahit na mahaba na ang inyong pinagsamahan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng gumagawa ng kanilang research.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Meron kang kaibigan na magse-share ng isang sikreto sa iyo. Kaya naman huwag mo itong ipagkalat sa iba kahit na juicy ang malalaman mong istorya.
Love:
Couples: Maaaring distracted lang ang iyong partner ngayon, kaya naman mas maganda kung hahabaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Bago ka gumastos, pag-isipan mo munang mabuti kung kailangan mo ba talagang bumili o hindi.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30