Aries (Mar 21 – Apr 19)
Habaan mo lang ang iyong pasensiya at magiging productive na rin ang araw na ito para sa iyo. Maaaring tamarin ka kaya dapat ay labanan mo ito.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong atat magkaroon ng love life. Darating din iyan at kapag nasa isang relasyon ka na, tiyak na mamimiss mo maging single.
Money/Career:
Lagi kang tinutulungan ng iyong mga katrabaho. Kaya kung sila naman ang mangailangan ng tulong, ibigay mo ito sa kanila.
Lucky color: Red
Lucky number: 16
Taurus (Apr 20 – May 20)
May good news na darating sa iyo ngayong araw at may malaking chance na may kinalaman ito sa inyong bahay.
Love:
Couples: Magtiwala sa iyong instincts at gumawa ng desisyon base rito. Panahon na para magkaroon ng pagbabago sa inyong relasyon.
Money/Career:
Kung nag-apply ka sa isang company kamakailan, may malaking posibilidad na may matanggap kang good news tungkol dito.
Lucky color: Black
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maaaring maging maganda ang araw na ito para sa iyo dahil may matatanggap kang malaking pera ngayon. Subukan mong huwag gastusin ito lahat para may magamit ka pa kinabukasan.
Love:
Singles: Take your time. Hindi minamadali ang mga bagay-bagay. Darating din ang tamang panahon para magkaroon ka ng love life.
Money/Career:
Magiging successful ka rin sa iyong napiling career kaya naman kumalma ka lang.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 10
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Hindi maiiwasan na may mga problema na magpakita ngayong araw. Kaya naman dapat ay handa ka para harapin ang mga ito.
Love:
Singles: Mukhang ready ka na para magkaroon ng love life. Kailangan mo na lang mahanap ang taong nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Kung meron kang job interview ngayong araw, magiging maswerte ang araw na ito para sa iyo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maganda ang araw na ito para palawakin ang iyong social circle. Panahon na para paramihin mo ang iyong mga koneksyon.
Love:
Couples: Kung may achievement ang iyong partner, subukan mong sorpresahin siya sa pamamagitan ng isang party.
Money/Career:
Huwag kang mang-uto ng iyong kapwa para lang gawin nila ang iyong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magiging close ka sa isang tao ngayong araw at mukhang mag-eenjoy kayo sa inyong kwentuhan buong araw.
Love:
Singles: May malaking chance na may taong magkagusto sa iyo at mukhang magkakagusto ka rin sa kanya. Kaya lang, mukhang hahadlang ang pamilya ninyo kung magkakatuluyan kayo.
Money/Career:
Mukhang nagkakaroon na ng improvement sa iyong ipon. Kaya naman ipagpatuloy mo lang ang iyong pagtitipid.
Lucky color: Grey
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may malaking chance na pagkakitaan mo ang isa sa iyong mga hobby. Kaya naman pag-isipan mong mabuti kung mag-iinvest ka na para rito.
Love:
Singles: Maaaring may makilala kang tao na kaparehas mo ng hilig. Maaaring mag-enjoy kayo sa company ng isa’t-isa.
Money/Career:
Magagawa mo nang tapusin ang isang proyekto na matagal mo na dapat natapos.
Lucky color: Gold
LUcky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Madali ka ma-bore sa mga bagay na paulit-ulit. Kaya naman mag-isip ka ng bagong hobby para naman hindi ka na tamarin.
Love:
Singles: Mukhang matagal pa bago ka magkaroon ng love life kaya naman i-enjoy mo na lang muna ang iyong pagiging single.
Money/Career:
Bago ka magdesisyon na magresign sa iyong trabaho, pag-isipan mo munang mabuti kung nasa timing ba ang iyong desisyon.
Lucky color: Rose
Lucky number: 2
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magiging memorable ang araw na ito para sa iyo dahil mukhang may malaking pagbabago ang darating sa iyo ngayong araw.
Love:
Singles: Mukhang malalaman mo na ang mga bagay na talagang hinahanap mo sa iyong future partner. Kaya naman kung dumating na siya sa buhay mo, huwag mo na siya pakawalan pa.
Money/Career:
Kung gusto mo magkaroon ng advantage sa iyong trabaho, dapat ay palagi kang updated sa mga nangyayari sa iyong paligid.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 8
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kahit na maganda naman ang iyong mga suggestion, mukhang hindi ka nila pinapakinggan. Kaya mas mabuting huwag na lang sayangin ang effort mo para sa kanila.
Love:
Couples: Kailangan mong maging maunawain sa iyong partner lalo na’t may pinagdadaanan siyang mabigat ngayon.
Money/Career:
May malaking chance na tamarin ka sa iyong trabaho ngayong araw kaya naman hindi maiiwasang mapagalitan ka ng iyong boss.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 11
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging emosyonal ka ngayong araw kaya naman hindi maiiwasang maging pasaway ka rin. Kaya mas mabuting umiwas na lang sa mga tao para hindi sila madamay sa topak mo.
Love:
Singles and Couples: Palawakin ninyo ang inyong mga social circle. Makakatulong sa inyo kung marami kayong koneksyon.
Money/Career:
Dapat ay maging alerto ka sa iyong trabaho para naman maiwasan mong magkamali sa iyong mga gawain.
Lucky color: Brown
Lucky number: 17
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring makatanggap ka ng good news na may kinalaman sa iyong career. Mukhang makakatulong ito para sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Kung hindi ka mag-iingat, may malaking chance na magkaroon ng tensyon sa inyong relasyon na kagagawan ng isang 3rd party.
Money/Career:
Magkakaroon ng pagbabago sa iyong career. Maaaring mapromote ka o kaya’y mabigyan ng isang magandang proyekto.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 9