Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maaaring yayain ka ng isa mong kaibigan na gumala ngayong araw. Kung meron ka namang bagong proyekto, mas mabuti kung gagawin mo na lang ang mga bagay na talagang subok na.
Love:
Singles: Huwag ka madisappoint kung hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nakikita ang taong nakatadhana sa iyo. Habaan mo ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Kung hindi sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para ikaw ay maghanap ng pangalawang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
May issue ka na dapat harapin ngayong araw. Huwag mo na ito iwasan para magkaroon ka na ng peace of mind.
Love:
Couples: Kung meron kayong pupuntahang event ng iyong partner, alamin ninyo kung sino-sino ang mga invited dito. Baka may makita kayo run na taong hindi ninyo gusto.
Money/Career:
May mga tao na susubukang pabagsakin ka. Pero hindi sila magtatagumpay dahil talaga namang matatag ka.
Lucky color: Purple
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mas mabuti kung susunod ka na lang sa mga inuutos sa iyo at huwag ka na magreklamo kung ayaw mong masermonan.
Love:
Singles: Kung may balak kang pumasok sa isang relasyon, gawin na ito. Tiyak na matutuwa ang iyong pamilya dahil dito.
Money/Career:
Wala ka sa mood masyado para gawin ang iyong mga gawain, kaya naman tiyak na mapapagalitan ka ng iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo na lang intindihin ang mga sinasabi sa iyo ng ibang tao. Magconcentrate ka na lang sa iyong mga gawain at gawin mo ang mga bagay na naeenjoy mo.
Love:
Couples: Maaaring nalilito ka sa mga ikinikilos ng iyong partner kamakailan. Magmasid-masid ka muna at huwag OA mag-isip.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ka na ng paraan para masolusyunan ang inyong problema sa pera.
Lucky color: Blue
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mabilis ang takbo ng mga pangyayari at kung hindi ka mabilis mag-adjust sa mga ito, tiyak na mapag-iiwanan ka.
Love:
Singles: Kung meron kang date ngayong araw, tiyak na magiging maganda ang kalalabasan nito. Mukhang may magandang future kayo together.
Money/Career:
Dapat ay dedicated ka sa iyong trabaho. Iwasan mong tamarin para naman mas mabilis kang maging successful sa napili mong career.
Lucky color: Cream
Lucky number: 22
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi mo kayang tapusin mag-isa ang iyong gawain, subukan mong humingi ng tulong sa iyong kaibigan.
Love:
Couples: Subukan mong baguhin ang iyong outfit at tiyak na masosorpresa mo ang iyong partner dahil dito.
Money/Career:
Huwag ka muna mag-invest sa isang bagay lalo na kung nangangailangan ito ng malaking pera.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 26
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang magulo ang isipan mo ngayong araw. Kaya naman hindi maiiwasang magkamali ka sa mga desisyon na iyong gagawin.
Love:
Couples: Huwag ka basta-basta gumawa ng desisyon lalo na kung hindi mo ito pinag-isipang mabuti. Huwag magpadalos-dalos.
Money/Career:
Maging masayahin ka lang lagi sa iyong trabaho at tiyak na mababawasan ang stress mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 13
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Hindi ito ang tamang araw para ikaw ay tamarin. Kumilos ka para naman may magawa ka kahit papaano at hindi ka mapagalitan.
Love:
Couples: Huwag ka magpaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyong partner. Mas kilala mo siya kaya naman magtiwala ka lang sa kanya.
Money/Career:
Maaaring madelay ang pera na iyong inaasam. Pero huwag mag-alala dahil tiyak naman na darating ito.
Lucky color: White
Lucky number: 30
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung may bagay na gumugulo sa iyong isipan ngayong araw, subukan mong i-share ito sa iyong kaibigan at baka mapayuhan ka niya ng tama.
Love:
Couples: Mukhang magiging mas matatag pa ang inyong samahan kaysa dati. Kaya naman maging open lang kayo sa isa’t-isa para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga gusto ang iyong trabaho, marahil ay panahon na para magresign ka at humanap ng iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging pasaway ka ngayong araw. Kaya naman hindi maiiwasang maging sakit ka ng ulo lalo na sa mga tao sa iyong paligid.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Kahit wala kayong plano, ang importante ay magkasama kayong dalawa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa health ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may tao kang makakasama ngayong araw at makakapagbigay siya sa iyo ng mga payo na tiyak na magagamit mo para lalong mapabuti ang iyong buhay.
Love:
Singles: Kung hindi ka talaga gusto ng iyong crush, mas mabuting huwag mo na siyang pilitin at maging magkaibigan na lang kayo.
Money/Career:
Mukhang matatapos mo ang iyong mga pending na gawain kaya naman magkakaroon ka ng panahon para makapagrelax.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maganda ang araw na ito para gawin ang mga bagay kung saan ka nahihirapan. Malay mo at magawa mo ng maayos ang mga ito.
Love:
Singles: May taong nagkakagusto sa iyo ang gagawa ng paraan para mapansin mo siya. Talasan mo ang iyong pakiramdam ngayong araw.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka, humingi ka ng advice sa isang propresyonal para hindi ka na mahirapan sa kakaisip.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 6