Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magagawa mong magpayo ng tama sa iyong mga kaibigan na may problema, kaya naman magpapasalamat sila sa iyo ng lubos.
Love:
Couples: Kung masyado na kayong busy sa trabaho at nawawala na ang spark sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para bumawi kayo sa isa’t-isa at magplano ng isang romantic dinner.
Money/Career:
Huwag mong apurahin ang iyong sarili. Hinay-hinay lang sa mga gawain para magawa mo ito nang tama.
Lucky color: Dark Grey
Lucky number: 25
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kaya mo namang tapusin ang iyong mga gawain pero kailangan ay magfocus ka sa mga ito at huwag magpadistract sa mga bagay-bagay sa iyong paligid.
Love:
Singles: Maaaring may taong mamahalin ka ng tunay at ganun din naman ikaw sa kanya. Pero mukhang tututol ang inyong mga magulang sa inyong relasyon.
Money/Career:
Magkakaroon ng gulo sa iyong trabaho sa mga susunod na araw, kaya naman kung wala kang kinalaman dito, huwag ka na makialam.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maaaring makipagtalo ka sa isang kakilala, pero mukhang magiging pabor naman sa iyo ang magiging resulta ng argumento ninyo.
Love:
Singles: Kung lagi ka na lang nirerequire ng trabaho mo na pumunta sa iba’t-ibang lugar, mahihirapan kang makahanap ng partner dahil dito.
Money/Career:
Kung medyo magulo ang status ng iyong career, subukan mo munang mag-step back at alamin ang mga rason sa likod nito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 1
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magiging maswerte ang araw mo kung tutulong ka sa ibang tao lalo na sa mga bata. Subukan mong magdonate ng iyong belongings na hindi mo na masyadong nagagamit.
Love:
Couples: Magiging makulit ka ngayong araw kaya naman mahihirapan ang iyong partner dahil dito. Mukhang gusto mo lang maglambing sa kanya kaya mo siya kinukulit.
Money/Career:
Magandang ideya na mag-apply ka sa isang loan lalo na kung may kinalaman ito sa bahay, business o sasakyan.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung naguguluhan ka sa kung ano ba talaga ang iyong gusto, subukan mo munang lumayo sa nakararami para makapag-isip ka at makapagmuni-muni.
Love:
Couples: Maaaring maguluhan ang iyong partner sa mga ikikilos mo ngayong araw. Maaaring may nalaman kang bago tungkol sa kanya kaya ka nagiging awkward sa harap niya.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong trabaho o business, kumunsulta ka sa isang professional para mapayuhan ka ng maayos.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 6
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magiging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman para mabawasan ang bigat ng iyong kalooban, subukan mong makipagkita sa isang kaibigan at pag-usapan ninyo ang iyong problema.
Love:
Singles: Hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay magkaroon ng love life. I-enjoy mo muna ang pagiging single mo.
Money/Career:
Iwasan mong magreklamo lalo na kung ikaw ay nasa trabaho. Maaaring marinig ka ng iyong boss at mapagalitan ka dahil dito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maaaring kulitin ka ng iyong mga kaibigan at dahil dito ay mainis ka sa kanila. Maaaring may tinatago kang nakakaintrigang sikreto kaya ka nila kinukulit.
Love:
Couples: Magiging emosyonal ka ngayong araw kaya naman hindi ito ang tamang panahon para ikaw ay gumawa ng isang major decision.
Money/Career:
Mukhang palaki nang palaki ang iyong ginagastos sa pamasahe. Kaya kung feeling mo ay magtrabaho na lamang sa bahay, simulan mo agad ang proseso para rito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung may mga taong nagpapatulong sa iyo, siguraduhin mo munang hindi ka lang nila inuuto para gawin mo ang kanilang mga gawain.
Love:
Singles: May tao kang makikilala at magkakagustuhan kayo. Hindi man siya ang taong pinapangarap mo,
siya naman ang taong kukumpleto sa buhay mo.
Money/Career:
May mga oportunidad na darating sa iyo ngayong araw at may kinalaman ito sa iyong career. Hindi mo kailangang magmadali para tanggapin ang mga ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 3
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring may makilala kang importanteng tao ngayong araw kaya naman kung may iaalok siya na makakatulong sa iyong career, kunin mo ito.
Love:
Couples: Huwag ka maniwala sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyong partner. Mas kilala mo siya kaysa sa kanila kaya naman magtiwala ka sa kanya.
Money/Career:
May pagbabago na darating sa iyong career. Maaaring mailipat ka ng ibang department o kaya’y magkaroon ng bagong office.
Lucky color: Lilac
Lucky number: 8
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag masyadong mag-alala kung marami kang magagawang maling desisyon. Magagawa mo namang solusyunan ang mga ito bago matapos ang araw.
Love:
Ex-couples: Huwag mong hayaang multuhin ka ng iyong nakaraan. Matutong mag-move at huwag na maging bitter tungkol dito.
Money/Career:
Panahon na para ipakita sa mga taong walang bilib sa iyo ang iyong mga achievement.
Lucky color: Orange
Lucky number: 22
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Humingi ka ng tawad sa mga taong nagawan mo ng kasalanan. Mas mabuti kung aayusin mo agad ang mga problemang sinimulan mo para hindi na ito lumaki pa sa huli.
Love:
Couples: Masyado kang seryoso at madalas ay OA na mag-isip. I-relax mo lang ang iyong sarili dahil walang magagawang mabuti ang pagiging praning mo.
Money/Career:
Kung bago ka lang sa iyong trabaho, may malaking posibilidad na magkamali ka sa ilang gawaing ibibigay sa iyo. Huwag mangamba at matuto na lang sa mga pagkakamaling ito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 4
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Okay lang na gumimik ka paminsan-minsan pero bantayan mong mabuti ang iyong budget para hindi ito maubos nang hindi mo namamalayan.
Love:
Couples: Maaaring magtalo kayo ng iyong partner ngayong araw kaya naman kailangang habaan mo ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Magiging maswerte ka ngayong araw lalo na kung may kinalaman sa construction ang iyong trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 18