Aries (Mar 21 – Apr 19)
Perfect ang araw na ito para sa pagbabago. Kung ano man ang pumipigil sa iyo para makapagmove on, matutong i-let go ito para naman magkaroon ka na ng peace of mind.
Love:
Couples: Huwag masyadong magpastress sa inyong relasyon. Huwag madaliin ang mga bagay-bagay kaya magrelax ka lang.
Money/Career:
Kailangan mong imotivate ang iyong sarili para hindi ka tamarin ngayong araw. Kailangang hindi ka mahuli sa iyong mga gawain.
Lucky color: Grey
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring may magustuhan kang bagay sa mall kaya naman hindi maiiwasan na bilhin mo ito at dahil dito, kukulangin ka ng pera para sa ibang bagay.
Love:
Singles: Kung kani-kanino ka lang nakikipagflirt, huwag mong aasahang magkakaroon kayo ng seryosong relasyon.
Money/Career:
Alam mo ang importance ng oras kaya naman ayaw na ayaw mo ang ma-late sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mas mabuting huwag na munang makialam sa problema ng ibang tao. Mahirap na at baka madamay ka pa sa away nila.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para gumimik kasama ang iyong mga kaibigan. Maaaring manood kayo ng pelikula o kaya’y magkaraoke.
Money/Career:
Kung plano mo magtayo ng sariling business, mas mabuting piliin mo ang business na siguradong paglalaanan mo ng pagod at panahon.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Marerealize mo ngayong araw na hindi ka na dapat nabubuhay sa nakaraan at kailangan mo na magmove on para na rin sa iyong hinaharap.
Love:
Singles: Lumabas ka kasama ang iyong mga kaibigan at lalaki ang chance mo na makita ang iyong partner to be.
Money/Career:
Kung hindi mo mapipigilan ang iyong paggastos sa mga hindi importanteng bagay, mapipilitan kang umutang sa ibang tao kapag nagipit ka.
Lucky color: Pink
Lucky number: 10
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring mapagastos ka ngayong araw at dahil dito, tiyak na mababawasan ang iyong budget at mapipilitan kang umutang sa iba.
Love:
Singles: Huwag kang maging madamot pagdating sa love. Dapat ay matutunan mo munang huwag maging selfish bago ka pumasok sa isang relasyon.
Money/Career:
Unti-unti mo nang nakukuha ang iyong mga gusto. Kaya naman ipagpatuloy mo lang ang pagiging masipag sa iyong trabaho.
Lucky color: Dark Grey
Lucky number: 3
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi ka masaya kamakailan, mas mabuting solusyunan mo na ang iyong problema para hindi na ito mas lumala pa.
Love:
Couples: Huwag mong ikumpara ang samahan ninyo sa ibang tao. Mape-pressure ka lang kung gagawin mo ito. Take your time. Huwag magpa-stress.
Money/Career:
Kahit na gumimik ka ngayong araw, hindi ito magiging problema sa iyong budget. Kaya huwag kang mahiyang magsaya.
Lucky color: Neon Green
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magtiwala sa iyong mga hinala at kutob. Kahit na salungat ito sa sinasabi ng ibang tao, gawin mo ang sa tingin mo ang tama.
Love:
Couples: Pigilan mo ang iyong partner sa kanyang gagawin lalo na kung alam mo na para ito sa ikabubuti niya. Huwag kalimutang magrason nang maayos.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng exam kamakailan, malaki ang posibilidad na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 4
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May matatanggap kang good news ngayong araw kaya naman magiging maganda ang mood mo. Kung gusto mong magcelebrate, gawin mo ito.
Love:
Couples: Pagsabihan mo ang iyong partner kung nagiging demanding na siya. Marahil ay hindi lang siya aware sa mga ikinikilos niya.
Money/Career:
Kung nag-iisip ka na magtayo ng iyong sariling business, mas mabuti kung sisimulan mo na ito ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky number: 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung masyado ka nang stressed sa iyong buhay, marahil ay kailangan mo munang magbakasyon para makapagmuni-muni ka at makapagrelax.
Love:
Singles: Maganda naman ang iyong personality kaya hindi malayong may mga taong nagkakagusto sa iyo. I-enjoy mo lang ang pagiging single at may tamang panahon din para ikaw ay pumasok sa isang relasyon.
Money/Career:
Huwag kang magmadali lalo na kung seryoso ka sa iyong trabaho. Take your time at magiging successful ka rin sa huli.
Lucky color: Cream
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging demanding ka ngayong araw kaya naman may mga ilang tao ang tataas ang kilay sa iyo. Iwasan mong maging bossy lalo na kung wala ka namang sense of leadership.
Love:
Singles: Mukhang maganda ang araw na ito para ipagtapat mo ang feelings mo sa taong iyong nagugustuhan.
Money/Career:
Kung may ialok sa iyo na trabaho na may kinalaman sa travel, tanggapin ito dahil maaaring malaki ang kitain mo rito.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 20
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag kang masyadong madhid. Matutong makiramdam sa iyong paligid dahil may mga taong nagnanais na makuha ang iyong atensyon.
Love:
Couples: Sanay ka naman na ayusin ang iyong problema pero subukan mo ring sabihin ito sa iyong partner at maaaring makatulong siya sa iyo.
Money/Career:
May gagawin kang desisyon na may kinalaman sa iyong trabaho at kailangan mo ring i-consider ang nais ng iyong pamilya.
Lucky color: Brown
Lucky number: 7
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Alagaan mo ang iyong kalusugan. Kung may nararamdaman kang hindi tama, huwag itong balewalain at aksyunan agad ito.
Love:
Singles and Couples: Mas maganda kung maglalaan ka muna ng panahon sa iyong career, pero huwag mong kalimutan na kamustahin ang iyong pamilya o partner.
Money/Career:
Kung galit ka, huwag ka munang gumawa ng kahit anong desisyon. Maaaring pagsisihan mo ito sa huli kung hahayaan mong manaig ang init ng iyong ulo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7