Aries (Mar 21 – Apr 19)
Matulungin ka sa ibang tao kaya naman nakukuha mo ang respeto nila. May chance din na magkasakit ka ngayong araw kaya mas mabuting manatili na lamang sa bahay.
Love:
Couples: Mukhang magiging complicated ang status ng inyong relationship ngayong araw, pero hindi naman ito magtatagal.
Money/Career:
Huwag mong hayaang magtalo kayo ng iyong partner dahil lamang sa iyong trabaho.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Alamin mo ang iyong goals at gawin mo ang lahat para makuha mo ang mga ito. Magconcentrate ka sa mga importanteng bagay.
Love:
Couples: Kung gusto ninyo na magpakasal pero tutol dito ang inyong mga magulang, mas mabuti kung ipagpaliban ninyo muna ito.
Money/Career:
Maging mahinahon lang sa oras ng trabaho. Huwag kang magpapatalo sa stress.
Lucky color: Orange
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung ikaw ay may sakit, huwag basta-basta uminom lang ng gamot. Bantayan mo rin ang dami nito at baka magkaroon ka ng komplikasyon sa iyong atay.
Love:
Couples: Huwag kang magpadala sa mga nangyayari sa iyong paligid. Gawin mo ang sa tingin mo ang tama.
Money/Career:
Mas makakabuti sa iyo kung hindi ka muna makikipagtalo sa iyong mga kasama sa trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Masyado mo na pinapagod ang iyong sarili. Magpahinga ka naman kahit konting oras lang para makabawi ang iyong katawan.
Love:
Singles: Patawarin mo na ang mga taong nagkasala sa iyo para naman magkaroon ka na rin ng peace of mind.
Money/Career:
Mukhang matutulungan ka ng isa sa iyong mga kaibigan para makahanap ng trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 2
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Walang bagay ang makakaistorbo sa iyo, kaya naman magagawa mong tapusin ang mga gawain na ibibigay o iuutos sa iyo.
Love:
Singles: Huwag mo na ipilit kung wala talagang pagtingin sa iyo ang taong gusto mo. Marahil ay mas mabuti na maging magkaibigan na lamang kayo.
Money/Career:
Kung ikaw ay nag-iinvest para sa isang property, mukhang suswertihin ka at makakakuha ng isang magandang deal.
Lucky color: Purple
Lucky number: 28
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maaaring mawala ka sa focus ngayong araw. Kaya naman kung kaya mong hatiin ang iyong mga gawain at ipagawa ito sa iba, gawin ito.
Love:
Couples: Kung may problema ka sa trabaho, huwag kang mahiyang sabihin ito sa iyong partner. Parati naman siyang nakasuporta lang para sa iyo.
Money/Career:
Magagawa mo na tapusin ang anumang pending na gawain mo at magkakaroon ka na rin ng oras para makapagpahinga.
Lucky color: Brown
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Hindi mo mapipigilan ang pagbabago. Kaya naman mas mabuti kung susunod ka na lang sa agos at maaaring may maganda itong maidulot sa iyo sa huli.
Love:
Couples: Iparamdam mo sa iyong partner kung gaano siya kaimportante para sa iyo. Maglaan ka rin ng mas maraming oras sa kanya.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng isang importanteng mensahe ngayong araw kaya naman dapat ay makinig kang mabuti.
Lucky color: Brown
Lucky number: 22
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung naguguluhan ka, mas mabuting ilayo mo muna ang iyong sarili sa nakararami para naman makapagmuni-muni ka.
Love:
Singles: May chance na may makita kang tao na magugustuhan mo. Pero mag-ingat ka lang dahil mukhang wala siyang oras para sa pag-ibig.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para naman regaluhan mo ang iyong sarili. Matatanggal din ang stress mo dahil dito.
Lucky color: Green
Lucky number: 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mong madaliin ang mga bagay-bagay. Kung gagawin mo ito, may malaking chance na talagang magkamali ka.
Love:
Couples: Kung may pagtatalo kayo ng iyong partner, huwag ninyo na palalain ang sitwasyon. Magrelax lang kayo para makaisip kayo ng solusyon sa inyong problema.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa isa mong katrabaho dahil may chance na isumbong ka niya sa iyong boss kapag may nakita siyang mali sa gawa mo.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 20
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Dahil magaling ka sa iyong mga gawain, maaaring gantimpalaan ka ng malaki dahil dito. Kaya naman huwag mahiyang i-celebrate mo ang iyong magiging achievement.
Love:
Singles: Hindi masama na gumimik ngayong araw. Pwede mo ring yayain ang isang kaibigan na samahan ka buong gabi.
Money/Career:
Bago mo gawin ang mga inutos sa iyo, isipin mo muna kung alin sa mga ito ang dapat mong unahin.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Bago mo gawin ang iyong gusto, siguraduhin mo munang natapos mo na ang mga bagay na inutos sa iyo. Iwasan mong mapagalitan ngayong araw.
Love:
Couples: Kung may kasalanang nagawa sa iyo ang iyong partner, patawarin mo siya. Pero dapat din niyang ipangako na hindi na niya ito uulitin pa.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong mga gawain dahil may malaking chance na bantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 25
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung nakakaramdam ka ng pananakit ng paa, subukan mong ilubog ito sa mainit na tubig. Kung hindi pa rin matanggal ang sakit, kumunsulta ka na sa doktor.
Love:
Couples: Maging positive ka lang kahit na hindi masyadong nagiging maganda ang status ng iyong relasyon.
Money/Career:
Huwag ka muna mag-invest sa mga malalaking bagay. Magsimula ka muna sa maliit.
Lucky color: Red
Lucky number: 2