Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magiging positive ang araw mo ngayon. Kaya lang, hindi pa rin maiiwasan na may mga bagay na mangyari na hindi sasang-ayon sa iyong kagustuhan.
Love:
Couples: Kung nagkaroon kayo ng away ng iyong partner, malaki ang posibilidad na magbati na kayo ngayong araw. Maging maunawain sa isa’t-isa.
Money/Career:
Maging mapanuri ka sa iyong mga gawain. Huwag ka masanay sa “pwede na” at ibigay mo dapat ang lahat ng iyong makakaya.
Lucky color: Grey
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging emosyonal ka ngayong araw. Maaaring marami kang maalala na mga malulungkot na sandali sa iyong buhay. Okay lang mag-emote paminsan-minsan pero huwag mo itong aaraw-arawin.
Love:
Couples: May paparating na major change sa inyong samahan. Kaya naman dapat ay open ka sa mga pagbabagong ito at matutong mag-adjust.
Money/Career:
Kung ikaw ay nagkaroon ng job interview, may malaking posibilidad na maibigay sa iyo ang trabahong inapplyan mo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 24
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kahit na maganda naman at praktikal ang iyong mga suggestions, maaaring hindi ito tanggapin ng taong papayuhan mo. Kaya mabuti na lang huwag na magsayang ng panahon sa taong ito.
Love:
Couples: May malalaman kang bago sa iyong partner. Pero huwag kang mag-alala dahil mukhang good news naman ito.
Money/Career:
Siguraduhin mo munang tapos ka na sa iyong mga gawain bago ka tumanggap ng bagong proyekto.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung lagi ka na lang stressed dahil sa isang problema at hindi mo ito masolusyunan, mas mabuting humingi ka na ng tulong sa iba.
Love:
Couples: May malalaman kang bago sa iyong partner at mukhang makakaapekto ito sa magiging status ng inyong relasyon sa hinaharap.
Money/Career:
Kung hindi sapat ang iyong kinikita sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para kumuha ka ng pangalawang trabaho kung kaya mo.
Lucky color: Dark Brown
Lucky number: 2
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may nagawa kang mali sa iyong kapwa, humingi ka ng sorry sa kanya. Huwag mo na pairalin ang pride mo kung ikaw naman ang nagkamali.
Love:
Couples: Kung may bagay ka na hindi maintindihan sa iyong partner, tanungin mo siya nang diretso at huwag kang manghula.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa service sectors ang trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 11
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Makakakuha ka ng sapat na panahon para tapusin ang ilan sa iyong mga nakatambak na gawain. Kung may problema naman na biglang susulpot, magagawan mo agad ito ng paraan.
Love:
Couples: Kung may tao kang dapat alagaan, magpaalam ka sa iyong partner para hindi naman siya nag-aalala o nanghihinala sa mga ikinikilos mo.
Money/Career:
Tumawa ka naman paminsan-minsan. Huwag laging seryoso at gagaan ang pakiramdam mo kung gagawin mo ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magiging busy ka ngayong araw. Maaaring magkaroon ka ng mga bisita o kaya’y yayain ka ng iyong mga kaibigan para gumala.
Love:
Singles: Ito na ang tamang panahon para ikaw ay maghanap ng iyong partner at malaki ang posibilidad na nakilala mo na siya.
Money/Career:
Huwag ka mainsecure sa mga kasama mo sa trabaho. May kakayahan ka rin na katulad sa kanila kaya naman tibayan mo ang iyong loob.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 9
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Hindi makakabuti sa iyo kung hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakakamove on sa iyong nakaraan. Matutong maglet go para naman magkaroon ka na ng peace of mind.
Love:
Couples: Maaaring makita mo ang side ng iyong partner na hindi niya masyadong ipinapakita sa iba. Maaaring magulat ka rito, pero iwasan mo na husgahan siya.
Money/Career:
Kung kailangan mong gumastos nang malaki sa mga susunod na araw, dapat ay pinaghahandaan mo na ito para naman hindi mo na kailangang mangutang sa iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring madaliin mo ang ilan sa iyong mga gawain. Huwag mo ito masyadong gawin dahil malaki ang chance na magkamali ka kung ikay ay magmamadali.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, kaibiganin mo muna siya para malaman mo kung anong klaseng tao talaga siya.
Money/Career:
Kung may kailangan kang ulitin sa iyong mga gawain, gawin mo ito agad para naman hindi ka matambakan ng mga gawain.
Lucky color: White
Lucky number: 3
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung may dapat kang pagdesisyunan ngayong araw, magiging tama ito kung pinag-isipan mo itong mabuti. Huwag basta-basta gumawa ng desisyon on the spot.
Love:
Singles: Malaki ang posibilidad na makilala mo na iyong future partner. Huwag kalimutang mamasyal sa mall.
Money/Career:
May pagbabago na magaganap sa iyong trabaho at mukhang magiging pabor sa iyo ang pagbabagong ito.
Lucky color: Silver
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magtiwala sa iyong mga desisyon. Huwag mong hahayaang maimpluwensiyahan ito ng mga taong negative sa buhay. Umiwas ka sa mga taong ito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para sorpresahin ang iyong partner. Gawing special ang araw na ito para sa inyong dalawa.
Money/Career:
Bago ka pumayag sa isang partnership, siguraduhin mo muna na tuluyan mong kilala ang magiging partner mo para hindi ka magkaroon ng problema sa huli.
Lucky color: Black
Lucky number: 9
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magiging special ang araw na ito para sa iyo at mukhang malaki ang posibilidad na kagagawan ito ng isang taong malapit sa iyo.
Love:
Singles: Kung ikaw ay naghahanap ng partner sa buhay, malaki ang posibilidad na makita mo siya sa isang sports center.
Money/Career:
Maganda namana ang iyong trabaho at sapat ang iyong kinikita rito. Pero dapat mong tandaan na kung panay ang gastos mo, wala ka ring maiipon sa huli para sa iyong future.
Lucky color: Red
Lucky number: 8