Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maaaring malito ka sa mga dapat mong gawin ngayong araw. Kaya mas mabuti kung huwag ka munang gumawa ng kahit anong major decision sa ngayon.
Love:
Singles: Maaaring madamay ka sa away ng isang couple ngayong araw. Kaya naman mas mabuting huwag kang kakampi sa isa sa kanila at maging neutral ka lang.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong mga gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga kasama.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging matagumpay ka sa pera kung iiwas ka muna sa pagsusugal. Mas mabuting ilagay mo na lang sa bangko ang iyong pera.
Love:
Couples: Huwag ka magpaapekto agad sa mga nakikita mo. Tingnan mo ang kabuuan ng larawan at maaaring makatulong ito sa iyo.
Money/Career:
Kailangan mo na matapos ang iyong mga pending na gawain bago pa malaman ito ng iyong boss at mapagalitan ka.
Lucky color: Gold
Lucky number: 4
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may plano kang baguhin ang anumang bagay sa iyong tahanan, gawin mo ito ngayong araw. Maaaring magdulot ng swerte ang pagbabagong ito.
Love:
Couples: Kahit na gusto mong maging romantic sa iyong partner, hindi mo ito gaano magagawa dahil sa sobrang hectic ng iyong schedule sa trabaho.
Money/Career:
Magpakitang gilas ka sa iyong boss at ipakita mo ang iyong kakayahan.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang kailangan mo munang asikasuhin ang isang bagay at tiyak na hindi ito magiging madali. Tibayan mo lang ang iyong loob at malalampasan mo rin ito.
Love:
Couples: Habang maaga pa ay itama na ninyo ang inyong mga nagawang mali sa inyong relasyon. Huwag ninyo na itong patagalin pa dahil maaaring lumaki ang mga problemang ito.
Money/Career:
Kung hindi ka satisfied sa takbo ng iyong career, mas mabuti kung magsimula ka na lang muli.
Lucky color: Pink
Lucky number: 2
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Madali mong malalaman kung sino sa mga tao sa iyong paligid ang may itinatagong sikreto sa iyo. Kaya naman gawin mo ang lahat para malaman mo ito.
Love:
Couples: Habaan mo ang pasensiya mo sa iyong partner. Madalas talaga ay hindi mo mapipigilan na maging pasaway siya sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Wala ka namang dapat ikabahala pero hindi mo pa ring maiwasan na mag-alala. Magrelax ka lang at magiging maayos din ang lahat.
Love:
Couples: Maaaring magtalo kayo ng partner mo ngayong araw, kaya hindi mo maiiwasang uminit ang iyong ulo. Mas makakabuti kung lumayo ka muna at magpalamig.
Money/Career:
Kung hindi mo naman talaga gusto ang iyong trabaho sa ngayon, may malaking chance na tamarin ka rito at magresign in the future.
Lucky color: Purple
Lucky number: 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kaht na hindi maganda ang nangyayari sa iyong paligid, tandaan mo na hindi makakatulong sa iyo kung magpapanic ka.
Love:
Couples: Bago mo ayusin ang problema ng ibang tao, ayusin mo muna ang sa iyo para hindi na ito lumala sa mga darating na araw.
Money/Career:
Kahit na hindi ka masyadong nagtitipid, mukhang magiging stable naman ang iyong financial status.
Lucky color: Blue
Lucky number: 10
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung naguguluhan ka sa ikinikilos ng isang kaibigan, huwag kang matakot na tanungin siya at baka makatulong ka sa kanya.
Love:
Singles and Couples: Ilaan mo muna ang araw na ito para sa iyong pamilya. I-treat mo sila sa isang lunch o dinner.
Money/Career:
Magaan ka kasama sa trabaho dahil sa pagiging kwela mo. Kaya naman hindi nagiging boring sa office kapag nandun ka.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 15
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May malaking posibilidad na makita mong muli ang isang tao na naging bahagi ng iyong nakaraan at magkakaroon siya ng importanteng role sa buhay mo ngayon.
Love:
Couples: Okay lang naman sa iyong partner na magconcentrate ka sa iyong trabaho. Pero minsan ay pagbigyan mo siya para hindi naman siya magtampo sa iyo.
Money/Career:
Magbubunga na ng maganda ang iyong paghihirap sa iyong trabaho. Huwag kalimutang magpasalamat sa mga blessing na matatanggap.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag kang mahiyang magpakilala sa mga taong mas mataas ang posisyon kaysa sa iyo. Ito na ang pagkakataon mo para palawakin ang iyong mga koneksyon.
Love:
Couples: Kung may problema ka, i-share mo ito sa iyong partner. Supportive naman siya sa iyo kaya hindi mo kailangang mahiya sa kanya.
Money/Career:
Okay lang naman na sumunod sa utos ng ibang tao pero huwag naman to the point na nagpapauto ka na lang sa kanila.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang mapapagastos ka ngayong araw. Maaaring bilhin mo ang isang bagay na hindi mo naman talaga kailangan, pero may appeal sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang mahihirapan sa iyo ngayon ang iyong partner dahil sa iyong mga mood swings. Kaya mas mabuti kung hindi ka muna niya kukulitin dahil matitikman niya ang kamandag mo.
Money/Career:
Kung may problema ka sa iyong career, mas mabuting humingi ka ng payo sa isang professional kaysa sa pahirapan mo ang iyong sarili sa kaiisip ng solusyon.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
May balita kang matatanggap ngayong araw at bubuo ito sa iyong araw. Kaya naman kung gusto mong magcelebrate, gawin ito.
Love:
Couples: Pag-usapan ninyo habang maaga pa ang mga issue na hinaharap ninyo sa ngayon. Huwag ninyo na hintayin na lumalala pa ang mga ito.
Money/Career:
Huwag ka na magbigay ng oras at panahon sa mga taong wala namang bilib sa iyong kakayahan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 1

