Aries (Mar 21 – Apr 19)
I-maintain mo lang ang iyong focus sa bagay na iyong gusto at magiging matagumpay ka rito. Huwag mo hahayaang madistract ka sa mga nangyayari sa iyong paligid.
Love:
Couples: May mga pagsubok na darating sa inyong relasyon, kaya naman dapat ay maging handa kayong pareho.
Money/Career:
Kahit na marami kang commitments, matatapos mo ang mga ito. Un lang, mapapagod ka talaga kaya naman kung may pagkakataon kang magpahinga, gawin ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 18
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging malambing ka sa mga tao ngayong araw kaya naman maaaring may taong bigla na lang magkagusto sa iyo.
Love:
Singles and Couples: Maglaan ka ng maraming oras sa iyong pamilya ngayong araw lalo na kung kamakailan ay lagi ka na lamang busy sa iyong trabaho.
Money/Career:
Magtiwala ka lang lalo na kung hindi masyadong umaayon sa iyong gusto ang mga nangyayari sa iyong paligid.
Lucky color: Grey
Lucky number: 11
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag masyadong atat sa iyong mga gustong gawin. Tapusin mo muna ang iyong mga obligasyon bago ka magsaya.
Love:
Couples: Kung gusto mong maging successful ang inyong relasyon, dapat ay marunong kang magkusa sa pagtama ng iyong mga mali.
Money/Career:
Mukhang may makukuha kang tulong sa isang pro at makakatulong ito ng malaki sa iyong trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 11
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka masyadong magpadistract sa mga nangyayari sa iyong paligid. Magfocus ka lang sa iyong mga gawain para maaga ka matapos.
Love:
Couples: Kung naging busy kayo kamakailan at hindi na masyadong nakakapaglaan ng oras sa isa’t-isa, ilaan ang araw na ito para sa inyong dalawa lamang.
Money/Career:
Mukhang may i-ooffer sa iyong magandang trabaho ngunit malayo ito. Kaya naman pag-isipan mo munang mabuti kung tatanggapin mo ito o hindi.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 4
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magiging pabor para sa iyo ang araw na ito. Magagawa mong tapusin ang isang bagay na matagal mo na dapat natapos.
Love:
Singles: Sundin mo lang ang tip na ibibigay sa iyo ng iyong mga kaibigan at sure naman na magkakaroon ka rin ng love life soon.
Money/Career:
Kung hindi sapat ang iyong kinikita sa iyong mga gastusin sa bahay, marahil ay dapat ka na maghanap ng pangalawang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
May proyekto ka na pinaglaanan mo ng maraming oras at pagod, kaya naman hindi malayong maging matagumpay ang maging resulta nito.
Love:
Couples: Magandang i-treat mo sa labas ang iyong partner lalo na kung kamakailan ay naging busy kayong parehas sa inyong mga trabaho.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa isa mong kasamahan sa trabaho dahil may chance na isumbong ka niya sa iyong boss kapag nagkamali ka.
Lucky color: Pink
Lucky number: 1
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maaaring maguluhan ka sa mga nangyayari sa iyo ngayong araw. Maaaring kulang ka lang sa simba, kaya naman pumunta ka sa simbahan para na rin makapagmuni-muni ka.
Love:
Singles: Maaaring alam mo na ang mga katangian na hinahanap mo sa iyong magiging partner kaya naman hindi ka na masyadong maguguluhan sa iyong mga manliligaw.
Money/Career:
Maaaring nahihirapan kang makipag-usap sa iyong boss lalo na kung hindi siya marunong makinig sa sinasabi ng ibang tao.
Lucky color: Red
Lucky number: 12
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag kang magpaapekto sa negative comments na natatanggap mo. Gamitin mo na lang ang mga ito bilang iyong motivation sa buhay.
Love:
Couples: Kung nagtatampo sa iyo ang iyong partner, subukan mong ipagluto siya ng paborito niyang ulam o kaya’y regaluhan mo siya ng something special.
Money/Career:
Makukuha mo rin ang iyong mga gusto sa iyong career basta ba hindi ka titigil sa pagsusumikap.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 7
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Panahon na para gumawa ka ng desisyon. Huwag mo na ito patagalin dahil mukhang tama naman ang desisyon na iyong gagawin.
Love:
Couples: Maaaring may conflict na dumating sa inyong relasyon kaya naman mas mabuti kung hindi gaano magiging emosyonal tungkol dito.
Money/Career:
Kung may pinautang ka dati, maaaring magbayad na siya sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Lilac
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka masyadong mag-alala. Okay lang na maging takot ka, pero dapat ay handa ka ring harapin ang mga ito.
Love:
Couples: Maaaring magkaroon kayo ng problemang dalawa, pero hindi matatapos ang araw nang hindi kayo nagkakabati.
Money/Career:
Kung kailangan ng pahinga ng ibang tao, hayaan mo lang sila. Maging maunawain ka na lang sa kanilang sitwasyon.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag magpabago-bago ng desisyon. Panindigan mo ang iyong pasya at kung hindi, mawawalan ng tiwala ang mga tao sa iyong paligid.
Love:
Couples: Hindi magaling mag-adjust ang iyong partner kaya naman wala kang choice kundi ang paubaya. Matututo rin siya balang araw.
Money/Career:
Maaaring maakusahan ka ng mali sa iyong trabaho. Kaya naman dapat ay chill ka lang at huwag masyadong defensive.
Lucky color: Cream
Lucky number: 15
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Walang makakapigil sa mga gusto mong gawin ngayong araw. At kung meron mang hahadlang sa iyo, hindi sila magtatagumpay.
Love:
Singles: Makukuha mo ang atensyon ng ibang tao at mukhang may taong mahuhulog sa iyo na tiyak na ikatutuwa mo.
Money/Career:
Hindi ikaw ang may dulot ng problema pero ikaw ang naaapektuhan. Mas mabuting maging kalmado na lang at umisip ng paraan para solusyunan ito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 6