Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang ginawang desisyon, dapat ay panindigan mo ito. Iwasan mo ang pabago-bago ng iyong isip.
Love:
Couples: Kung may achievement ang iyong partner na dapat i-celebrate, sorpresahin mo siya sa pamamagitan ng isang party.
Money/Career:
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Tumaya ka sa lotto at malay mo ay makuha mo ang jackpot.
Lucky color: Cream
Lucky number: 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang mas maganda kung magfocus ka muna sa iyong trabaho. May mga problema ka sa iyong personal na buhay pero kung gusto mong gumanda ang iyong career, isantabi mo muna ito.
Love:
Couples: Kung naging busy ka sa iyong trabaho, subukan mong bumawi sa iyong partner at ilibre mo siya sa isang dinner.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya at darating din ang araw na magiging successful ka sa iyong napiling career.
Lucky color: Orange
Lucky number: 17
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kailangan mo munang magpahinga ngayong araw. Kaya kung may gala ka, kung pwede ka namang lumiban dito, gawin mo ito at manatili na lamang sa bahay.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na makilala mo na ang taong nakatadhana para sa iyo.
Couples: Mukhang magkakaroon ka na ng sign kung dapat na bang i-level up ang inyong relasyon o ipagpaliban muna ito.
Money/Career:
Huwag masyadong magiging strick sa iyong mga subordinates kung meron ka man. Mas maganda kung makisama ka sa kanila.
Lucky color: Grey
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Ito ang tamang panahon para ibuhos mo ang lahat ng iyong effort sa isang bagay na talaga namang gusto mo gawin.
Love:
Couples: Subukan mong magbago ng style at sorpresahin mo ang iyong partner sa bago mong itsura. Pagmasdan mong mabuti ang kanyang magiging reaksyon.
Money/Career:
Mukhang magiging maswerte ka ngayong araw lalo na kung ikaw ay may planong mag-invest sa isang sasakyan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung naguguluhan ka sa iyong desisyon na dapat gawin, mas mabuting kumonsulta ka sa ibang tao lalo na sa mga pinagkakatiwalaan mo.
Love:
Singles: Huwag kang masyadong magpapressure sa iyong mga magulang lalo na kung hinahanapan ka na nila ng mapapangasawa.
Money/Career:
Mukhang makakakuha ka ng isang magandang career advice sa isang professional at dapat ay gamitin mo ito para mapaganda ang takbo ng iyong career.
Lucky color: Grey
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may kakilala ka na malapit na ikasal, siguraduhin mo na magbigay ng regalo sa kanila at iparating ang iyong greetings sa kanila.
Love:
Couples: Kung may away kayo ng iyong partner, panatilihin mong malamig ang iyong ulo. Walang maaayos kung pareho kayo mainit.
Money/Career:
Magaling ka naman sa iyong trabaho. Kaya naman habaan mo lang ang iyong pasensiya at magiging successful ka rin sa iyong napiling career.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maraming bagay ang mangyayari ngayong araw. Kaya naman kung hindi ka mabilis umaksyon, mapag-iiwanan ka talaga.
Love:
Singles and Couples: Mas mabuting ilaan na muna ang araw na ito para sa inyong pamilya. Yayain sila na kumain sa labas para makapagbonding naman kayo.
Money/Career:
Patawarin mo ang mga tao na nagkasala sa iyo lalo na kung nag-approach sila sa iyo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 20
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag matakot na gumawa ng bagay na bago para sa iyo. Hindi mo malalaman kung magtatagumpay ka sa isang bagay kung hindi mo ito susubukan.
Love:
Couples: Mukhang magkakaroon kayo ng misunderstanding ng iyong partner ngayong araw. Kaya naman bago pa lumaki ang away ninyo, subukan mo na magpaliwanag sa kanya nang maayos.
Money/Career:
Mukhang nakafocus ka ngayon sa iyong trabaho kaya naman wala ka na masyadong panahon para gawin ang ilan sa iyong mga hobby.
Lucky color: Blue
Lucky number: 23
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may darating na good news sa inyong pamilya kaya naman kung gusto ninyo magcelebrate ay gawin ninyo ito.
Love:
Singles: Kung nagkaroon ka ng hindi magandang experience sa iyong ex, ang tanging solusyon lang para makahanap ka ng peace of mind ay ang pagmove on.
Money/Career:
Huwag mong pansinin ang mga sinasabi ng mga tao sa iyong paligid. Gawin mo lang ang iyong trabaho at magfocus sa iyong mga gawain.
Lucky color: Cream
Lucky number: 4
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magkakaroon ka ng pera ngayong araw. Pero mag-ingat lang at subukan mong huwag itong gastusin lahat.
Love:
Couples: Mukhang makakaapekto ng malaki ang stress na dulot ng iyong trabaho sa iyong relasyon. Kaya mas mabuting huwag kang topakin lalo na kung kasama mo ang iyong partner.
Money/Career:
Okay lang na gumastos ka, pero bantayan mong mabuti ang iyong budget para hindi ito maubos bigla.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 1
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may haharapin kang tao ngayong araw at malaki ang chance na magkasagutan kayo. Huwag kang magpapatalo lalo na kung alam mong ikaw ang nasa tama.
Love:
Couples: Kung gusto mong lalo pang maintindihan ang iyong partner, mag-obserba kang mabuti. Huwag mo ring kalimutang makinig sa kanya palagi.
Money/Career:
Kung hindi mo naman talaga gusto ang iyong trabaho, may malaking chance na magquit ka rito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maganda naman ang gusto mong mangyari pero maraming tao ang tumtutol rito dahil hindi sila bilib sa iyong galing. Patunayan mo na sa mali sila.
Love:
Couples: Kung merong kang gusto, sabihin mo ito sa iyong partner ng diretso. Hindi makakatulong kung lagi ka na lang nagpaparinig.
Money/Career:
Bago ka gumawa ng desisyon, alamin mo muna ang mga pros and cons nito para makasigurado kang tama ang gagawin mong pasya.
Lucky color: Rose
Lucky number: 11