Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi ka sigurado sa dapat mong gawin, humingi ka ng tulong sa iyong mga kaibigan at pakinggan mo ang ipapayo nila sa iyo.
Love:
Couples: Maaaring magtalo kayo ng iyong partner ngayong araw. Kaya naman huwag masyadong mainitin ang ulo para hindi na masyadong lumala ang inyong away.
Money/Career:
May trabaho na iooffer sa iyo. Maaaring hindi mo ito gamay pero tiyak na malaki ang sweldo rito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung may problema ka, ikonsulta mo ito sa iyong pamilya. Malay mo at mapayuhan ka nila ng tama at magawan mo ng solusyon ang iyong suliranin.
Love:
Singles: Magiging socially available ka na kaya naman may chance na ang ibang tao para dumiskarte sa iyo.
Money/Career:
Magtiwala sa iyong sariling kakayahan. Huwag kang makinig sa mga negative na sasabihin ng ibang tao.
Lucky color: Red
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang maiimpress mo ang karamihan ng tao ngayong araw. Magiging iba ang dating mo at iisipin nila na blooming ka.
Love:
Couples: Kung may bagay na kailangang aksyunan, gawin na ito kaagad at huwag na patagalin at baka lumala pa ito.
Money/Career:
Subukan mong tapusin ang iyong mga gawain habang maaga pa para magkaroon ka ng pagkakataong magpahinga sa hapon.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May kailangan kang harapin ngayong araw. Huwag masyadong mangamba dahil may chance naman na magiging maganda para sa iyo ang resulta nito.
Love:
Couples: Huwag masyadong malungkot kung hindi naging maganda ang huling gala ninyo ng iyong partner. May next time pa naman.
Money/Career:
Huwag masyadong maingay sa iyong trabaho. Maaaring maistorbo sila at ikaw ay mapagalitan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 7
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Ibang tao ka na. Marunong ka na makinig sa ibang tao at hindi ka na rin masyadong pasaway sa kanila. Good job!
Love:
Couples: Para magtagal ang inyong samahan, dapat ay hindi ka maging praning lalo na kung simple lang naman talaga ang isang sitwasyon.
Money/Career:
Huwag mo ipakita na hindi ka confident. Tibayan mo lang ang iyong loob at malalampasan mo rin ang pagsubok na darating.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo pansinin ang mga bashers mo. Magfocus ka na lang sa mga taong sumusuporta sa iyo at imaintain ang positive na attitude.
Love:
Couples: May chance na magkaroon kayo ng misunderstanding ng iyong partner ngayong araw. Kaya naman linawin agad sa kanya ang mga issue na concerned ka.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para sa mga taong magsisimula pa lamang ng kanilang proyekto sa school o opisina.
Lucky color: Black
Lucky number: 5
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May malaking chance na may matanggap kang sulat o email sa isang kaibigan o kamag-anak na nasa abroad.
Love:
Couples: May chance na may 3rd party na makialam sa inyong samahan ngayong araw. Kaya naman huwag ninyo siyang hayaang sirain ang inyong relasyon.
Money/Career:
Kontrolin mo ang iyong sarili. Huwag basta-basta gumastos ng wala sa iyong budget.
Lucky color: Neon Green
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung may problema sa inyong pamilya, mas mabuting ayusin na muna ito para makapagfocus ka na sa iyong trabaho.
Love:
Couples: May chance na may 3rd party na gumulo sa inyong samahan. Kaya naman maging maingat at baka humantong ito sa hiwalayan.
Money/Career:
Maaaring mapressure ka ng iyong boss sa iyong mga gawain. Kaya naman magrelax ka lang at may kakayahan kang tapusin ang mga ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
I-maintain mo lang ang iyong focus. Hindi maganda na pabago-bago ang iyong isip. Kaya naman bago ka magdesisyon, dapat ay pinag-isipan mo itong mabuti.
Love:
Singles: Mahal mo siya at mahal ka rin naman niya. Kaso lang, may chance na humadlang sa inyo ang inyong mga magulang.
Money/Career:
Magconcentrate lamang sa iyong trabaho. Huwag mo na muna alalahanin ang iba at magfocus na lang sa gawain na ibibigay sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Umalis ka na sa isang sitwasyon na hindi mo naman talaga gusto. Ikaw lang ang mahihirapan kung pipilitin mong manatili pa rito.
Love:
Couples: Kung may balak kang sorpresahin ang iyong partner, gawin ito. May malaking chance naman na kikiligin siya sa iyong gagawin.
Money/Career:
Mukhang mababawi mo na ang pera na matagal nang nawala sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky number: 9
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magkakaroon kayo ng outing ang iyong barkada, kaya naman siguraduhin mong may pera ka para makasama ka sa kanila.
Love:
Couples: Magplan ng something special sa iyong partner at may chance na kikiligin siya sa iyong gagawin.
Money/Career:
Maaaring matanggap mo na ang bonus na matagal mo nang inaasam.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Gawin mo na sa umaga ang mga gawain mo para pagsapit ng hapon ay wala ka na masyadong aalahanin pa.
Love:
Couples: Kung may time kayo, magtravel kayo para naman maiba ang surroundings ninyo at mabawasan ang stress sa inyong buhay.
Money/Career:
Hindi na masyadong magiging hectic ang iyong schedule kaya naman magkakaroon ka ng panahon para makapagpahinga.
Lucky color: White
Lucky number: 5