Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maaaring madelay ang iyong mga gawain, pero hindi mo naman ito kasalanan. Kaya naman, mas mabuting habaan na lang ang iyong pasensiya.
Love:
Singles: Kung handa ka na pumasok sa isang relasyon, mukhang malaki ang chance na maging maganda ang future ng inyong samahan.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa mga maaari mong masabi. Kahit na maging honest ka, maaaring ma-offend ang ilang tao rito.
Lucky color: Red
Lucky number: 11
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka masyadong possessive sa iyong mga gamit. Matutong magpahiram lalo na kung hindi mo naman ito masyadong ginagamit.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic sa iyong partner. Yayain mo siyang kumain sa labas o kaya’y manood ng sine.
Money/Career:
Dahil mabusisi ka sa iyong mga gawain, bibilib sa iyo ang iyong boss at maaaring taasan ang iyong sahod o kaya’y ma-promote ka.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magagawa mo na matapos ang isa sa iyong mga obligasyon at magkakaroon ka na ng oras para gawin ang mga bagay na talaga namang gusto mo.
Love:
Singles: May makikilala kang tao na talaga namang magugustuhan mo at mukhang may pagkakataon ka na maging close sa isa’t-isa.
Money/Career:
Mukhang maiipit ka sa isang gawain at dahil dito, hindi ka masyadong magkakaroon ng oras para sa iyong mga hobby.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 16
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman iwasan mo munang gumawa ng mga desisyon dahil ikaw lang ang masasaktan sa huli.
Love:
Couples: Mukhang may sorpresa sa iyo ang iyong partner at malaki ang chance na kiligin ka sa gagawin niya.
Money/Career:
Kung may taong nagkasala sa iyo at humingi ng tawad, patawarin mo siya para naman magkaroon ka na ng peace of mind.
Lucky color: Blue
Lucky number: 1
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Makipagkilala ka sa maraming tao. Huwag kang mahiyang makipag-usap sa kanila. Panahon na para palawakin mo ang iyong social circle.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang araw na makikita mo ang taong nakalaan para sa iyo o kaya’y mahulog ka sa isa sa iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Maaaring makuha mo na ang iyong sahod ngayong araw kung sakaling ito ay nadelay kamakailan.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 17
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may kailangan kang asikasuhin ngayong araw at kung ipagpapaliban mo ito, tiyak na maaapektuhan ka ng matindi nito sa huli.
Love:
Couples: I-appreciate mo ang bawat effort na ginagawa ng iyong partner. Kahit na hindi ito sapat para sa iyo, atleast sinusubukan niya kahit papaano.
Money/Career:
Kung ikaw ay nag-apply para sa isang trabaho kamakailan, maaaring makatanggap ka ng magandang balita ngayong araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 2
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Malaki ang chance na maging successful ka ngayong araw, kaya naman maging positive ka lang at magsuot ng blue para mas swertihin.
Love:
Couples: Dapat lang na masaya ka sa iyong relasyon. Pero kung lagi na lang problema ang dala nito, mas mabuting maghiwalay na lang kayo.
Money/Career:
Magiging energetic ka ngayong araw at magagawa mong maging productive sa iyong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magiging kalmado ang araw na ito at mukhang hindi na masyadong magiging hectic ang iyong schedule sa mga susunod na araw.
Love:
Couples: Hindi sapat na hanggang salita ka lang. Gumalaw-galaw ka rin. Ipakita mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal.
Money/Career:
Huwag ka munang pumasok sa isang investment ngayong araw dahil malaki ang posibilidad na hindi mo masyadong pinag-isipan ito.
Lucky color: Rose
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Iwasan mo munang magpahiram ng pera kahit kanino ngayong araw dahil may malaking chance na hindi ka nila mabayaran pagdating ng oras.
Love:
Couples: Magiging demanding ka ngayong araw sa iyong partner at gugustuhin mo lang na lambingin ka niya buong araw.
Money/Career:
Subukan mong alamin ang gusto ng mga tao sa iyong paligid. At kung kaya mo namang i-provide ito, may malaking chance na makuha mo ang loob nila.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 18
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging maganda ang takbo ng iyong araw sa umaga, pero may malaking chance na maging hectic ito pagsapit ng tanghali.
Love:
Couples: Kailangan mong maghinay-hinay sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa iyong relasyon. Kapag nagmadali ka, madidisappoint ka lang sa magiging resulta nito.
Money/Career:
Kahit na magaling ka naman sa iyong trabaho, hindi talaga maiiwasan na mapagod ka kung paulit-ulit na lang ang iyong mga ginagawa.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mabilis ang mga pangyayari sa iyong paligid, kaya naman kailangan mong kumilos agad. Kung hindi, tiyak na mapag-iiwanan ka.
Love:
Couples: Kung naging busy kayo ng iyong partner kamakailan, subukan niyong ilaan ang araw na ito para sa isa’t-isa.
Money/Career:
Mukhang mababawasan na ang pressure sa iyong trabaho at makakapagrelax ka na kahit papaano.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring bisitahin ka ng iyong mga kaibigan at kamag-anak ngayong araw. Kaya naman maghanda ka sa inyo para naman may makain sila.
Love:
Couples: Handa ka nang i-level up ang inyong relasyon pero dapat ikaw ang gumawa ng first move at hindi ang iyong partner.
Money/Career:
Unti-unti mo nang nakukuha ang iyong mga gusto, kaya konting tiyaga pa at magiging successful ka rin sa napili mong career.
Lucky color: Green
Lucky number: 3