Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mo na muna isipin ang iyong mga problema ngayong araw. Magrelax ka muna at gumawa ng mga bagay na maeenjoy mo.
Love:
Couples: Hindi naman masama na sabihin mo sa iyong partner ang mga bagay na pinoproblema mo. Hindi ka naman niya huhusgahan basta-basta.
Money/Career:
Sa susunod, huwag ka masyadong magreklamo sa iyong trabaho. Mahirap na at baka marinig ka ng boss mo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring magawa mong tapusin ang isang bagay na matagal na nakapending. KUng nahihirapan ka naman dito, huwag mahiyang humingi ng tulong sa iba.
Love:
Couples: Kahit na anong gawin, hindi ka pinapansin ng iyong partner. Maging malambing ka kasi sa kanya at huwag lang puro sarili mo ang iyong iniisip.
Money/Career:
Kung nahihirapan kang pumili ng desisyon, piliin mo kung saan ka magiging masaya.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17
Gemini (May 21 – Jun 20)
Anumang gawain na sisimulan mo ngayong araw ay matatapos mo rin. Walang anumang bagay ang makakapigil sa iyo.
Love:
Couples: Unti-unti nang gumaganda ang takbo ng inyong relasyon. Kung may problema man kayong hinaharap, malapit na itong matapos.
Money/Career:
Kung nahihirapan kang tapusin ang iyong mga gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iba. Hindi ka naman nila huhusgahan.
Lucky color: Green
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Matatapos na rin ang iyong hectic na schedule at magkakaroon ka na ng sapat na panahon para makabawi sa mga araw na puyat ka.
Love:
Couples: Maging faithful ka sa iyong partner. Hindi porke may taong nagpapapansin sa iyo ay bibigyan mo na sila ng atensyon.
Money/Career:
Marami ka pang dapat gawin pero kung pagod ka na, marahil ay makabubuti na magpahinga ka na lang muna.
Lucky color: Grey
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung nahihirapan kang imanage ang iyong oras, subukan mong gumawa ng schedule para alam mo rin kung alin ang mga bagay na dapat mong unahin.
Love:
Couples: Maaaring malito ka sa mga ikinikilos ng iyong partner. Pero huwag mag-alala dahil malalaman mo ngayong araw ang dahilan sa likod nito.
Money/Career:
Maraming oportunidad ang darating sa iyo pero kailangan mong mag-ingat dahil may chance pa rin na malugi ka sa pera.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magfocus ka sa iyong goal. Disiplinahin mo ang iyong sarili dahil ikaw lang ang mahihirapan kung lagi kang naglalaan ng oras sa mga bagay na hindi naman importante.
Love:
Singles: May isa kang kaibigan na muli mong makikita pagkalipas ng mahabang panahon. Maaaring maging susi siya para gumanda ang iyong buhay.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka na sa pinasok mong organization, marahil ay panahon na para iwan ito para makapagfocus ka sa mga bagay na gusto mo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 15
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magaling kang kumilatis ng iyong kapwa kaya naman bihirang-bihira na naiisahan ka nila. Kaya naman bilib sa iyo ang iyong mga kaibigan dahil dito.
Love:
Couples: Magplano ng something special sa iyong partner ngayong araw at tiyak na kikiligin siya sa gagawin mong ito.
Money/Career:
Tama ang iyong desisyon pero hindi maiiwasan na may mga problema ka na dapat harapin.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 20
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May mga sorpresa kang matatanggap ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala dahil lahat naman sila ay may good news na hatid sa iyo.
Love:
Couples: Ito na ang tamang oras para gumawa ka ng desisyon. Matagal mo na itong pinag-iisipan kaya naman panahon na para gawin ito.
Money/Career:
Kung hindi mo naman talaga gusto ang iyong trabaho, marahil ay tamarin ka rito at hindi mo maibigay ay iyong full potential.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 23
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Puro problema na lang ang dumarating sa iyo sa mga nagdaang araw. Pero magbabago rin ito at hindi ka na masyadong maiistress.
Love:
Couples: Kung may hindi kayo pagkakaintindihan ng iyong partner, ayusin ninyo ito kaagad para hindi na lumala pa ang problema.
Money/Career:
Maraming job opportunities ang darating sa iyo. Pero piliin mo lang ang sa tingin mo ay paglalaanan mo ng oras.
Lucky color: Grey
Lucky number: 4
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Ang araw na ito ay tungkol sa pagbabago. Maaaring maging close ka sa isang tao na hindi mo naman talaga gusto.
Love:
Singles: Huwag mong hayaang maging bitter ka na lang palagi. Hindi ka makakahanap ng partner kung lagi ka na lang nega.
Money/Career:
Hindi maganda na nandadaya ka sa iyong trabaho para lang matapos ka nang maaga. Makakasama ito sa iyong career.
Lucky color: Orange
Lucky number: 1
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Dapat ay marunong kang maglet go para makamove on. Huwag mong hayaang maging bilanggo ka ng iyong nakaraan.
Love:
Couples: Magiging malambing sa iyo ang iyong partner. Maaaring magtaka ka at baka maisip mo na may kailangan lang siya sa iyo.
Money/Career:
Mag-enjoy ka lang ngayong araw. Huwag ka na munang mag-isip ng mga bagay na magpapastress lang sa iyo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring maging mahigpit sa iyo ang iyong pamilya lalo na kung nagkaroon kayo ng problema regarding sa inyong kamag-anak.
Love:
Couples: Naging busy kayo pareho kamakailan kaya naman ilaan ninyo ang araw na ito para kayo ay makapagbonding.
Money/Career:
Kung hindi ka sigurado sa iyong desisyon, huwag mo muna itong gawin dahil hindi ka basta-basta pwedeng magbago ng isip kapag nasimulan na ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 11