Aries (Mar 21 – Apr 19)
Ang status ng iyong career ay unti-unti nang nagiging maganda. Kaya naman ipagpatuloy mo lang ang iyong ginagawa at huwag magpaapekto sa mga haters mo.
Love:
Couples: Kung nagtatampo sa iyo ang iyong partner, subukan mong ipagluto siya o kaya’y ilibre siya sa kanyang favorite na resto.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong trabaho at hindi magtatagal at magiging successful ka na rin sa iyong napiling career.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Taurus (Apr 20 – May 20)
Subukan mong hindi mapasama sa isang argumento. Kung kaya mong makaiwas dito, gawin ito para hindi na maging kumplikado ang lahat.
Love:
Couples: Kailangan ka ng iyong partner. Kaya kung malayo ka sa kanya, gumawa ka ng paraan para maiparamdam mo ang suporta mo sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka munang pumasok sa kahit anong partnership ngayong araw. Ipagpaliban mo muna ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Unahin mo muna ang iyong mga commitments bago ang ibang bagay lalo na kung ayaw mong may taong magalit sa iyo.
Love:
Couples: Kung naging busy kayo pareho kamakailan, maganda ang araw na ito para bumawi kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung meron kang job interview ngayong araw, magsuot ka ng puti para naman lalo kang swertihin.
Lucky color: White
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Palawakin mo ang iyong social circle. Makakabuti sa iyo kung magiging marami ang iyong kaibigan para na rin dumami ang iyong mga koneksyon.
Love:
Couples: Kung gusto mo maging romantic sa iyong partner, gawin mo ito ngayong araw. For sure naman na kikiligin siya sa kung ano mang balak mong gawin.
Money/Career:
Unahin mo muna ang iyong pamilya kaysa sa iyong career lalo na kung may family emergency kayo.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 10
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maganda ang araw na ito para ilaan sa iyong pamilya. Mag-isip ka ng isang activity na tiyak na ieenjoy ninyong lahat.
Love:
Singles and Couples: Huwag kalimutang bigyan ng pansin ang inyong pamilya at iba pang kamag-anak. Tandaan mo na palagi silang nandiyan sa tabi mo kung kailangan mo sila.
Money/Career:
Mukhang magiging masipag ka sa iyong trabaho ngayong araw at mahahawaan mo ang iyong mga kasama.
Lucky color: Black
Lucky number: 9
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magtiwala ka muna sa iyong mga hinala at kutob. Huwag kang magpapadala sa sinasabi ng ibang tao at baka nililito ka lang nila.
Love:
Coules: Iparamdam mo sa iyong partner kung gaano siya kaimportante sa iyo. Maganda ang araw na ito para pakiligin mo siya.
Money/Career:
Maaaring magkaroon kayo ng business trip. At dahil dito, makakapagmuni-muni ka habang nagtatrabaho.
Lucky color: Cyan
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kailangan mong ayusin ang isang problema lalo na kung ito ang pumipigil sa iyo para makapag-isip ka ng matino.
Love:
Singles: Marahil ay maraming nagkakagusto sa iyo dahil sa mayaman ka. Kaya naman mag-ingat ka sa mga taong gustong makipagrelasyon sa iyo.
Money/Career:
Maaaring may dumating na malaking pagbabago sa iyong trabaho. Pero huwag mag-alala dahil mukhang magiging maganda naman ang kalalabasan nito sa huli.
Lucky color: Orange
Lucky number: 3
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Tapusin mo muna ang mga bagay na inutos sa iyo bago mo gawin ang mga gusto mo. Mapapagalitan ka lang kung magiging pasaway ka.
Love:
Singles: Kung gusto mo talagang magkaroon na agad ng love life, subukan mong humingi ng tips sa iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Kung meron kang nagawang mali, itama mo agad ito kaysa naman sa itago mo.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung mali ang iyong desisyon, gawin mo ang lahat para maitama ito. Huwag mong tatakbuhan ang iyong mga responsibilidad.
Love:
Couples: Kung gusto mong magtagal pa ang inyong relasyon, dapat ay hindi ka OA lalo na sa mga issue regarding sa iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong nagtatrabaho sa public sectors.
Lucky color: Light green
Lucky number: 3
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung naguguluhan ka na sa status ng iyong buhay sa ngayon, subukan mo munang magbakasyon para makapagmuni-muni ka.
Love:
Singles: Kung may ex ka, maaaring makita mo siyang muli. Ito na ang chance mo para ipakita sa kanya kung sino ang sinayang niya.
Money/Career:
Maging boring man sa iyong trabaho, dapat ay hindi ka pa rin magpabaya sa iyong mga gawain.
Lucky color: Green
Lucky number: 22
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging masaya ang araw na ito. Maaaring bisitahin ka ng iyong mga kaibigan o kamag-anak sa inyong bahay. Siguraduhin na meron kang handa para sa kanila.
Love:
Couples: Maaaring maging aggressive ang iyong partner ngayong araw. Kaya naman maaaring mabigla ka sa kanyang mga gagawin.
Money/Career:
Kung meron kang chance na makapagtravel at kumita ng malaki, gawin ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 19
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung alam mo ang goal mo sa buhay, madali mo lang itong makukuha lalo na kung masipag ka at hindi ka madaling mapagod.
Love:
Singles: Subukan mong yayain sa labas ang isa sa iyong mga kaibigan. Malay mo, maging mas close pa kayo sa isa’t-isa kaysa dati.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil baka may masabi kang sikreto na tiyak na ikapapahamak mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 29