Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magiging maganda ang mood mo ngayong araw. Kaya naman sundin mo lang ang iyong instincts at magiging maayos din ang lahat.
Love:
Couples: Yayain mong lumabas ang iyong partner at gumawa kayo ng something adventurous. Hindi ito ang tamang panahon para sayangin lang ang araw ninyo sa loob ng bahay.
Money/Career:
Kung may pinahiram kang pera sa isang tao dati, may malaking chance na mababayaran ka na niya ngayong araw.
Lucky color: Rainbow
Lukcy number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging pabor sa iyo ang araw na ito. Kung ano man ang iyong gawin ngayong araw ay tiyak na magtatagumpay.
Love:
Couples: Huwag kang magpapressure sa ibang tao. Kung hindi ka na masaya sa inyong relasyon, mas mabuting sabihin mo ito sa iyong partner.
Money/Career:
Magiging maganda na ang takbo ng iyong career at mukhang mapapahiya ang mga taong may duda sa iyo.
Lucky color: Violet
Lucky number: 10
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may bagay ka na magugustuhan ngayong araw at hindi mo maiiwasang bilhin ito. Mababawasan tuloy bigla ang iyong ipon.
Love:
Couples: Kung naguguluhan ka sa mga ikinikilos ng iyong partner, may malaking chance na malalaman mo na ang rason sa likod nito.
Money/Career:
Marami kang kailangang tapusin ngayong araw. Kaya naman huwag mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan.
Lucky color: Green
Lucky number: 7
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magkakaroon kayo ng outing ng iyong mga kaibigan. Kaya naman mag-ipon ka na para naman makasama ka.
Love:
Singles: Lumabas ka kasama ang iyong mga kaibigan at may malaking chance na makasalubong mo ang taong nakadestined para sa iyo.
Money/Career:
Mukhang may makukuha kang pera ngayong araw kaya naman gawin mo ang lahat para hindi ito maubos na lang bigla.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 7
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magfocus ka sa iyong mga dapat gawin. Huwag mong hayaang madistract ka ng mga nangyayari sa iyong paligid.
Love:
Couples: Maaaring magdesisyon kayo na magmove-in sa hinaharap. Pag-isipan ninyo itong mabuti dahil paniguradong hindi ito madali.
Money/Career:
Mukhang may makukuha kang pera ngayong araw kaya naman gawin mo ang lahat para hindi ito maubos na lang bigla.
Lucky color: Gold
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Siguraduhin mo munang kilala mo talaga ang isang tao bago ka magtiwala sa kanya. Mahirap na at baka hindi mo siya maasahan sa huli.
Love:
Singles: Subukan mong mag-experiment ngayong araw. Pumunta ka sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan o kaya kumain ng mga pagkaing hindi mo pa nata-try.
Money/Career:
Mukhang mawawalan ka ng oras para sa ibang bagay ngayong araw dahil magiging busy ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kailangan mong umalis sa iyong comfort zone kung gusto mong mas maging magaling kaysa sa iba. Maaaring mag-iba ang pananaw mo sa buhay kung gagawin mo ito.
Love:
Couples: Kailangang habaan mo ang iyong pasensiya lalo na kung lagi na lang pasaway ang iyong partner. Matigas talaga ang ulo niya kaya pagbigyan mo na lang.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may tinutulungan na charity.
Lucky color: Brown
Lucky number: 6
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magiging emosyonal ka ngayong araw kaya naman mahihirapan kang gumawa ng desisyon nang maayos. Kaya mas mabuting ipagpaliban na lang ito sa ngayon.
Love:
Singles: Mukhang hindi ka na pumapatol agad sa kung sino-sino. Magiging mature ka na mag-isip kaya naman magiging matino na rin ang iyong magiging love life.
Money/Career:
Kung wala ka pang trabaho, maaaring may dumating sa iyo na job opportunity kaya naman huwag mo na ito palampasin pa.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag kang basta-basta magdedesisyon lalo na kung hindi mo ito pinag-isipan o kaya’y napipilitan ka lamang.
Love:
Couples: Mukhang weird ang ikinikilos ng iyong partner kamakailan. Kaya naman matyagan mo lang siya at malalaman mo rin ang rason sa likod nito.
Money/Career:
Kung may meeting ka ngayong araw, may malaking chance na maging successful ito at lalong magiging maganda ang takbo ng iyong career.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magtiwala ka sa iyong mga hinala at kutob ngayong araw. May malaking chance na magkatotoo ang mga ito at matulungan kang magdesisyon tungkol sa isang bagay.
Love:
Long-Distance Couples: Mukhang kailangan mo ang suporta ng iyong partner ngayon, pero wala tayong magagawa kung nasa malayo siya. Tandaan mo na lang na lagi ka niyang inaalala kaya alagaan mo ang iyong sarili.
Money/Career:
May taong magbibigay sa iyo ng advice tungkol sa iyong career. Kailangan mong makinig sa kanya at gawin ang mga sasabihin niya.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maaaring maimpluwensiyahan ang desisyon mo ng isang tao na matagal mo nang kasama. Mag-ingat ka lang dahil baka hindi mo alam na kinokontrol ka na pala niya.
Love:
Singles and Couples: Maglaan ka ng maraming panahon para sa iyong pamilya. Magplano ng isang activity kung saan makakapagbonding kayong lahat.
Money/Career:
Mukhang panahon na para magpahinga ka muna sa iyong trabaho. Masyado ka nang stressed kaya naman hindi ka na masyadong productive katulad ng dati.
Lucky color: Blue
Lucky number: 4
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mabilis ang mga nangyayari sa iyong paligid kaya naman kung hindi ka makakahabol ay mapag-iiwanan ka. Kilos-kilos din kapag may time.
Love:
Singles: Hindi man kayo magwork-out as magpartners, mukhang maganda naman ang magigin relasyon ninyo bilang magkaibigan.
Money/Career:
Maaaring may makuha kang pera ngayong araw kaya naman posibleng makapagbayad ka na sa iyong utang.
Lucky color: Silver
Lucky number: 17