Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magpasalamat sa mga natatanggap mong blessings. Hindi mo lang alam, pero may taong nagpe-pray para maging successful ka.
Love:
Singles: Palawakin mo pa ang iyong social circle. Panahon na para makipagkilala ka sa ibang tao at maging open-minded sa kanila.
Money/Career:
May gagawin kang wais na desisyon ngayong araw at dahil dito, magiging maganda ang mood mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magiging magulo ang isip mo ngayong araw. Hindi ka masyadong makakapagfocus sa iyong mga gawain kaya naman baka mapagalitan ka.
Love:
Couples: Kung may away kayo ng iyong partner, ito ang tamang araw para pag-usapan ninyo ito at magbati na.
Money/Career:
Kung hindi sapat ang iyong kinikita sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para ikaw ay maghanap ng pangalawang trabaho.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 4
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung nag-iisip ka na baguhin na ang iyong diet para maging healthy ka, maganda ang araw na ito para magsimula.
Love:
Couples: Kung marami kayong problema ng iyong partner pero ayaw mong makipaghiwalay sa kanya, marahil ay bigyan ninyo muna ang isa’t-isa ng space para naman makapagmuni-muni kayo.
Money/Career:
Huwag ka masyadong mahigpit sa iyong mga katrabaho. Kung tinatamad sila, pagsabihan sila nang maayos.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 12
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung merong problema ang isang tao na malapit sa iyo, damayan mo siya. Makinig ka sa mga ikukwento niya at bigyan mo siya ng magandang payo.
Love:
Singles: Bago ka magmahal ng ibang tao, dapat ay matutunan mo muna na mahalin ang iyong sarili. Dapat ay hindi mo ikinakahiya kung sino ka talaga.
Money/Career:
Kung hahabaan mo ang iyong pasensiya sa iyong trabaho, mas lalaki ang chance mo na maging successful dito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Panahon na para magbusiness ka. Kung meron kang isang hobby na pwede mo pagkakitaan, gawin mo na ito kaagad.
Love:
Couples: Kung nalilito ka sa mga ikinikilos ng iyong partner, magmasid-masid ka muna at baka malaman mo kung ano ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Maging energetic ka sa iyong trabaho. Kung hindi ka tatamarin, mahihiya sa iyo ang mga kasamahan mong tamad.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
May makikita kang bagay na magugustuhan mo ngayong araw, kaya naman hindi mo mapipigilan ang iyong sarili na bilhin ito.
Love:
Couples: Maaaring hindi ka na gaano nakakapaglaan ng oras sa iyong partner dahil sa iyong trabaho. Huwag mong kalimutang kamustahin siya araw-araw.
Money/Career:
Unahin mo muna ang iyong pamilya bago ang iyong career.
Lucky color: Blue
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Siguraduhin mo na binabantayan mong maiigi ang iyong kalusugan. Umiwas ka muna sa mga malalamig na pagkain.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Sorpresahin mo siya at i-treat sa isang dinner.
Money/Career:
Kung kailangan mong mag-overtime, ipaliwanag mo itong mabuti sa iyong partner lalo na kung nagdududa siya sa mga kilos mo.
Lucky color: Violet
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung naguguluhan ka sa mga nangyayari sa iyong paligid, mas makakabuti sa iyo kung magtitiwala ka muna sa iyong mga hinala at kutob.
Love:
Couples: Kailangan ninyong maging matatag ngayong araw dahil may chance na may problema kayong dapat harapin.
Money/Career:
Huwag basta-basta ipagkatiwala ang iyong pera lalo na sa mga taong ngayon mo pa lang nakilala.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung lagi na lang junk foods ang iyong kinakain, huwag ka na magtaka kung madalas kang nagiging sakitin.
Love:
Couples: Maganda naman ang inyong pagsasama kaya naman hindi malayong mahantong na ang iyong relasyon sa kasalan.
Money/Career:
Dapat ay palagi kang masipag sa iyong trabaho. Huwag mong ipapakita na stressed ka lalo na kung gusto mong mapromote kaagad.
Lucky color: Red
Lucky number: 16
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maaaring magkaroon kayo ng outing, kaya naman magtipid ka na para sure na makasama ka. Tiyak na magiging memorable ang gala ninyo.
Love:
Singles: Maaaring may taong magparamdam sa iyo ngayong araw. Huwag kang magpahalata at abangan mo lang kung ano ang diskarteng gagawin niya.
Money/Career:
Maaaring masolusyunan mo ang isang problema sa iyong trabaho, kaya naman hindi malabong bumilib sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 19
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hindi pa rin mawala-wala ang sakit mo, marahil ay panahon na para magpacheck-up ka. Iwasan mo na magself-medicate.
Love:
Couples: Kung hindi pa handa ang iyong partner para sa isang seryosong commitment, huwag mo na siya pilitin at baka mapressure lang siya.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng isang advice mula sa isang katrabaho at tiyak na makakatulong ito sa iyong career.
Lucky color: Red
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magiging energetic ka ngayong araw kaya naman magiging productive ka rin. Iwasan mo lang madaliin ang iyong mga gawain para hindi ka magkamali.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang maimpluwensiyahan ng ibang tao ang iyong mga desisyon na meron kinalaman sa iyong relasyon.
Money/Career:
Kailangang maging updated ka sa mga nangyayari sa iyong paligid. Mahirap na at baka mapag-iwanan ka.
Lucky color: Blue
Lucky number: 16