Aries (Mar 21 – Apr 19)
Ito na ang tamang oras para ibuhos mo ang lahat ng iyong effort sa isang bagay para makuha mo na ang gantimpalang inaasam mo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging mas malambing sa iyong partner. Malaki ang posibilidad na kikiligin siya sa iyong gagawin.
Money/Career:
Gusto mo naman ang iyong trabaho. Pero kung toxic naman ang iyong mga kasama, mas mabuting maghanap ka na lang ng bagong working environment.
Lucky color: Dark Brown
Lucky number: 8
Taurus (Apr 20 – May 20)
Ilaan mo muna ang araw na ito para magmuni-muni. Pumunta sa tahimik na lugar o kaya’y magsimba at
magreflect sa iyong buhay.
Love:
Singles: May tao kang nagugustuhan pero mukhang wala talaga siyang pagtingin sa iyo. Kaya naman huwag mo na sayangin ang oras mo sa kanya at ilaan na lang ang atensyon mo sa iba.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa travel ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 11
Gemini (May 21 – Jun 20)
Madalas ay inuuna mo ang ibang tao kaysa sa iyong sarili. Kaya naman hindi malabong maraming tao ang malaki ang respeto sa iyo.
Love:
Couples: Masyado na lumalala ang stress sa inyong relasyon at kung hindi ninyo pa ito bibigyan ng panahon para ayusin, maaaring mauwi na kayo sa hiwalayan.
Money/Career:
Kung nalalayuan ka sa iyong trabaho at feeling mo ay mas lalo kang napapagastos ng malaki dahil sa pamasahe, mas mabuting humanap ka na lang ng lugar na malilipatan na mas malapit sa iyong trabaho.
Lucky color: Rose
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magiging energetic ka ngayong araw, kaya naman maraming bagay ang magagawa mong tapusin at magkakaroon ka pa ng sapat na oras para makapagpahinga.
Love:
Couples: Kung may sinusubukang bago ang iyong partner, huwag mo siyang husgahan o pagtawanan dahil dito. Atleast ay nag-eeffort siya para may mangyaring bago sa inyong relasyon.
Money/Career:
Sa sobrang focused mo sa iyong trabaho, may malaking posibilidad na may ilang bagay ka na makakalimutang gawin.
Lucky color: Brown
Lucky number: 7
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mag-ingat ka sa iyong mga ikikilos ngayong araw. Maaaring may magawa kang bagay na maka-offend sa iba nang hindi mo napapansin.
Love:
Couples: Kung may gusto kang i-share sa iyong partner, gawin mo ito. May mga bagay na hindi dapat isinisikreto sa isang relasyon.
Money/Career:
Kung ikaw ay may subordinates, huwag kang masyadong strict sa kanila. Maging friendly sa kanila para mabawasan ang kanilang stress sa trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 3
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung ikaw ang unang kikilos, ikaw rin ang unangmakakakuha ng credit dito. Iwasan mo ring i-push nang masyado ang iyong sarili para hindi mabigla ang iyong katawan.
Love:
Couples: Maging romantic sa iyong partner ngayong araw. Maaaring matuwa siya sa iyo dahil dito at may gawin siyang bagay na ikakikilig mo.
Money/Career:
Maraming bagay ang dapat mong pagtuunan ng pansin ngayong araw. Kaya naman tapusin mo ang isang bagay bago ka pumunta sa iba. Huwag pagsabay-sabayin ang iyong mga gawain.
Lucky color: Neon Green
Lucky number: 18
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magiging importante sa iyo ang araw na ito. Maaaring maimpluwensiyahan ang iyong desisyon ng isang tao na malapit sa iyo. At mukhang magiging tama ang kanyang payo.
Love:
Singles: Yayaain mong lumabas ang isang tao na hindi mo naman talaga type. Malay natin at baka mag-enjoy naman kayong pareho.
Money/Career:
Huwag ka muna magpautang ng pera ngayong araw dahil malaki ang posibilidad na hindi ka nila mabayaran kaagad.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Matatapos ka na sa isa mong obligasyon ngayong araw kaya naman magkakaroon ka na ng free time para gawin ang nais mo.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para magdinner kasama ang iyong mga kaibigan. Maaaring may gusto silang ikwento na tiyak na ikatutuwa mo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 18
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mag-sorry ka sa taong nagawan mo ng mali. Huwag mong hintayin na lumaki ang away ninyo kung alam mo namang kasalanan mo ito.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa sigurado kung handa ka na pumasok sa isang relasyon, huwag ka muna gumawa ng desisyon para hindi ka maging paasa sa iba.
Money/Career:
Galingan mo sa iyong napiling career. Tandaan mo na hindi biglaan ang pagiging successful. Kailangang habaan mo ang iyong pasensiya.
Lucky color: Blue
Lucky number: 3
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging emosyonal ka ngayong araw. May mga bagay na magpapaalala sa iyo sa iyong nakaraan at mukhang dadamdamin mo ito nang husto.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong demanding sa iyong partner. May mga bagay rin siya na pinoproblema kaya naman huwag mo na siya kulitin sa mga gusto mo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may balak bumili ng lupa o bahay.
Lucky color: Purple
Lucky number: 11
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maaaring makatanggap ka ng maraming oportunidad ngayong araw na may kinalaman sa bagay na gusto mo. Kaya naman huwag mo na ipagpaliban ang pagkakataong ibibigay sa iyo.
Love:
Couples: Kung may tampuhan man kayo ngayong araw, huwag ninyong hahayaan na matapos ang araw na hindi kayo nagbabati.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng regalo mula sa iyong mga kaibigan o mga katrabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 1
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag kang magpabago-bago ng isip. Panindigan mo ang gagawin mong desisyon kahit na maraming tutol dito.
Love:
Couples: Mahihirapan kayo sa inyong relasyon kung hindi ninyo pag-uusapan ang mga maliliit na problema. Huwag ninyong hayaang lumaki ang mga ito at mas lalo kayong mahirapan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa art, movies at music ang trabaho.
Lucky color: Gold
Lucky number: 4