Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mong hayaang maipit ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto. Mas mabuting umalis ka na agad dito bago ka pa madamay nang tuluyan.
Love:
Couples: Huwag kang masyadong demanding sa iyong partner. Hayaan mo lang siya sa mga gusto niyang gawin at iwasan mo na ipressure siya.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ka ng malaking chance na makapagtrabaho abroad.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 11
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang ito na ang tamang panahon para gawin mong business ang isa sa iyong mga hobby. Makakatulong ito para kumita ka ng dagdag na pera.
Love:
Couples: Kahit na maganda naman ang intensyon mo, mukhang hindi ito magugustuhan ng iyong partner kaya naman may chance na pag-awayan niyo ito.
Money/Career:
Huwag kang matakot na kausapin ang iyong boss tungkol sa isang bagay na may kinalaman sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 7
Gemini (May 21 – Jun 20)
Iwasan mo na magtambak ng gamit sa iyong bahay. Kung hindi mo na ito masyadong ginagamit, mas mabuting ibenta o ibgay mo na lang ito.
Love:
Singles: Piliin mo ang taong mamahalin ka ng tunay at hindi sa taong yaman mo lang ang habol. Kaya naman maging mapanuri ka sa mga taong nasa iyong paligid.
Money/Career:
Magiging maswerte ka ngayong araw lalo na kung may kinalaman sa music, art, film at photography ang iyong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 23
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring malito ka ngayong araw sa desisyon na dapat mong gawin. Kaya naman piliin mo kung saan ka mas magiging panatag.
Love:
Couples: Kailangan mong habaan ang iyong pasensiya lalo na kung pasaway na masyado ang iyong partner. Ganun talaga dahil mas mature ka mag-isip kaysa sa kanya.
Money/Career:
Huwag sasama ang iyong loob kung mas maraming achievements ang ibang tao kaysa sa iyo. Gawin mo na lang ang best mo at magtatagumpay ka rin sa huli.
Lucky color: Purple
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may chance na maging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman mas makakabuti sa iyo kung hindi ka basta-basta magpapaapekto sa mga maririnig at makikita mo.
Love:
Couples: Maaaring magkaroon ng conflict sa inyong relasyon kung parehas kayong stressed. Kaya mas mabuting palipasin muna ang mga away at i-relax na muna ang pag-iisip.
Money/Career:
Kung magpapadala ka sa pressure na dulot ng iyong trabaho, hindi mo magagawa ang iyong mga gawain nang maayos.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maaaring maging busy ka ngayong araw. Kaya naman i-maintain mo lang ang iyong focus para sigurado kang tama ang mga gagawin mo.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na pumasok sa isang relasyon. Basta tandaan mo na hindi sapat lang na mahal ninyo ang isa’t-isa. Dapat ay marunong din kayong alagaan ang inyong samahan.
Money/Career:
May chance na magpapasama ka sa isa mong kaibigan para bumili ng gamit. Pero dahil sa pihikan ka, matatagalan kayo at maiinis siya dahil dito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka muna makialam sa problema ng ibang tao ngayong araw. Kung wala ka naman magawa, magandang manood ka na lang ng movie sa mall.
Love:
Ex-couples: Mukhang magkakaroon ka na ng peace of mind at dahil dito, mas makikita mo kung sino sa mga tao sa iyong paligid ang tunay na may malasakit sa iyo.
Money/Career:
Mukhang maganda ang araw na ito para pumasok sa isang investment as long as pinag-aralan mo na itong mabuti.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag kang basta-basta magparatang kung wala ka namang ebidensiya. Makakasira sa image mo lalo na kung mali ka.
Love:
Couples: Alamin mo munang mabuti kung handa na ba kayong i-level up ang inyong relasyon. Huwag padalos-dalos sa pagdedesisyon.
Money/Career:
Magiging maswerte ka ngayong araw lalo na kung may kinalaman sa travel ang iyong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang makakatanggap ka ng good news ngayong araw at may malaking chance na may kinalaman ito sa inyong bahay.
Love:
Singles: May taong nagkakagusto sa iyo pero mukhang kaibigan lang ang turing mo sa kanya. Kaya naman sabihin mo na ito agad sa kanya para hindi na siya umasa.
Money/Career:
Makipag-usap ka sa maraming tao at gamitin mo ang iyong social skills. Makakabuti sa iyo kung paparamihin mo ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Red
Lucky number: 11
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Madali ka ma-bore sa mga bagay na paulit-ulit. Kaya naman mag-isip ka ng bagong hobby para hindi ka tamarin buong araw.
Love:
Singles: Kung nalilito ka kung sino ba dapat sa kanila ang iyong piliin, mas mabuti kung huwag ka muna gumawa ng desisyon sa ngayon.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para subukan ang iyong swerte. Tumaya ka sa lotto at baka matamaan mo na ang jackpot.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 5
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging energetic ka ngayong araw kaya naman gawin mo lang ang mga bagay na magbibigay sigla sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang may chance na sorpresahin ka ng iyong partner ngayong araw. Maaaring i-treat ka niya ng dinner sa favorite mong restaurant.
Money/Career:
Mahirap talagang magtrabaho. Pero kapit lang at masasanay ka rin dito.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka na magsayang ng oras sa mga bagay na hindi naman gaano kaimportante. Unahin mo muna ang mga dapat mong gawin para maaga ka matapos.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay magkaroon ng love life. Ayusin mo muna ang mga problema mo sa buhay.
Money/Career:
Huwag kang mandaya sa trabaho para lamang matapos ka nang maaga. Ikaw lang ang malilintikan kung mahuhuli ka.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 8