Aries (Mar 21 – Apr 19)
Sa wakas ay hindi na rin magiging hectic ang iyong schedule ngayong araw. Kung meron ka pa ring problema na dapat mong ayusin, gawin na ito.
Love:
Singles: Mukhang marami kang event na pupuntahan sa mga susunod na araw. Kaya naman may chance na dumami ang iyong mga bagong kaibigan.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong kasama sa trabaho, dahil may chance na isumbong ka niya if ever na may makita siyang mali sa iyong mga gawain.
Lucky color: Silver
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung medyo bored ka na sa iyong mga ginagawa, subukan mong yayain ang iyong mga kaibigan sa isang outing.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Huwag ka na magdalawang-isip pa.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng good news na may kinalaman sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 9
Gemini (May 21 – Jun 20)
May mga taong nagbibigay sa iyo ng maling payo, kaya naman mas mabuti kung ikaw na lang mismo ang mag-iisip at gagawa ng desisyon.
Love:
Couples: Kung gusto mong tumagal ang inyong relasyon, dapat ay alam mo kung kailan mo dapat isantabi ang iyong ego.
Money/Career:
Maging organized ka lang palagi para naman hindi ka masyadong mahirapan sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring may mga sorpresa na dumating sa iyo ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala dahil lahat naman ng ito ay makabubuti sa iyo.
Love:
Couples: I-adjust mo ang iyong attitude sa iyong partner. Mas mabuti rin kung didiretsuhin mo siya kaysa magpaligoy-ligoy ka pa.
Money/Career:
Huwag kang mandadaya sa iyong trabaho para lang makauwi ka nang maaga. Kung patuloy mo itong gagawin, tiyak na mapapahamak ka.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 19
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung nahihirapan kang umalis sa isang sitwasyon na hindi mo naman talaga ginusto, subukan mong humingi ng tulong sa iyong kaibigan.
Love:
Couples: Maaaring maging demanding ngayon ang iyong partner. Kaya naman kung may gusto siya, i-try mo muna siyang pagbigyan.
Money/Career:
Maging honest ka lang sa iyong trabaho at tataas ang chance na maging successful ka rito.
Lucky color: Black
Lucky number: 19
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Madalas kang gumagastos para sa iyong mga damit. Kaya naman makakabuti sa iyo kung ititigil mo muna ito at magtipid ka.
Love:
Couples: Mas mabuti kung maglalaan ka muna ng panahon para sa iyong pamilya ngayong araw. Huwag muna puro love life ang iyong atupagin.
Money/Career:
Okay lang na maghanap ka ng paraan para mabawasan ang iyong stress. Pero huwag mo naman hayaang maubos ang iyong budget para rito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 5
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magiging pasaway ka ngayong araw. Kaya naman may malaking posibilidad na maging sakit ka sa ulo ng karamihan.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para aminin mo sa isang tao na may gusto ka sa kanya. Ingatan mo lang ang iyong mga sasabihin at baka magkamali siya ng pag-intindi.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya at magiging successful ka rin sa iyong napiling career.
Lucky color: Orange
Lucky number: 23
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maaaring may matanggap kang good news ngayong araw. Kaya kung gusto mong magcelebrate kasama ang iyong pamilya, gawin mo ito.
Love:
Couples: Maging supportive ka sa iyong partner, dahil supportive naman siya sa bawat bagay na ginagawa mo.
Money/Career:
Maaaring may matanggap kang tulong mula sa ibang tao ngayong araw na magpapagaan ng iyong mga gawain.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 8
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Sundin mo muna ang sinasabi ng iyong mga kutob at hinala. May malaking posibilidad na magkatotoo ang karamihan sa mga ito.
Love:
Singles: Ito na ang chance mo para aminin sa isang tao na may gusto ka sa kanya. Huwag mo na ito patagalin at baka maunahan ka pa ng iba.
Money/Career:
Merong chance na magpalit ka ng trabaho sa hinaharap. Pero sa ngayon, magconcentrate ka muna sa current job mo.
Lucky color: Violet
Lucky number: 4
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Ang tensyon at pressure mula sa iyong trabaho ay may malaking chance na makaapekto sa iyong pagtulog. Kaya naman kung kailangan mong matulog buong araw, gawin ito.
Love:
Couples: Hindi sapat na mahal ninyo lang ang isa’t-isa para tumagal ang inyong relasyon. Dapat ay marunong din kayong magbigay dito ng effort.
Money/Career:
Kailangang ipakita mo sa ibang tao na confident ka, kahit deep inside ay sobrang kinakabahan ka.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maganda ang araw na ito para ikaw ay magrelax. Huwag mo muna isipin ang iyong mga problema at gumawa ka ng bagay na tiyak na ikatutuwa mo.
Love:
Singles: Mukhang may taong makikipagflirt sa iyo. Pero huwag mo na siyang pansinin dahil wala naman siyang balak na seryosohin ka.
Money/Career:
Kung nakukulangan ka sa kinikita mo sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para maghanap ka ng pangalawang trabaho.
Lucky color: Cyan
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maging alisto ka sa daan. May malaking posibilidad na magkaroon ng aksidente habang ikaw ay bumibyahe.
Love:
Couples: Kung hahayaan mong tulungan ka ng iyong partner sa iyong problema, magiging mabilis ang paglutas nito.
Money/Career:
Bago mo tanggapin ang isang gawain, siguraduhin mo muna kaya mo itong gawin para hindi ka mapahiya sa tao.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6