Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magulo man ang takbo ng buhay mo sa ngayon, maging positive ka lang palagi at magiging maayos din ang lahat sa huli.
Love:
Couples: Habaan mo lang ang iyong pasensiya. Kung hindi ka nauunawaan ng iyong partner, bigyan mo lang siya ng time para makapag-isip.
Money/Career:
May darating na problema sa iyong trabaho sa mga susunod na araw, pero ikaw ang makakalutas sa mga ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 12
Taurus (Apr 20 – May 20)
Gamitin mo ang araw na ito para ikaw ay makapag-relax. Huwag mo munang alalahanin ang iyong mga problema at gawin mo lang kalmado ang iyong isipan.
Love:
Singles: Kung may balak ka na pumasok sa isang relasyon, maganda ang araw na ito para ito ay gawin mo.
Money/Career:
Hindi madaling magtiwala sa isang tao. Kaya naman kilalanin mo muna siyang mabuti at huwag kang magmadali.
Lucky color: Green
Lucky number: 29
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang nakasagutan kamakailan at hindi kayo in good terms, mas maganda kung magkakabati na kayo para magkaroon ka ng peace of mind.
Love:
Singles: Kung hindi ka sigurado sa kanya, mas mabuting huwag ka muna gumawa ng desisyon at baka pagsisihan mo ito sa huli.
Money/Career:
Kung may interview ka sa mga susunod na araw, may chance na swertehin ka rito.
Lucky color: Green
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maging mabait ka sa iyong kapwa para makatanggap ka ng good karma. Kung stressed ka sa iyong trabaho, yayain mo ang iyong mga kasama sa isang outing.
Love:
Couples: Kung hindi kayo nagkakasundo ng iyong partner, mas mabuti kung pag-uusapan ninyo ito nang mahinahon para hindi na kayo tuluyang mag-away.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para pumasok ka sa isang investment. Pero hindi mo kailangang magmadali lalo na kung hindi ka pa sigurado.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 4
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Hindi na masyadong magiging hectic ang araw mo ngayon. Kailangan mo ring ayusin ang anumang issue na nagpapahirap sa iyo.
Love:
Singles and couples: Maganda ang araw na ito para ilaan sa inyong pamilya. Yayain ninyo sila kumain sa labas para makapagbonding kayo.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa isa mong kasama sa trabaho, dahil may balak siyang siraan ka sa iyong boss.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 29
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang gumaganda na ang status ng iyong career. Kung magiging consistent ka lang sa iyong trabaho, gaganda ang iyong future.
Love:
Singles: I-push mo lang kung sino ang taong nagugustuhan mo. Kung hindi siya gusto ng mga kaibigan mo sa iyo, huwag ka na lang magpaapekto sa kanila.
Money/Career:
Dapat ay maging confident ka palagi para naman maganda ang maging impression sa iyo ng mga tao.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung may opportunity na dumating sa iyo, huwag kang mahiyang tanggapin ito. Baka pagsisihan mo ito sa huli kung maunahan ka ng iba.
Love:
Couples: Kung may bagong sinusubukan ang iyong partner, suportahan mo siya kahit na para sa iyo ay hindi na ito kailangan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa travel ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 14
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maganda ang araw na ito para ipakita sa lahat ang iyong talento. May chance na mapabilib mo sila at dumami ang iyong supporters.
Love:
Singles and Couples: Ilaan mo ang araw na ito para makasama ang iyong pamilya. Yayain mo silang kumain sa labas para makapagbonding kayo.
Money/Career:
Kahit na masipag ka sa iyong trabaho, hindi pa rin maiwasan na magkaroon ng problema tungkol dito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maganda ang araw na ito para tapusin mo ang anumang pending na gawain. Kailangan mo itong gawin para hindi ka matambakan masyado.
Love:
Singles: Malaki ang chance na makita mo na ang taong nakalaan para sa iyo.
Couples: Kung medyo toxic na ang inyong relasyon, mas mabuti siguro kung bibigyan ninyo muna ng space ang bawat isa.
Money/Career:
Maraming new opportunities ang darating sa iyo kaya naman hindi ka na masyadong mahihirapan sa paghahanap ng trabahong gusto mo.
Lucky color: Gold
Lucky number: 11
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka muna magcommit lalo na kung hindi ka naman sigurado. Baka mapahamak ka lang sa huli kung hindi mo ito matutupad.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Magplano ng isang sorpresa para sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa journalism ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 16
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Marami kang issue na dapat harapin ngayong araw kaya naman huwag ka na tamarin na ayusin ang mga ito para hindi ka na mahirapan.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para sorpresahin ang iyong partner. Maaaring regaluhan mo siya ng isang mamahaling gamit.
Money/Career:
Hindi na gaano magiging hectic ang iyong schedule sa mga susunod na araw kaya naman matatapos mo na ang ilan sa iyong mga pending na gawain.
Lucky color: Red
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung galit ka, maaaring makagawa ka ng mga maling desisyon. Kaya naman matutong i-relax ang iyong isipan at huwag magpadalos-dalos.
Love:
Singles: Magkakaroon ka ng lakas ng loob para aminin sa isang tao na may pagtingin ka sa kanya. Huwag mo na ito patagalin at baka maunahan ka pa ng iba.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 3