Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magiging energetic ka ngayong araw. Kaya naman ingatan mong huwag masyadong magpagod dahil kailangan din ng katawan mo ang pahinga.
Love:
Couples: May malaking chance na maging iritable ka ngayong araw, kaya naman subukan mong huwag madamay rito ang iyong partner.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya at tiyak na magkakaroon din ng good news sa iyong trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 16
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magkakaroon ka ng bisita ngayong araw. Kaya naman huwag mong kalimutan na ipaghanda siya.
Love:
Singles: Kung meron kang ex, may malaking posibilidad na muli mo siyang makita ngayong araw. Huwag magpaapekto sa mga sasabihin niya.
Money/Career:
Kahit na panay ang gastos mo, mukhang stable pa rin naman ang finances mo.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 3
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang mga gamit na hindi mo na masyadong ginagamit, mas mabuting i-donate mo na lang ang mga ito kaysa sa iwanang nakatambak sa iyong kwarto.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong outfit at may malaking chance na maimpress mo ang mga tao sa iyong paligid.
Money/Career:
Kahit na importante sa iyo ang iyong trabaho, huwag mo pa ring kalimutan ang iyong kalusugan.
Lucky color: White
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mong takasan ang mga bagay na dapat mong gawin sa araw na ito. Hindi ito ang tamang panahon para maging tamad ka.
Love:
Couples: Huwag mong i-compare sa ibang tao ang inyong relasyon. Ikaw lang ang mapapraning kung gagawin mo ito.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap ka na regalo ngayong araw mula sa isang tao na malapit sa iyo.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 1
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May mga bagay talaga na mangyayari na hindi mo kayang paghandaan. Kaya naman sumabay ka na lang sa agos para hindi ka na mahirapan pa.
Love:
Singles: Kung medyo bored ka ngayong araw, subukan mong yayain ang iyong mga kaibigan para gumala.
Money/Career:
Mukhang kailangan mong magsimula muli kung mukhang hindi nagiging maganda ang takbo ng iyong career.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 2
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka basta-basta ibigay ang iyong tiwala sa isang tao kahit gaano mo pa siya katagal na kakilala.
Love:
Couples: Kung hindi mo masyadong makasundo ang iyong partner ngayong araw, huwag ka muna makipagtalo sa kanya at intindihin mo na lang siya.
Money/Career:
May mga job opportunities na darating sa iyo at may chance na kunin mo ito kung hindi mo na gusto ang iyong kasalukuyang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung marami kang gagawin ngayong araw, i-schedule mo ang mga ito para hindi ka malito kung alin sa mga ito ang dapat mong unahin.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na makita mo na ang taong nakatadhana para sa iyo. Huwag mo na palampasin pa ang pagkakataong ito.
Money/Career:
Mukahng may chance na gumastos ka ngayong araw, kaya naman bantayan mong mabuti ang iyong budget.
Lucky color: Violet
Lucky number: 20
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may malaking chance na makatanggap ka ng pera mula sa isang tao ngayong araw. Magagawa mo na tuloy bayaran ang mga utang mo.
Love:
Couples: Kahit na wala masyadong ganap sa inyong dalawa, kamustahin mo pa rin ang iyong partner para naman ma-feel niya na concerned ka.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa mga bagay na gusto mong abutin. Huwag mong hayaang mawala ang focus mo rito.
Lucky color: Red
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mong kalimutang i-check ang iyong email dahil may malaking chance na makatanggap ka ng good news ngayong araw.
Love:
Singles: Mukhang may gusto ang iyong mga kaibigan para sa iyo, pero mukhang hindi mo naman feel ang taong pinupush nila.
Money/Career:
Ito na ang tamang panahon para bilhin mo ang isang bagay na matagal mo nang pinag-ipunan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 7
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang maganda ang araw na ito para ayusin ang anumang sira sa loob ng inyong bahay o kaya’y mag-organize na lang muna ng inyong mga gamit.
Love:
Singles: Walang taong perpekto, kaya naman huwag mo masyadong taasan ang mga qualities na hinahanap mo sa iyong future partner.
Money/Career:
Kahit na gusto mong maging successful sa iyong career, may mga tao talaga na pipilitin kang pabagsakin.
Lucky color: Grey
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung nahihirapan ka na magdesisyon tungkol sa isang bagay, mas mabuting ipaubaya mo na lang ito sa ibang tao.
Love:
Couples: Huwag masyadong mainitin ang ulo at baka madamay rito ang iyong partner. Maaaring magtampo siya sa iyo kung hindi ka mag-iingat.
Money/Career:
Mukhang makakaisip ka ngayong araw ng solusyon tungkol sa problema mo sa pera.
Lucky color: Blue
Lucky number: 15
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung naguguluhan ka recently sa mga life choices mo, marahil ay panahon para magmuni-muni ka muna para makapag-isip ka nang mabuti.
Love:
Couples: Maaaring makasira ang iyong career sa iyong relasyon. Kaya naman maging open ka sa iyong partner tungkol dito.
Money/Career:
Maging masipag ka lang lagi sa iyong trabaho at iwasan mong magsayang ng oras sa mga bagay na hindi naman importante.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17