Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang mahihirapan ka ngayong araw na gumawa ng desisyon. Kaya naman mas mabuting ipagpaliban muna ito para mas makapag-isip ka pa nang mabuti.
Love:
Ex-couples: Panahon na para ikaw ay magmove on sa iyong past relationship. Mas makakabuti sa iyo kung hindi ka na magiging bitter tungkol dito.
Money/Career:
Mukhang hindi tama ang pag-estimate mo sa iyong gawain kaya naman maaaring magkaproblema ka
ngayong araw.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 25
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging maganda ang mood mo ngayong araw. At may chance din na mahawaan mo ang iba sa ganda ng araw mo.
Love:
Singles and Couples: Mas mabuting ilaan mo muna para sa iyong sarili ang araw na ito. Regaluhan ang sarili o kaya’y magmuni-muni muna.
Money/Career:
Magiging maganda lang ang takbo ng iyong career kung magiging consistent ka rito.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Matuto kang magkusa sa iyong mga gawain. Huwag palaging maghintay ng utos ng iba bago ka umaksyon.
Love:
Couples: Mukhang magkakaconflict kayo ngayong araw kaya naman ingatan mo ang iyong mga pwedeng sabihin at baka lalo pang lumala ang away ninyo.
Money/Career:
Mukhang mahihirapan ka na magtipid sa mga araw na darating kaya naman pilitin mong huwag muna gumastos kung maaari.
Lucky color: Green
Lucky number: 1
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Unahin mo muna ang iyong mga obligasyon bago mo pagtuunan ng pansin ang ibang bagay. Ayusin mo ang iyong priorities.
Love:
Couples: Huwag mong lokohin ang iyong partner. Maaaring hindi mo ito sinasadya, pero mas maganda kung iiwas ka na lang sa tukso.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa engineering at software development ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maraming opportunities ang darating sa iyo. Kaya naman gamitin mo ang iyong instinct para piliin ang trabahong mas angkop para sa iyo.
Love:
Couples: May pinagdaraanang mabigat ngayong ang iyong partner kaya naman mas maging maunawain ka sa kanya.
Money/Career:
Kung ikaw ay walang trabaho, maaaring makakuha ka ng magandang job opportunity ngayong araw.
Lucky color: Cream
Lucky number: 6
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Alagaan mo ang iyong sarili. Huwag kalimutang uminom ng gamot kung ikaw ay may sakit at panatilihing malinis ang pangangatawan.
Love:
Singles and Couples: Yayain mo ang iyong pamilya para mamasyal sa labas. Pwede rin kayong kumain o manood ng sine sa mall.
Money/Career:
Kung magiging emosyonal ka, maaaring maapektuhan ng malaki ang iyong performance sa trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maaaring maging mabagal ang oras para sa iyo ngayong araw. Kaya naman habaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Love:
Couples: Maaaring makulitan ka sa mga gagawin ng iyong partner kaya naman may malaking chance na maging masama ang iyong mood ngayong araw.
Money/Career:
May pagkakamali kang nagawa kaya naman huwag ka na umangal kung kailangan mong ulitin ang iyong mga gawain.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka munang sumubok ng bago ngayong araw. Mas maganda na gawin mo na lang ang mga bagay na inutos sa iyo ayon sa kanilang kagustuhan.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong magpa-pressure sa inyong relasyon. Magrelax ka lang at magiging maayos din ang lahat.
Money/Career:
Makipagkilala ka at kilalanin mong mabuti ang mga tao sa iyong paligid. Magandang palawakin mo ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Cream
Lucky number: 3
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maganda ang araw na ito para maging adventurous ka. Pumunta ka sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan.
Love:
Couples: Kung kailangan na magdiet ng iyong partner, sabihin mo ito sa kanya sa paraan na hindi siya masasaktan masyado.
Money/Career:
Hindi ito ang tamang araw para humingi ka ng raise sa iyong boss.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung may sikreto na sinabi sa iyo, subukan mong huwag itong ipagkalat dahil tiyak na marami ang maaapektuhan nito.
Love:
Couples: Hayaan mo lang ang iyong partner sa gusto niyang gawin. Hayaan mo na siya ang makarealize kung tama o mali ang kanyang gagawin.
Money/Career:
Mukhang mababawasan na ang iyong mga gastusin sa mga susunod na araw.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 22
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May ginawa kang desisyon kamakailan at kailangan mo itong panindigan. Hindi ito ang tamang panahon para ikaw ay umatras.
Love:
Singles: Mukhang dadami ang iyong mga kaibigan at may malaking chance na isa sa kanila ay maging partner mo in the future.
Money/Career:
Huwag mo na ipilit sa iba ang iyong mga ideya lalo na kung nirereject na lang nila palagi ang iyong mga suggestion.
Lucky color: Brown
Lucky number: 4
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan mo na gumawa ng desisyon. Kung saan ka magiging masaya at magiging panatag ang loob, iyon ang piliin mo.
Love:
Singles and Couples: Maglaan ka ng maraming panahon sa iyong pamilya lalo na kung lagi ka na lang busy sa iyong trabaho.
Money/Career:
Siguraduhin mo munang legal ang pinapasok mong business dahil mahirap na kung malugi ka sa huli.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18