Aries (Mar 21 – Apr 19)
Para matuto ka na maging versatile, dapat ay huwag ka palaging manatili sa iyong comfort zone. Ito ang tamang panahon para sumubok ka ng bago.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya lalo na kung matigas talaga ang ulo ng iyong partner. Kung hindi mo siya mapagsabihan, mabuting tapusin na lamang ang inyong relasyon para hindi na kayo mahirapan.
Money/Career:
Mukhang maganda ang araw na ito para makipagkita sa iyong mga dating kaklase at magkamustahan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang makukuha mo ang atensyon ng maraming tao ngayong araw. Parami na nang parami ang mga taong bumibilib sa iyong kakayahan.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong maging excited magkaroon ng love life. Hindi ito minamadali dahil kung gagawin mo ito, ikaw lang ang masasaktan sa huli.
Money/Career:
Maaaring ma-involve ka sa isang charity work at mukhang magiging maganda naman ang experience mo rito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 24
Gemini (May 21 – Jun 20)
Hindi mo kailangang magmayabang sa iba dahil talaga namang magaling ka. Kaya imbes na ikaw ang lumapit sa kanila, sila ang lalapit sa iyo para hingin ang iyong tulong.
Love:
Couples: Maaaring magtalo kayo ng iyong partner ngayong araw at may malaking chance na may kinalaman dito ang iyong kapatid.
Money/Career:
Magkakaroon ng pagbabago sa iyong trabaho at mukhang magbabago rin ang status ng iyong career.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 3
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may bagay ka na magugustuhan ngayong araw kaya naman may malaking chance na bilhin mo ito kaagad kahit wala ito sa iyong plano.
Love:
Singles: Maaaring yayain mong lumabas ang isang tao na hindi mo naman talaga type. Pero malay natin at baka magkasundo rin kayo sa huli.
Money/Career:
Magkakaroon ng pagbabago sa iyong trabaho at maaaring dumami na rin ang inyong clients.
Lucky color: Purple
Lucky number: 2
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag kang mahiyang makipagkilala sa iba. Malay mo at parehas kayo ng hilig at ma-enjoy ninyo ang company ng isa’t-isa.
Love:
Couples: Macoconfuse ka sa mga ikikilos ng iyong partner. Kaya naman magmasid-masid ka muna sa mga gagawin niya.
Money/Career:
Maaaring mabigyan ka ng magandang proyekto sa iyong trabaho o kaya’y makuha mo na ang promotion na matagal mo nang inaasam.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 11
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
May mga bagay ka na mamadaliin ngayong araw. Mag-ingat ka lang dahil may malaking chance na magkamali ka.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para ilaan sa iyong partner. Lumabas kayo at i-enjoy lang ang mga oras na magkasama kayo.
Money/Career:
Nasa iyo ang kakayahan para maging successful sa buhay. Kailangan mo lang ng tamang motivation para magawa ang mga gusto mo.
Lucky color: White
Lucky number: 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Okay lang naman na ibigay mo ang iyong opinyon, pero huwag mo naman ito ipwersa sa ibang tao. Maiinis lang sila sa iyo ung ito ay iyong gagawin.
Love:
Couples: Maaaring pag-isipan ninyo ng iyong partner na mag-live in na. Pero bago niyo ito gawin, magdecide muna kayo kung sino ang masusunod sa inyong dalawa.
Money/Career:
Panahon na para bilhin mo ang isang bagay na dati mo pa gusto. Huwag ka na magdalawang-isip pa kundi baka maunahan ka ng iba.
Lucky color: Green
Lucky number: 9
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang maiimpluwensiyahan ang iyong desisyon ng isang tao ngayong araw. Pero huwag mag-alala dahil mukhang tama naman siya.
Love:
Couples: Mukhang magiging pasaway na naman ang iyong partner. Kaya mas mabuting pagbigyan mo na lang siya para hindi na lumalala pa ang mga bagay.
Money/Career:
Makakatanggap ka ng isang advice galing sa isang tao at dapat ay sundin mo ito para lalo ka pang maging successful sa iyong napiling career.
Lucky color: Red
Lucky number: 4
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Hindi masama na mangarap ng mataas. Pero dapat alam mo rin na may limitasyon ang mga bagay-bagay at hindi lahat ay maaari mong makuha.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong demanding sa iyong partner. May mga bagay rin siyang inaalala kaya naman intindihin mo na lang siya.
Money/Career:
Magaling ka naman sa iyong trabaho, pero hindi talaga maiwasan na manawa ka at makaranas ng sobrang pagod.
Lucky color: Black
Lucky number: 3
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang unti-unti nang nawawala ang iyong mga problema na may kinalaman sa iyong pamilya. Kaya naman magrelax ka muna at ipahinga ang iyong isip.
Love:
Singles: Mukhang magkakaroon ka ng pagkakataon na makasama ng matagal ang taong iyong nagugustuhan. Kaya naman ito na ang chance mo para magpa-impress sa kanya.
Money/Career:
Kung meron kang kilalang nagtatrabaho sa abroad, subukan mong kausapin siya at baka meron kayong business na maitayo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mong kalimutang alagaan ang iyong sarili. Mas mabuting umiwas ka muna sa mga malalamig na pagkain at uminom ka ng gamot kung kailangan.
Love:
Couples: Mukhang magiging stable naman ang takbo ng iyong relasyon. Kaya naman magrelax lang at i-enjoy niyong dalawa ang araw na ito.
Money/Career:
Kahit na maganda namang ang status ng iyong career, hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng blessings sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 9
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang mahihilig ka sa movies ngayong araw. Kaya naman kung wala kang oras na pumunta sa mall, manood na lamang sa iyong bahay.
Love:
Couples: Kailangan ninyong maintindihan na kahit na nagmamahalan kayo, kailangan niyo pa ring mag-effort para magtagal ang inyong samahan.
Money/Career:
Kung hindi ka sang-ayon sa sinasabi ng iba, mas mabuting pagbigyan mo na lang sila sa kanilang gusto dahil hindi ka rin naman nila pakikinggan.
Lucky color: Cream
Lucky number: 8