Aries (Mar 21 – Apr 19)
Isa kang simpleng tao kaya naman wala ka pang masyadong alam pagdating sa mga relasyon at kung paano ayusin ito kung sakaling magkaroon ng problema.
Love:
Singles: Meron kang kaibigan na may pagtinging sa iyo, pero malaki ang posibilidad na hindi niya ito sabihin ng diretso sa iyo. Matutong makiramdam.
Money/Career:
Huwag mag-alala kung sakaling nalugi ka sa pinasok mo na investment. Mag-ingat na lamang sa susunod.
Lucky color: Green
Lucky number: 23
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung meron kang nagawang mali sa kapwa mo, humingi ka kaagad ng tawad sa kanya. Huwag mo na ito patagalin dahil ikaw lang ang makokonsensiya rito.
Love:
Couples: Maaaring maguluhan ka sa mga ikikilos ng iyong partner ngayong araw. Pero huwag mag-alala dahil malalaman mo rin ang rason sa likod nito.
Money/Career:
Huwag ka muna pumasok sa isang investment ngayong araw. Pag-isipan mo muna ito ng matagal.
Lucky color: Lilac
Lucky number: 17
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maganda ang araw na ito para ilaan sa iyong pamilya. Magplano ng isang activity o kaya’y lumabas kayo at pumunta sa mall.
Love:
Singles: Sundin mo ang iyong puso. Kung siya ang gusto mo, panindigan mo. Huwag ka makinig sa sinasabi ng ibang tao.
Money/Career:
Kung kaya mong magtipid, gawin ito. Huwag ka munang masyadong gumastos dahil may importante kang bagay na dapat paglaanan ng pera.
Lucky color: Green
Lucky number: 12
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May sikreto na sasabihin sa iyo ang isa mong kaibigan. Kaya naman gawin mo ang lahat para pigilan ang iyong sarili na sabihin ito sa iba.
Love:
Singles: Kung may taong nakikipagflirt sa iyo, bantayan mo nang mabuti ang kanyang mga kilos. Baka naman kasi bored lang siya kaya ka niya nilapitan.
Money/Career:
Kung hindi sapat ang iyong kinikita sa iyong kasalukuyang trabaho, marahil ay panahon na para kumuha ka ng sideline.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mong babaguhin ang iyong mga desisyon. Panindigan mo ang mga ito lalo na kung ayaw mong matawag na balimbing.
Love:
Singles and Couples: Ilaan ang araw na ito para sa inyong mga pamilya. Yayain sila para mamasyal kayo sa labas.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa isa mong kasama sa trabaho, dahil may balak siyang isumbong ka kaagad kahit na maliit lang ang iyong mali sa iyong mga gawain.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Gawin mo lang ang best mo sa mga bagay na talagang gusto mo. Hindi mo lang alam, naaappreciate ng ibang tao ang effort na binibigay mo rito.
Love:
Couples: Mahalaga na isantabi mo ang iyong ego lalo na kung gusto mong magtagal ang inyong relasyon. Matutong unawain ang iyong partner.
Money/Career:
Maaaring mawala ang focus mo sa iyong trabaho at mawili ka sa mga bagay na wala namang kinalaman dito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung may outing kayo na nakaplano, siguraduhin ninyong na-clear ninyo na ang inyong mga schedule para naman lahat ay tiyak na makakasama rito.
Love:
Singles: May tao kang nagugustuhan kaya naman maaaring diskartehan mo siya sa pamamagitan ng pagiging kwela sa kanya.
Money/Career:
May malaking posibilidad na ikaw ay magpalit ng trabaho o kaya’y magbago ng career ngayong araw.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magiging busy ka ngayong araw. Kaya naman gawin mo na lahat ng iyong dapat na gawin para sa susunod na araw ay hindi ka na matambakan pa ng trabaho.
Love:
Couples: Naiintindihan naman ng iyong partner kung bakit ka busy dahil sa trabaho. Pero huwag mo naman siya paghintayin nang matagal.
Money/Career:
Mukhang maganda ang takbo ng iyong career, kaya naman ipagpatuloy mo lang ito para may malaking chance na ma-promote ka.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 22
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magiging malambing ka ngayong araw, kaya naman maaaring may taong mamisinterpret ang iyong mga gagawin at iisipin na may gusto ka sa kanya.
Love:
Singles: Palakihin mo ang iyong social circle at makipagkaibigan ka sa maraming tao. Maging nice ka sa lahat na makakasalamuha mo ngayong araw.
Money/Career:
Maging disiplinado lang palagi at hindi magtatagal ay magiging successful ka rin sa iyong napiling career.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 16
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Ito na ang tamang panahon para gawin mo ang mga bagay na ipinangako mong gagawin nung nakaraan. Huwag ka na maging tamad at gumawa ng dahilan.
Love:
Singles: Tandaan mo na hindi mo makukuha ang taong gusto mo sa pamamagitan ng iyong pera. Kung wala siyang gusto sa iyo, hindi mo siya mapipilit.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng magandang job offer. Pag-isipan mo munang mabuti kung tatanggapin mo ito o hindi.
Lucky color: Rose
Lucky number: 17
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka masyadong magmadali. Hindi nadadaan sa pagmamadali ang mga bagay-bagay. Matutong maghintay at habaan mo ang iyong pasensiya.
Love:
Couples: Kailangan mong mag-ingat ngayong araw dahil baka may magawa kang bagay at isipin ng iyong partner na nagtataksil ka sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa iyong trabaho. Gawin mo kung ano ang tama kahit na matatagalan ito.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Makipagmeeting ka sa iyong mga kaibigan at ilaan ang araw na ito para sa kanila. Huwag mo ring kalimutan na alagaan ang iyong sarili.
Love:
Couples: May malaking posibilidad na may third party na kumontra sa inyong relasyon. Maaaring ang taong ito ay matagal ninyo nang kakilala.
Money/Career:
Kailangan mong aksyunan agad ang isang bagay ngayong araw kaya dapat ay mabilis ka makaisip ng solusyon para rito.
Lucky color: Violet
Lucky number: 18