Aries (Mar 21 – Apr 19)
Makukuha mo ang atensyon ng maraming tao ngayong araw, kaya naman may mga taong magseselos sa iyo dahil dito.
Love:
Couples: Maaaring magkaroon ng conflict sa inyong relasyon sa mga susunod na araw, kaya naman kailangan mong maging maunawain sa iyong partner.
Money/Career:
Hindi maganda ang araw na ito para ikaw ay umappear sa isang exam.
Lucky color: Violet
Lucky number: 4
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magandang ilaan mo ang araw na ito para sa iyong mga kaibigan. Maaaring may ilan sa kanila ang bumisita sa inyong bahay.
Love:
Singles: Makikita mo na ang taong nakalaan para sa iyo. Pero mukhang marami kang kaagaw sa kanya kaya naman importante na maunahan mo sila.
Money/Career:
Kung hindi mo naman talaga gusto ang iyong trabaho, may malaking posibilidad na magquit ka rito at gawin ang bagay na talagang gusto mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 1
Gemini (May 21 – Jun 20)
Paminsan-minsan, kailangan mo talagang humingi ng tulong sa ibang tao. May mga bagay talaga na hindi mo magagawa nang mag-isa.
Love:
Couples: Mukhang magkakaroon ng problema ang inyong relasyon at may malaking posibilidad na may
kinalaman ang trabaho mo rito.
Money/Career:
Nasa tama kang direksyon sa iyong career. Kaya naman ipagpatuloy mo lang ito para mabilis kang maging successful dito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 17
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang mahihilig ka sa mga bagay na misteryoso ngayong araw. Kaya naman subukan mong manood ng mga mystery films o magbasa ng mga mystery novels.
Love:
Couples: Kung may event ka na gagawin para sa iyong partner, imbitahan mo lang ang mga taong tiyak na magpapakita sa iyong party.
Money/Career:
Kung may gusto kang sabihin sa iyong boss, huwag kang mahiya at ipaalam ito sa kanya.
Lucky color: Gold
Lucky number: 12
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag masyadong magpanic sa mga bagay-bagay lalo na kung hindi umaayon sa iyo ang mga nangyayari sa iyong paligid.
Love:
Couples: Maaaring may complications na dumating sa inyong relasyon, kaya naman mas mabuti kung huwag kaagad iinit ang iyong ulo.
Money/Career:
Huwag mong kalimutang alagaan ang iyong sarili. Kung magkakasakit ka, maaapektuhan ang iyong performance sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 3
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mong hayaang maging preso ka ng iyong nakaraan. Matutong i-let go ang anumang pumipigil sa iyo para maka-move on.
Love:
Couples: Pagsabihan mo ang iyong partner lalo na kung nagiging demanding na siya sa iyo kamakailan.
Money/Career:
Maaaring malugi ang ilan sa iyong investments, pero huwag mag-alala dahil mababawi mo rin naman ang ininvest mo rito sa hinaharap.
Lucky color: Purple
Lucky number: 1
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka muna magpautang ng pera sa ibang tao ngayong araw. May malaking posibilidad na hindi ka niya mababayaran sa ipinangako niyang araw.
Love:
Couples: May makikita kang tao na mukhang may mas appeal kaysa sa iyong partner. Mas magandang lumayo na lang sa kanya at maging faithful sa iyong partner.
Money/Career:
Mukhang magiging hectic ang iyong schedule ngayong araw at hindi ito ang panahon para ikaw ay magpa- petiks-petiks.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 24
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maaaring may i-discuss kayo na issue na may kinalaman sa iyong mga kamag-anak. Gawin ang lahat para hindi uminit ang iyong ulo para maging maganda ang inyong usapan.
Love:
Singles: Mas maganda kung confident ka sa sarili mo bago ka pumasok sa isang relasyon. Maghanda ka rin sa mga problema na maaari mong maencounter sa hinaharap.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 12
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Panahon na para putulin mo ang koneksyon mo sa isang tao na nagudulot lang ng pahirap sa iyong buhay.
Love:
Couples: May hinaharap na issue ang iyong partner sa ngayon, kaya naman kailangan na maging maunawain ka at habaan mo ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong strengths lalo na kung gusto mong maging successful sa iyong napiling career.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging pabor sa iyo ang araw na ito. Magagawa mo nang tapusin ang isang proyekto na matagal mo nang sinimulan.
Love:
Singles: Bago ka maghanap ng pag-ibig mula sa ibang tao, dapat ay matuto ka munang mahalin ang iyong sarili at tanggapin kung sino ka talaga.
Money/Career:
Maging vocal ka sa iyong trabaho. Kung may nakikita ka na hindi mo gusto, ipaalam mo ito sa maayos na paraan.
Lucky color: Red
Lucky number: 15
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka makinig sa ibang taong hindi naman bilib sa iyong kakayahan. Magtiwala sa iyong sarili at sa mga taong sumusuporta sa iyo.
Love:
Couples: Importante sa inyong relasyon na hindi ka maging pasaway. Dahil kung matigas na ang ulo ng iyong partner, wala kang choice kundi mag-adjust sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na kung may kinalaman sa pagtuturo ang iyong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 22
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung wala ka naman kinalaman sa isang problema, huwag ka na makialam dito lalo na kung ayaw mong madamay ka.
Love:
Couples: Kung nagkaroon kayo ng pagtatalo kamakailan, mukhang maaayos na ito at magiging kalmado na rin kayong dalawa.
Money/Career:
Kung ikaw ay walang trabaho, may job opportunity na darating sa iyo. Kaya naman huwag mo itong palampasin at baka maunahan ka pa ng iba.
Lucky color: Black
Lucky number: 11