Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magiging busy ka ngayong araw. May malaki ring posibilidad na magkaroon ka ng bisita at maaaring magplano kayo ng outing sa hinaharap.
Love:
Couples: Kung matagal na kayong nagsasama, marahil ay tamang panahon na para i-level up ninyo ang inyong relasyon at magpakasal na.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita sa iyong trabaho, marahil ay nararapat lang na maghanap ka na ng bagong trabahong papasukan.
Lucky color: Green
Lucky number: 11
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kilalanin mong mabuti ang mga taong iyong tinutulungan. May malaking posibilidad na ginagamit ka lang nila para mapadali ang kanilang trabaho.
Love:
Couples: May malalaman kang bago sa iyong partner ngayong araw, pero mukhang maganda naman ang hatid nito sa inyong dalawa.
Money/Career:
Kung hindi ka confident sa iyong ginagawa, mas mabuting huwag mo itong ipakita sa iba lalo na sa iyong clients.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magiging busy ka ngayong araw at hindi mo rin pwedeng iwan ang iyong mga gawain sa iba dahil ikaw lang ang makakagawa nito ng maayos.
Love:
Singles: Marami kang pupuntahang mga events kaya naman marami kang taong makikilala. Magandang pagkakataon ito para palawakin ang iyong mga koneksyon.
Money/Career:
Kung may ialok sa iyong trabaho na may kinalaman sa travel, tanggapin mo ito dahil tiyak na malaki ang kita rito.
Lucky color: Black
Lucky number: 16
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka munang magpayo sa ibang tao ngayong araw dahil malaki ang posibilidad na hindi magiging maganda ang resulta nito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para i-spoil mo ang iyong partner. Ilibre siya sa kanyang favorite na restaurant at i-enjoy ang oras kasama siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa gobyerno ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 1
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magiging confused ka ngayong araw kaya naman mas mabuting huwag na lang makinig sa ibang tao at sundin ang mga bagay na sa tingin mo ay tama.
Love:
Couples: Kung may event kayo na aasikasuhin, mas maganda kung sabay ninyong pagtutulungan ang mga detalye tungkol dito.
Money/Career:
Maaaring ma-delay ang iyong sahod, pero huwag kang mag-alala dahil sigurado naman na darating ito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 17
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maaaring mabigyan ka ng mga maling instruction kaya naman magrely ka na lang sa sarili mong judgment para hindi ka mapahamak.
Love:
Couples: Mag-isip pa kayo ng mga paraan kung paano ninyo mapapa-unlad ang inyong relasyon. Maging open kayo sa isa’t-isa lalo na sa inyong mga plano.
Money/Career:
Mas mabuti kung hindi ka makikipagtalo sa iyong mga katrabaho. Hayaan mong ang iyong boss ang mag-ayos ng problemang ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 2
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May kailangan kayong ayusin na personal issue ngayong araw. Kaya naman huwag ka munang magfocus sa ibang bagay at ayusin ito kaagad.
Love:
Singles: Oras na para maging seryoso ka sa paghahanap ng iyong partner. Huwag ka na makipagflirt sa kung sino-sino.
Money/Career:
Maaaring may pagtatalo sa iyong trabaho ngayong araw. Kaya naman kung wala kang kinalaman dito, huwag ka na makialam at magfocus na lang sa iyong mga gawain.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Oras na para mag-break ka muna sa iyong hectic na schedule at hayaan mo munang makapagrelax ka kahit sandali lang.
Love:
Singles: Kung ikaw ay may ex, may malaking posibilidad na makipagbalikan siya sa iyo. Pag-isipan mo muna kung tatanggapin mo ang kanyang alok.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa trabaho para lang mapabilis ang iyong mga gawain.
Lucky color: Sky Blue
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Gusto mo na lagi kang may natututunang bago. Kaya naman kung hindi ka pa marunong mag-gitara, subukan mo ito.
Love:
Couples: Huwag ka mahiyang mag-first move sa iyong partner lalo na kung sawa ka na maghintay sa kanya. Maaaring masorpresa siya sa iyong gagawin.
Money/Career:
Kung ikaw ay may balak na pumasok sa isang investment, magiging maswerte ito lalo na kung alam mo kung ano ang pinapasok mo.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 18
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maaaring maging seryoso ka ngayong araw. May bagay ka na dapat gawin at kung nahihirapan ka rito, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iba.
Love:
Singles: Medyo nababalewala mo na ang iyong mga kaibigan kamakailan. Kaya naman lumabas kasama sila at manood kayo ng sine.
Money/Career:
Alamin mo kung ano talaga ang gusto ng ibang tao. Dapat ay marunong ka ring makiramdam.
Lucky color: Green
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging moody ka ngayong araw, pero huwag mag-alala dahil magiging maswerte ka naman sa ibang bagay. Huwag ka munang magshopping sa ngayon.
Love:
Couples: May 3rd party na gustong sumira sa inyong relasyon. Nakasalalay sa iyo kung hahayaan mo siyang magtagumpay sa kanyang mga balak.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo at journalism ang trabaho.
Lucky color: Violet
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magiging busy ka ngayong araw kaya naman mag-ingat ka sa iyong mga ikikilos at baka may mabangga ka habang naglalakad. Huwag ka masyadong magpastress sa iyong mga gawain.
Love:
Singles: Huwag ka mawalan ng pag-asa. Makakahanap ka rin ng taong para sa iyo kaya naman habaan mo pa ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Kahit na magaling ka naman sa iyong trabaho, kung toxic naman ang iyong mga kasama, mas mabuting umalis na lang dito at maghanap ng iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3