Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may ipepresent sa iyo na isang opportunity, kunin mo agad ito. Huwag mo hayaang maunahan ka ng ibang tao.
Love:
Couples: Kailangan mong habaan ang iyong pasensiya lalo na sa iyong partner dahil may malaking chance na may pinagdaraanan siya ngayon.
Money/Career:
May taong malapit sa iyo ang magiging partner mo sa business at mukhang magiging maganda ang future nito.
Lucky color: Red
Lucky number: 5
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magiging hectic ang iyong schedule sa mga susunod na araw kaya naman hindi maiiwasan na maging pressured ka buong linggo.
Love:
Singles: Kung may balak ka na pumasok sa isang relasyon, mukhang magiging maganda naman ang kalalabasan nito.
Money/Career:
Malaki ang chance na kuripot ka, kaya naman malaking issue sa iyo lalo na kung may kamag-anak kang umuutang sa iyo.
Lucky color: Gray
Lucky number: 4
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang mapapagastos ka ngayong araw. Maaaring mapabili ka nang wala sa oras kaya naman mababawasan ang iyong ipon.
Love:
Couples: Mukhang mahihirapan kang pakisamahan ang iyong partner ngayong araw. Minsan talaga, may mga araw na bigla na lang siyang tinotopak.
Money/Career:
Umiwas muna sa mga gala-gala at magfocus muna sa iyong trabaho.
Lucky color: Violet
Lucky number: 12
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mong magtiwala sa isang tao ngayong araw. Nakasalalay sa kanya ang magiging resulta ng iyong gawain kaya naman dapat ay buo ang tiwala mo sa kanya.
Love:
Singles and Couples: Mas mabuting maglaan ka ng mas maraming panahon sa iyong pamilya. Magplano kayo ng outing para naman mabawasan ang inyong stress.
Money/Career:
Huwag mahiyang ilibre ang iyong mga kasama sa trabaho. Hindi naman ito araw-araw kaya hindi ka mauubusan ng pera.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mapupuno ka ng energy ngayong araw kaya naman hindi malayong sipagin ka. Kung nasa bahay ka lang, subukan mong tumulong sa paglilinis para naman makatulong ka kahit papaano.
Love:
Couples: Tandaan mo na may boundaries pa rin sa isang relasyon. May mga sikreto kayo sa isa’t-isa at mas mabuti na respetuhin ninyo iyon.
Money/Career:
Magiging hectic ang iyong schedule sa mga susunod na araw kaya naman dapat ay paghandaan mo na ito.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magiging maganda na ang inyong financial status. Magkakaroon ka rin ng maraming oportunidad para paramihin ang iyong mga koneksyon.
Love:
Singles: Kung wala silang gusto sa iyo, huwag mo na sila pilitin. Mas mabuting manatili na lang kayong magkaibigan.
Money/Career:
Kung itutuloy mo ang pagiging masipag sa iyong trabaho, hindi malayong maging successful ka sa iyong napiling career.
Lucky color: Blue
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi naging maganda ang mga nangyayari sa iyo kamakailan, mukhang suswertihin ka na ngayong araw. Kaya naman maging positive ka lang palagi.
Love:
Singles: Maaaring hindi mo siya gusto at hindi ka rin niya gusto. Pero malay natin at kayo rin pala ang magkatuluyan sa huli.
Money/Career:
Maaaring may matanggap ka na magandang job offer ngayong araw pero malayo ito sa nakasanayan mong trabaho.
Lucky color: Violet
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Iwasan mo munang gumastos ng malaki ngayong araw. Kaya hangga’t maaari, huwag kang pumunta sa mga sale o kaya’y tumingin sa mga online shopping websites.
Love:
Couples: Huwag mong gawing kumplikado ang mga issue sa inyong relasyon. Hindi makakatulong kung lagi ka na lang napapraning sa mga maliliit na bagay.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa isang kasama mo sa trabaho, dahil kapag may nakita siyang mali sa iyong mga gawain, irereport ka niya kaagad sa iyong boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Okay lang naman kung maging confident ka sa iyong sarili, pero huwag ka naman maging mayabang lalo na kung mababa ang tingin mo sa ibang tao.
Love:
Couples: Huwag ninyong madaliin ang progress sa inyong relasyon. Take your time at i-enjoy ninyo lang ang company ng isa’t-isa.
Money/Career:
I-analyze mong mabuti ang sitwasyon at tiyak na makakaisip ka ng solusyon para sa kahit anong problema na darating.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 16
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Madalas ay hindi mo pinag-iisipang mabuti ang iyong mga desisyon. Kaya naman hindi malayong lagi kang napapahamak sa mga ito.
Love:
Singles: Bago ka pumasok sa isang relasyon, dapat ay matuto kang isantabi ang iyong ego lalo na kung gusto mo na magtagal ang samahan ninyo.
Money/Career:
Kung ikaw ay nagkaroon ng exam, may malaking chance na magiging pabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 19
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging kalmado ka ngayong araw, kaya naman may malaking chance na makakagawa ka ng mga desisyon na magkakaroon ng magandang epekto sa iyo.
Love:
Couples: Kahit na maganda naman ang intensyon mo, hindi pa rin magugustuhan ng iyong partner ang gagawin mo.
Money/Career:
Hindi ito ang oras para mawala ka sa focus. Marami ka pang dapat gawin kaya naman huwag kang magsayang ng oras.
Lucky color: Gold
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung kaya mo namang gawin ang isang bagay, ikaw na mismo ang magkusang-loob na gawin ito. Huwag ka na maghintay na iutos pa sa iyo ito.
Love:
Singles: Kung nagkaroon ka ng hindi magandang relasyon, mas mabuting magmove ka na rito para naman magkaroon ka na rin ng peace of mind.
Money/Career:
Ito ang tamang panahon para makipagkilala ka sa maraming tao at paramihin ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Blue
Lucky number: 16