Aries (Mar 21 – Apr 19)
May mga ilang issue ka na dapat ayusin ngayong araw. Maaaring mahirapan ka rin na tapusin ang lahat ng ito kung hindi ka magaling magmanage ng iyong oras.
Love:
Singles: May malaking chance na may taong makipag-flirt sa iyo ngayong araw. Mag-ingat ka dahil baka may kailangan lang siya sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Meron kang makakabonding ngayong araw. Maaaring mag-enjoy kayo buong araw lalo na kung parehas ang inyong mga hilig.
Love:
Couples: Huwag kang padalos-dalos sa paggawa ng desisyon. Pag-aralan mo muna ang sitwasyon para hindi ka magsisi sa huli.
Money/Career:
Maaaring may ialok sa iyong trabaho ngayong araw. Mukhang maganda ito kaya naman tanggapin ito kaagad.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 9
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magiging serysso ka ngayong araw. Maaaring may kaibigan kang may ilapit na concern sa iyo, kaya naman mag-explain sa kanya nang mabuti.
Love:
Couples: Huwag kang mainsecure sa iyong partner. Makakabuti sa iyo kung lalayo ka muna sa kanya para makapagmuni-muni ka.
Money/Career:
Ang iyong sense of humor ang iyong biggest asset kaya naman huwag mo itong iwawala. Gamitin mo rin ito para na rin maging close ka sa iyong boss.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Iwasan mong magreklamo kahit na maraming iutos sa iyong mga gawain. Tapusin na lang ito kaagad para naman wala ka nang iisipin pa.
Love:
Couples: May pagbabago na darating sa inyong relasyon. May malaking posibilidad na maging good news ito para sa inyong dalawa.
Money/Career:
Pagbutihin mo ang iyong communication skills para naman hindi ka hirap sa tuwing may kakausapin kang foreigner.
Lucky color: Cream
Lucky number: 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Dahil sa iyong personality, hindi nakakabigla na marami kang kaibigan. Pero mag-ingat ka lang dahil hindi lahat sila ay tunay mong mga kaibigan.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang maimpluwensiyahan ng ibang tao ang gagawin mong desisyon sa inyong relasyon.
Money/Career:
Mukhang napapanahon na para magpalit ka ng trabaho lalo na kung sa tingin mo ay hindi sapat ang kinikita mo sa kasalukuyan mong work.
Lucky color: White
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag kang matakot na bigyan ng second chance ang isang taong nagkasala sa iyo. Kung deserve niya naman ito, ibigay mo ito sa kanya.
Love:
Couples: Iwasan mong maging isip-bata lalo na kung may pagtatalo kayo ng iyong partner. Wala kayong malulutas kung magiging sakit ka sa ulo.
Money/Career:
Kung ibibigay mo ang iyong panahon at pagod sa iyong career, hindi malayong magtagumpay ka rito. Habaan mo rin ang iyong pasensiya dahil hindi naman ito instant.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 19
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Panahon na para ipakita mo sa ibang tao ang iyong natatagong talento. Maaaring bumilib ang karamihan sa iyo at ito ang ikasikat mo.
Love:
Singles: Huwag kang maging atat. May taong nakalaan sa iyo kaya naman huwag mong pilitin ang ibang tao lalo na kung wala naman silang pagtingin sa iyo.
Money/Career:
Magbubunga na ang iyong paghihirap sa iyong trabaho. Kaya naman ipagpatuloy mo lang ang pagiging masipag dito.
Lucky color: Silver
Lucky number: 2
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maglaan ka muna ng oras sa ibang tao lalo na sa iyong mga kaibigan. Panahon na para palawakin mo ang iyong social circle.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw at tiyak na kikiligin siya dahil dito. I-enjoy mo lang ang araw na ito na kasama siya.
Money/Career:
Kung kaya mong magpahinga, gawin mo muna ito. Gawin mo ang dapat mong gawin para mabawasan ang iyong stress dulot ng trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring malito ka kung anong daan ba talaga ang dapat mong tahakin sa buhay mo ngayon. Huwag agad gagawa ng desisyon lalo na kung hindi ka naman sigurado rito.
Love:
Couples: Huwag mong pigilan ang iyong partner sa gusto niya. Magrelax ka lang at panigurado naman na alam niya ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Huwag ka munang gumastos ng malaki ngayong araw. Malaki ang posibilidad na hindi mo ito mababawi kaagad.
Lucky color: Red
Lucky number: 5
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mong iwawala ang iyong sense of humor dahil ito ang pinakaimportanteng part ng iyong personality. Umiwas ka muna ngayong araw sa pagkain ng isda.
Love:
Couples: Huwag mong i-test ang pasensya ng iyong partner. Ikaw lang din ang maiinis sa huli lalo na kung hindi siya makikinig sa iyo.
Money/Career:
May malaking posibilidad na makapag-abroad ka dahil sa iyong career. Kaya naman ihanda mo na ang iyong mga papeles kung sakali.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman huwag kang gagawa ng malaking desisyon dahil maaaring pagsisihan mo ito sa huli.
Love:
Couples: Kung naguguluhan ka sa mga ikinikilos ng iyong partner, maaaring malaman mo na ang dahilan sa likod nito ngayong araw.
Money/Career:
Kung may plano ka sa isang partnership, ituloy mo na ito at may malaking chance ito na magtagumpay.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring kumikita ka ng malaki ngayong araw pero huwag mo itong gawing priority. Maglaan ka pa rin dapat ng sapat na panahon para sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Maaaring topakin ka ngayong araw at pagsimulan ito ng away sa pagitan mo at ng iyong partner. I-relax ang sarili para hindi ito mangyari.
Money/Career:
Tapusin mo lahat ng iyong mga gawain sa umaga para pagsapit ng hapon ay wala ka na masyadong aasikasuhin pa.
Lucky color: Rose
Lucky number: 1