Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maaaring subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Tumaya ka sa lotto at malay mo, makuha mo ang nakalagay na jackpot.
Love:
Couples: Maaaring maguluhan ka sa mga ikinikilos ng iyong partner, pero mukhang malalaman mo na ngayong araw ang rason sa likod nito.
Money/Career:
Maaaring makareceive ka ng magandang advice na makakapagboost ng iyong confidence sa trabaho.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang kailangan mong maglaan ng mas maraming panahon para palakihin mo ang iyong social circle para dumami ang iyong mga koneksyon.
Love:
Couples: Maaaring may malaman kang bago sa iyong partner at subukan mong huwag siyang husgahan kaagad.
Money/Career:
Huwag kang mahiyang gumastos ngayong araw. Basta siguraduhin mo lang na meron pa ring matitira sa iyong mga naipon.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may kailangan kang i-celebrate ngayong araw, gawin mo ito. Mag-ingat lang sa iyong mga kakainin dahil malaki ang posibilidad na masira ang iyong tiyan.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic sa iyong partner. Bawas-bawasan mo rin ang iyong pagiging pasaway sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi ka masyadong confident sa iyong trabaho, huwag mo itong ipahalata sa iyong mga boss.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring magkaroon ka ng restrictions ngayong araw at malaki ang posibilidad na may kinalaman ito sa iyong mga kamag-anak.
Love:
Singles: Malaki ang posibilidad na makita mo na ang taong nakalaan sa iyo sa isang sports center.
Couples: Bigyan ninyo ng space ang isa’t-isa para naman hindi kayo masakal masyado sa inyong relasyon.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka na makaipon, marahil ay dapat ka nang humanap ng pangalawang trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 11
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maganda ang araw na ito para ikaw ay magsimula ng bago. Alisin mo na ang mga bagay-bagay na pumipigil sa iyo para maka-move on ka.
Love:
Singles: Kung may balak ka na pumasok sa isang relasyon, tandaan mo na dapat ay open minded ka at huwag agad magpapadala sa iyong mga emosyon.
Money/Career:
Hindi man maganda ang takbo ng iyong career sa ngayon, habaan lang ang iyong pasensya at magiging successful ka rin dito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maaaring mahirapan ka sa iyong mga gawain dahil kulang ang iyong resources. Kaya naman ipakita mo ang iyong kakayahan para diskartehan ito.
Love:
Couples: Maaaring magkaroon kayo ng pagtatalo ngayong araw, pero huwag mong hayaang matapos ang araw nang hindi kayo nagkakaayos.
Money/Career:
Kung napagastos ka nang malaki ngayong araw, maaaring mapilitan ka na umutang sa iyong mga kaibigan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May mangyayari ngayong araw na tiyak na hindi mo magugustuhan. Pero hindi naman ito grabe na ikasisira ng araw mo.
Love:
Singles and Couples: Huwag mong hayaang maubos ang iyong oras sa iyong career. Maglaan ka rin para sa iyong pamilya dahil mas importante sila.
Money/Career:
Kung talagang naglaan ka ng effort at panahon sa iyong career, may malaking posibilidad na maging successful ka rito sa hinaharap.
Lucky color: White
Lucky number: 9
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag basta-basta gumawa ng mga desisyon. Dapat ay pinag-iisipan mo ang mga ito lalo na kung may kinalaman ito sa iyong career.
Love:
Couples: Kung nagiging boring na ang inyong relasyon, gumawa ka ng something na bago para naman masorpresa mo ang iyong partner.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng magandang balita regarding sa iyong career. Magkakaroon ka rin ng pagkakataon na magtrabaho sa isang sikat na company.
Lucky color: Gray
Lucky number: 24
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May malaking posibilidad na maging maganda na ang takbo ng pera sa inyong pamilya. Kaya naman huwag kang mahiyang tanggapin ang ilang mga oportunidad na iaalok sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong magpa-stress sa inyong relasyon. Matutong magrelax at gumawa ng mga bagay na talagang magugustuhan ninyong dalawa.
Money/Career:
Okay lang na pumasok sa isang partnership, pero siguraduhin mo munang kilala mo ang taong gusto mo maging kapartner.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maganda ang araw na ito para puntahan ang isang lugar na matagal mo nang gustong balikan. Ihiwalay mo muna ang sarili mo sa social media para makapagisip-isip ka.
Love:
Couples: Maaaring magkaroon kayo ng kumplikasyon sa iyong relasyon at malaki ang posibilidad na may kinalaman ang iyong mga kamag-anak dito.
Money/Career:
Kailangan mo na gumawa ng desisyon ngayon din. Huwag mo na ito patagalin para hindi ka na rin mahirapan pa.
Lucky color: Rose
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kailangan mong maging humble sa iyong mga kaibigan. Kung magiging mayabang ka, maaaring maging dahilan ito para layuan ka nila.
Love:
Singles: Maaaring nakakarelate kayo sa isa’t-isa, pero hindi ibig sabihin na kayo na talaga ang dapat magkasama sa buhay.
Money/Career:
Sobrang naiistress ka na sa iyong trabaho, kaya naman kung kaya mo magpahinga sa iyong free time, gawin mo ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang kailangan mo na gumawa ng desisyon. Kung nahihirapan kang pumili, gawin mo ang bagay na talagang magpapasaya sa iyo.
Love:
Couples: I-enjoy mo lang ang araw na ito kasama ang iyong partner. Huwag mong kalimutan na maglaan ng oras sa kanya kahit busy ka pa.
Money/Career:
Huwag mong kalimutang maging matiyaga sa iyong trabaho at makakatulong ito para maging successful ka rin balang araw.
Lucky color: Green
Lucky number: 2