Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mong hayaang masira ang iyong araw dahil lamang sa mga maliliit na bagay. Huwag masyadong mag-isip kundi ikaw lang ang maiirita sa huli.
Love:
Couples: Kung may gusto kang sabihin sa iyong partner, sabihin mo na ito agad at huwag ka na mahiya pa.
Money/Career:
Maaaring magkaroon ng misunderstanding sa iyong trabaho. Kaya naman kung makakatulong ka para maayos ito, gawin ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maging open-minded ka at pakinggan mo ang opinyon ng ibang tao. Pero hindi naman ibig sabihin na susundin mo na ang gusto nila.
Love:
Couples: Kung masyado kang busy sa iyong trabaho, maaaring mawalan ka na ng oras sa iyong partner. Matutong kamustahin siya kahit papaano araw-araw.
Money/Career:
Huwag mo hayaang utusan ka ng ibang tao. Kung hindi mo naman trabaho ito, huwag mo itong gawin.
Lucky color: Grey
Lucyk number: 27
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magkakaroon ka ng pagkakataon na gawin ang iyong mga pending na gawain. Maaaring makakuha ka rin ng advice kung paano pa mapapaganda ang iyong trabaho.
Love:
Singles: Ito na ang tamang oras para ikaw ay magseryoso sa paghahanap ng karelasyon. Hindi ka basta-basta pumapatol na lang kung kani-kanino.
Money/Career:
Maaaring magkaroon kayo ng business trip. Ito na ang pagkakataon mo para makagala kahit papaano.
Lucky color: White
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Malaki ang tiwala mo sa iyong sarili, pero dapat ay mag-ingat ka pa rin sa iyong mga gagawin. Gawin mo rin ang lahat para hindi ka magmukhang mayabang sa ibang tao.
Love:
Couples: Kung nagtatampo sa iyo ang iyong partner, gumawa ka ng bagay na tiyak na kikiligin siya. Pwede mo siyang ilibre sa kanyang favorite na restaurant.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong mga gawain. Mapapagalitan ka lang lalo kung laging lumilipad ang isip mo.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 5
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring magkaroon kayo ng biglaang outing. Magiging masaya ang outing na ito kaya naman siguraduhin mong meron kang ipon para makasama ka.
Love:
Couples: Magiging maganda ang status ng inyong samahan lalo na kung pinapakinggan ninyo ang sinasabi ng bawat isa.
Money/Career:
May chance na umutang sa iyo ang isa sa iyong mga kamag-anak. Pag-isipang mabuti kung papahiramin mo siya o hindi.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 6
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mag-ingat ka sa isang tao ngayong araw. Marahil ay nagte-take advantage na siya sa iyo nang hindi mo namamalayan.
Love:
Singles: Magaling kang makipagflirt sa ibang tao. Pero tandaan mo na hindi ka makakahanap ng taong seseryoso sa iyo kung ipagpapatuloy mo ito.
Money/Career:
Kung may problema ka sa iyong trabaho, sabihin mo ito agad sa iyong boss lalo na kung nakakaapekto ito sa performance mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 20
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Dapat ay palagi kang humble. Kung magiging mayabang ka, tiyak na mawawalan ka ng mga kaibigang kaya kang pakisamahan.
Love:
Couples: Kung pareho ang trabaho ninyo ng iyong partner, may chance na maging successful ang career ninyong dalawa.
Money/Career:
Magiging normal naman ang araw mo sa iyong trabaho. Kaya gawin mo lang ang palagi mong ginagawa.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 26
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May issue ka na dapat harapin at dapat ay solusyunan mo na ito kaagad. Kung patatagalin mo ito, lalo ka lang mahihirapan sa huli.
Love:
Singles: Mukhang unti-unti ka nang nahuhulog sa iyong kaibigan. Huwag ka muna pa-obvious at baka maging awkward siya sa iyo.
Money/Career:
Kahit na marami kang oras para gawin ang iyong mga gawain, may chance na tamarin ka pa rin at dahil dito, matatambakan ka ng mga gawain.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 18
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May taong malapit sa iyo ang naghihirap sa ngayon, kaya naman kung kaya mong tumulong ay gawin ito. Ipakita mo sa kanya na sinusuportahan mo siya.
Love:
Couples: Kung stressed ang iyong partner, subukan mong i-adjust ang iyong attitude at maging maunawain na lamang sa kanya.
Money/Career:
Kung ikaw ay mga subordinates, siguraduhin mong wala silang problema para hindi ka na mahirapan sa iyong mga gawain.
Lucky color: Orange
Lucky number: 5
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Sundin mo muna ang sinasabi ng iyong isip, kaysa sa iyong puso. Hindi ito ang panahon para magpadala ka sa iyong mga emosyon.
Love:
Couples: Kung nalilito ka sa mga kinikilos ng iyong partner, mukhang malalaman mo na ang rason sa likod nito ngayong araw.
Money/Career:
Kung meron kang plano na mag-invest sa isang property, gawin ito ngayong araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 24
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Okay lang naman na gumastos ka sa mga bagay na gusto mo. Pero magtipid ka pa rin para kung may emergency man, meron kang naitabing pera para rito.
Love:
Couples: Kung gusto ninyo na magtagal ang inyong relasyon, dapat maisip ninyo na hindi sapat lang na mahal ninyo ang isa’t-isa.
Money/Career:
Hindi maiiwasan na may mga pagsubok na darating sa iyong trabaho. Pero malalampasan mo ang lahat ng ito kung talagang masipag ka.
Lucky color: Gold
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
May taong malapit sa iyo ang magiging emosyonal ngayong araw at may malaking posibilidad na ang may kasalanan ay ikaw.
Love:
Couples: Intindihin mo ang iyong partner. Marahil ay nagiging moody siya kamakailan, kaya naman habaan mo lang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Magiging hectic ang iyong schedule ngayong araw, pero magagawa mo naman ang lahat ng iyong mga gawain nang maayos.
Lucky color: Blue
Lucky number: 1