Aries (Mar 21 – Apr 19)
Okay lang na may tiwala ka sa iyong sarili, pero huwag naman sana aabot to the point na masyado ka na mayabang.
Love:
Couples: Matagal mo na gustong sabihin ito sa iyong partner pero nahihiya. Magkaroon ka ng lakas ng loob ngayong araw para sabihin ito sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magpagod sa trabaho. Magpahinga ka lalo na kung magkakaroon ka ng pagkakataon.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang hindi mo masusunod ang iyong schedule kaya naman mahihirapan kang tapusin ang iyong mga gawain on time.
Love:
Couples: Maaaring nawawalan ka na ng oras sa iyong partner dahil sa pagiging busy mo sa iyong trabaho.
Money/Career:
Malaki man ang iyong sinusweldo, magtipid ka pa rin para siguradong meron kang panggastos.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka na masyadong mag-alala sa mga sinasabi ng ibang tao sa iyo. Magfocus ka na lang sa iyong mga gawain at huwag silang bigyan ng atensyon.
Love:
Singles and Couples: Yayain mo sa isang outing ang iyong pamilya. Marahil ay panahon na para makapagbakasyon naman kayo.
Money/Career:
Magiging maswerte ka ngayong araw lalo na kung may kinalaman sa pagtravel ang iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 9
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magagawa mong solusyunan ang ilan sa iyong mga problema ngayong araw, kaya naman hindi malayong lapitan ka rin ng ibang tao.
Love:
Couples: Huwag ka magpaapekto sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyong partner. Huwag mo siyang huhusgahan kaagad.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa gamot ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 11
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kahit na maganda naman ang iyong suggestions, hindi nila ito tatanggapin. Kaya mas mabuting huwag ka na lamang magsayang ng oras tungkol dito.
Love:
Couples: Maaaring maging complicated ang inyong relasyon lalo na kung may mga issue kayo na hindi ninyo pinag-uusapan.
Money/Career:
Kahit na maganda ang iyong trabaho, hindi pa rin tumitigil ang pagdating ng iba’t-ibang oportunidad para sa iyo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Irespeto mo ang opinyon ng ibang tao. Huwag mong pilitin ang iyong paniniwala sa kanila dahil maaaring pag-awayan ninyo lamang ito.
Love:
Couples: Unti-unti nang nawawala ang inyong mga problema. Kaya naman makakapagrelax na kayo at maeenjoy ang company ng isa’t-isa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa investigations ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mahihirapan kang gumawa ng desisyon ngayong araw. Kaya naman, mas mabuting humingi ka ng payo sa iyong mga kaibigan para hindi ka na mahirapan mag-isip.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mo na ang iyong soul mate ngayong araw. Kaya naman huwag ka na tamaring lumabas ng bahay.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa law ang trabaho.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 15
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Nakafocus ka ngayon sa iyong career. Pero tandaan mo na huwag mo masyadong pagurin ang iyong sarili at baka magkasakit ka na.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Yayain mo siya sa isang dinner para naman makapagbonding kayo.
Money/Career:
Meron kang bagay na pinag-iipunan, kaya naman iwasan mo munang magpautang sa ibang tao.
Lucky color: Violet
Lucky number: 17
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magiging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman medyo mahihirapan kang magfocus sa iyong mga gawain at madali kang maiirita sa iyong mga kasama.
Love:
Couples: Mag-ingat ka dahil may chance na masaktan mo ang feelings ng iyong partner. Huwag ka masyadong padalos-dalos.
Money/Career:
Huwag ka maging insecure sa iyong mga kasama. Magiging successful ka rin sa tamang panahon.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 8
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging hectic ang schedule mo sa iyong trabaho kaya naman mahihirapan ka na sumama sa mga gimik ng iyong barkada.
Love:
Couples: Bago ka gumawa ng desisyon, ikonsulta mo muna ito sa iyong partner para naman ma-feel niya na importante din siya sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 4
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung may sakit ka ngayong araw, mas mabuting manatili na lamang sa iyong bahay para na rin maiwasan mong mahawaan ang ibang tao.
Love:
Couples: Magkakaroon ka ng oras para sa iyong partner ngayong araw. Kaya naman sulitin ninyo ang araw na ito para gawin ang mga bagay na pareho ninyong ineenjoy.
Money/Career:
Kung ikaw ay walang trabaho, may chance na may job opportunity na dumating sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 26
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magiging kalmado lang ang iyong mood ngayong araw. Hindi na rin masyadong hectic ang iyong schedule kaya makakapagrelax ka nang matagal.
Love:
Couples: Kung may tampo sa iyo ang iyong partner, ilibre mo siya sa kanyang favorite restaurant para naman magkabati na kayo.
Money/Career:
Bago ka pumasok sa isang investment, siguraduhin mo muna na handa ka sa mga bagay na pwedeng mangyari tungkol dito.
Lucky color: Red
Lucky number: 14