Aries (Mar 21 – Apr 19)
Hindi maiiwasang maging pasaway ka ngayong araw. Kaya naman magiging sakit ka sa ulo ng ilan at hindi nila makakaya ang iyong attitude.
Love:
Couples: Kung gusto mong magtagal ang inyong relasyon, dapat ay hindi ka OA sa mga ilang sitwasyon at huwag agad mapraning sa mga ito.
Money/Career:
Huwag mag-alala kung hindi ka masyadong makapag- concentrate sa iyong gawain. Naiintindihan ka naman ng iyong mga kasama.
Lucky color: Cream
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung masyadong mataas ang iyong pangarap, maaaring masaktan ka kung hindi mo ito kayang tuparin. Kaya naman dapat ay alam mo rin kung hanggang saan lang ang kaya mo.
Love:
Couples: Magiging complicated ang iyong love life kung hindi ninyo pag-uusapang magpartner ang mga issue sa inyong relasyon.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa iyong trabaho. Huwag ka munang magbigay ng atensyon sa officemate mong crush mo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 20
Gemini (May 21 – Jun 20)
Matagal mo na siyang nakakasama pero ngayon mo pa lang marerealize na may feelings ka na pala sa kanya.
Love:
Couples: Maaaring maging romantic ang iyong partner sa iyo. Mabibigla ka rito kaya naman baka isipin mo na may kailangan lang siyang pabor sa iyo.
Money/Career:
Maaaring makuha mo na ang trabaho o promotion na matagal mo nang hinihintay.
Lucky color: Red
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring may taong kumakalaban sa iyo nang palihim at may malaking chance na makilala mo na kung sino ito ngayong araw.
Love:
Couples: Huwag kang masyadong OA sa pag-iisip. Huwag mo gawing kumplikado ang mga bagay na simple lang naman.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para makipag-usap sa iyong mga superior at palawakin ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magkakaroon ka ng pagkakataon na maging close sa isang tao na hindi mo naman masyadong nakakausap. Mukhang mag-eenjoy kayo sa company ng isa’t-isa.
Love:
Couples: Kung magfofocus ka lang sa iyong trabaho, mawawalan ka ng oras sa iyong partner at magdudulot ito para magtampo siya sa iyo.
Money/Career:
Malapit ka na maging successful sa iyong napiling career kaya naman hindi ito ang panahon para maging tamad ka.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 2
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magiging senti ka ngayong araw. Kaya naman subukan mong i-share sa iba ang iyong mga problema at baka mabigyan ka nila ng solusyon para rito.
Love:
Singles: Mukhang magiging promising ang iyong magiging relasyon kaya naman i-make sure mo na magkakaroon ka ng sapat na oras para sa iyong future partner.
Money/Career:
Maaaring nawalan ka ng pera dahil sa maling investment. Kaya para hindi na ito maulit, siguraduhin mo muna ang iyong pinapasok bago ka sumali.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi ka sigurado sa dapat mong piliin, hayaan mo na lang na ibang tao ang madesisyon para sa iyo para hindi ka na mahirapan pang mag-isip.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner na mag-enroll sa isang fitness program para na rin mabawasan ang stress sa inyong relasyon.
Money/Career:
Maging open ka sa mga bagong oportunidad na darating sa iyo lalo na kung kikita ka rito ng malaking pera.
Lucky color: Brown
Lucky number: 19
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung naguguluhan ka sa takbo ng iyong buhay, marahil ay kailangan mo na munang magsimba at para na rin makapag-isip ka nang mabuti.
Love:
Couples: Huwag ninyong balewalain ang mga issue sa inyong relasyon kahit gaano pa ito kaliit. Ayusin ninyo agad ito para hindi na ito lumaki.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para pumasok sa isang investment, pero dapat ay napag-aralan mo na muna ito nang mabuti bago ka magdesisyon.
Lucky color: Red
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang sasaniban ka ng kasipagan ngayong araw at magagawa mong tapusin ang anumang gawain na ibigay sa iyo.
Love:
Singles: Maaaring may magustuhan kang tao ngayong araw pero may mga bagay sa kanya na hindi mo gusto. Huwag mong hayaang pigilan ka ng mga ito dahil wala namang perfect na tao.
Money/Career:
Mukhang may makukuha kang pera ngayong araw kaya naman magpasalamat ka sa makukuha mong blessing.
Lucky color: Lavender
Lukcy number: 10
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang makukuha mo ang atensyon ng karamihan ng tao sa iyong paligid at dahil dito, marami rin ang maiinggit sa iyo.
Love:
Couples: Kung nalilito ka sa mga ikinikilos ng iyong partner sa mga nagdaang araw, mukhang malalaman mo na ang rason sa likod nito ngayong araw.
Money/Career:
Kailangan mo na magdesisyon kung maglalaan ka ng maraming panahon para sa isang volunteer work o magfofocus ka na lamang sa iyong trabaho.
Lucky color: Violet
Lucky number: 24
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maaaring malito ka sa mga nangyayari sa iyong paligid ngayong araw, at maaaring magdulot ito para magkamali ka sa ilang desisyon na iyong gagawin.
Love:
Couples: Hindi masama na i-share mo sa iyong partner ang iyong saloobin. I-open up mo sa kanya ang anumang problema na matagal mo na tinatago sa kanya.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ka ng problema regarding sa iyong trabaho lalo na kung may conflict ito sa interes ng iyong pamilya.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maganda ang araw na ito para magsimula ka ng bago. Matutong i-let go ang mga bagay na pumipigil sa iyo para makapagmove on.
Love:
Couples: Kung may achievement ang iyong partner, i-celebrate ninyo ito kasama ng ilan sa kanyang mga kaibigan.
Money/Career:
Huwag ka magpaapekto sa iyong katrabaho na masyadong mayabang. May achievements ka rin kaya naman huwag mong maliitin ang iyong sarili.
Lucky color: Orange
Lucky number: 23