Aries (Mar 21 – Apr 19)
Ilaan mo ang araw na ito para makasama ang iyong pamilya. Kung ikaw ay may nga anak na, mag-isip ka ng activity na ieenjoy ninyong lahat.
Love:
Singles: Mukhang hindi ka pa handang pumasok sa isang commitment. Kung pipilitin mong magkalovelife, hindi rin ito magtatagal.
Money/Career:
Masyado ka na nagbubuhos ng maraming oras para sa iyong trabaho. Magday-off ka naman para makabawi ka ng tulog.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 27
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka muna makinig sa sinasabi ng ibang tao. Magtiwala ka muna sa iyong mga kutob at hinala dahil may chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Kung hindi ka niya gusto, huwag mo na ito ipagpilitan pa. Marahil ay makakabuti kung maging friends na lang kayo.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng pera mula sa isang tao ngayong araw.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 24
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maganda ang araw na ito para ilaan sa iyong mga kaibigan. Gumala kayo ngayong araw at i-enjoy lang ang mga oras na magkakasama kayo.
Love:
Singles: May tao kang nagugustuhan, pero takot ka dahil baka mag-iba ang tingin niya sa iyo kapag nalaman niya ito.
Money/Career:
Regaluhan mo ang iyong sarili ngayong araw lalo na kung mawawala ang stress mo dahil dito.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring maging okay naman ang umpisa ng araw mo, pero magiging hectic ito pagsapit ng hapon. Gawin ang lahat para hindi tamarin.
Love:
Couples: Maaaring makatanggap ka ng advice galing sa iyong partner ngayong araw. Hindi mo man ito magustuhan, makakatulong naman ito sa iyo.
Money/Career:
Kailangan mong pigilan ang iyong paggastos. Mahihirapan ka lang sa hinaharap kung wala kang ipon.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Umalis ka sa iyong comfort zone, lalo na kung gusto mong magkaroon ng challenge sa buhay mo. Maaaring makatulong din ito para maging versatile ka.
Love:
Singles: Mukhang gusto ninyo naman ang isa’t-isa. Pero mukhang magiging hadlang sa inyong relasyon ang inyong mga magulang.
Money/Career:
Kung ikaw ay may sakit, mas mabuti kung huwag ka na muna pumasok.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magiging demanding ang araw na ito. Hindi mo pwedeng ipasa sa ibang tao ang iyong mga gawain dahil ikaw lang ang makakagawa nito.
Love:
Singles: Ang taong nakalaan para sa iyo ay nasa tabi-tabi lang. Kaya naman talasan mo ang iyong pakiramdam at huwag maging manhid.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng good news tungkol sa iyong trabaho ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky number: 7
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magiging emosyonal ka ngayong araw. Kaya kung kailangan mo ng kausap, merong kang kaibigan na handang makinig sa iyo.
Love:
Couples: Maaaring sorpresahin ka ng iyong partner ngayong araw. Maaaring regaluhan ka niya ng isang mamahaling bagay.
Money/Career:
Kung hindi na nakakatulong sa iyo ang isang tao, marahil ay panahon na para ihiwalay mo na ang sarili mo sa kanya.
Lucky color: Red
Lucky number: 30
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang magiging mabagal ang takbo ng oras para sa iyo ngayong araw. Kaya naman habaan mo lang ang iyong pasensiya at iwasan mong tamarin.
Love:
Singles: Meron ka ng chance para magkaroon ng love life. Kaya naman gawin mo ang lahat para maging matatag ang magiging samahan ninyo.
Money/Career:
Huwag mong i-underestimate ang iyong sarili. Magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan.
Lucky color: Black
Lucky number: 7
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magkakaroon ka na ng panahon para tapusin ang isang unfinished na project. Dahil dito, magagawa mo na ring simulan ang iba mo pang proyekto.
Love:
Couples: Kailangan mong baguhin ang iyong attitude sa iyong partner lalo na kung gusto mong magtagal ang inyong relasyon.
Money/Career:
Magaling ka sa iyong trabaho, kaya naman may malaking chance na mapromote ka o taasan ang iyong sweldo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 15
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka masyadong malikot ngayong araw. Kung hindi ka mag-iingat, may chance na meron kang masaktan na malapit sa iyo.
Love:
Couples: Kung meron kang concern sa inyong relasyon, sabihin mo ito sa iyong partner para naman maging aware siya rito.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa mga taong may ipepresent sa iyo na trabaho. Pag-aralan mo muna itong mabuti para hindi ka maloko.
Lucky color: Orange
Lucky number: 5
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maaaring sumakit ang iyong tiyan kung palagi ka na lang kumakain. Huwag mo ring kalimutang mag-exercise para hindi ka masyadong tumaba.
Love:
Singles: Bago ka maghanap ng taong magmamahal sa iyo, mahalaga na matutunan mo munang mahalin ang iyong sarili.
Money/Career:
Dahil sa galing mo sa iyong trabaho, hindi maiiwasan na may mga tao na mainggit sa kakayahan mo.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magagawa mong makuha ang atensyon ng ibang tao at may malaking chance na magkaroon ka ng mga bagong kaibigan.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay umamin sa kanya.
Money/Career:
Magaling ka sa iyong trabaho. Pero kung hindi ka magfofocus dito, magkakaroon talaga ng chance na magkamali ka.
Lucky color: Red
Lucky number: 20