Aries (Mar 21 – Apr 19)
Gawin mo muna ang iyong mga obligasyon sa iyong pamilya bago mo unahin ang ibang tao. Kailangan mo na magseryoso sa panahong ito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para ipakita mo sa iyong partner kung gaano siya ka-espesyal sa iyo. Gumawa ng bagay na siguradong ikakikilig niya.
Money/Career:
Kung ikaw ay naghahanap pa lamang ng trabaho, maaaring maimpluwensiyahan ka ng iyong best friend sa pipiliin mong career.
Lucky color: Brown
Lucky number: 8
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring may bilhin kang bagay ngayong araw, hindi dahil sa kailangan mo ito, kundi dahil sa maganda ang design nito.
Love:
Couples: Iwasan mong maging OA sa pag-iisip lalo na kung gusto mong tumagal ang inyong relasyon. Matutong magtiwala sa iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may haharapin na job interview sa mga susunod na araw.
Lucky color: Violet
Lucky number: 22
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maganda ang araw na ito para lumabas ka kasama ang iyong mga kaibigan. Mag-enjoy kayo buong araw para makabawas man lang sa iyong stress.
Love:
Couples: Mag-ingat ka sa maaari mong sabihin sa iyong partner lalo na kung ayaw mo na mag-away kayo. Kung kailangang tumahimik na lang, gawin ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sinusuportahan na charity organization.
Lucky color: Violet
Lucky number: 16
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mong hayaang tamarin ka lang buong araw. Gawin mo ang lahat para magkaroon ka ng energy para matapos mo ang iyong mga gawain.
Love:
Couples: Kung may event kayo na aasikasuhin, mas maganda kung imbitahan ninyo lang ang mga taong siguradong pupunta at hindi paasa.
Money/Career:
Magiging maswerte ka ngayong araw lalo na’t maaaring mabawi mo ang pera na pinautang mo sa iba.
Lucky color: White
Lucky number: 11
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung pinag-iisipan mong mag-aral na magluto, marahil ay makabuti ito para sa iyo. Tandaan mo lang na dapat ay lagi kang malinis sa katawan.
Love:
Singles: May kaibigan kang gusto kang ligawan pero kaibigan lang ang tingin mo sa kanya. Tanggihan siya kaagad para hindi na siya umasa.
Money/Career:
Mukhang palaki nang palaki ang nagiging gastos mo sa iyong pamasahe papasok ng trabaho. Kaya naman kung gusto mo lumipat ng ibang trabaho, gawin ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maaaring matapos na ang isa sa iyong mga obligasyon, kaya naman makakapagfocus ka na sa ibang bagay na talagang gusto mo.
Love:
Singles: Bago ka maghanap ng partner, siguraduhin mo muna sa sarili mo na handa kang harapin ang mga pagsubok sa isang relasyon.
Money/Career:
Marami ka pang dapat gawin pero magagawa mo naman ang mga ito lalo na’t marami kang oras para sa ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magiging positive ang araw mo. Pero huwag ka na lang munang magpayo sa ibang tao dahil mukhang mamimisinterpret lang nila ang sasabihin mo.
Love:
Couples: Maaaring magkaroon ng problema sa inyong relasyon ngayong araw at malaki ang posibilidad na may kinalaman dito ang nakababata mong kapatid.
Money/Career:
Magiging hectic ang iyong schedule sa mga susunod na araw kaya naman wala kang magagawa kundi i-cancel ang anumang lakad na naiplano mo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 14
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maganda ang araw na ito para magsimula ng bago. Maraming oportunidad ang darating sa iyo kaya naman magmove on ka na sa anumang masamang nangyari sa iyong nakaraan.
Love:
Couples: Maaaring mairita ka sa ikikilos ng iyong partner ngayong araw. Kaya naman pagsabihan mo siya lalo na kung sobrang kulit niya.
Money/Career:
Magaling ka sa iyong trabaho, kaya naman ipagpatuloy mo lang ito at magiging successful ka rin someday.
Lucky color: violet
Lucky number: 7
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magiging creative ka ngayong araw. Kung may kinalaman sa arts and crafts ang iyong trabaho, maaaring swertihin ka rito.
Love:
Couples: Hindi lahat ng inyong sikreto ay dapat i-share sa isa’t-isa. May mga bagay talaga na mas maganda na gawin na lang pribado.
Money/Career:
Huwag ka masyadong maglaan ng maraming oras sa iyong trabaho. May mga ibang bagay ka pa na dapat bigyan mo rin ng importansya.
Lucky color: Red
Lucky number: 25
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kadalasan naman ay matino ka mag-isip. Pero dahil may pinoproblema ka ngayon, mahihirapan ka na mag-isip ng solusyon para rito.
Love:
Couples: Maaaring may malaman kang bago sa iyong partner. Kung maganda ito o hindi, ikaw lang ang makakapagsabi.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Makakakuha ka ng payo mula sa iyong kaibigan tungkol sa dapat mong gawin para lalo kang maging successful sa napili mong career.
Love:
Singles: Magiging moody ka ngayong araw kaya mas mabuting umiwas ka muna sa ibang tao lalo na kung ayaw mong mabadtrip sila sa iyo.
Money/Career:
Maging maunawain ka sa iyong mga katrabaho. Kung gagawin mo ito, lalong lalawak ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring may kaibigan kang hihingi ng payo sa iyo at magagawa mong payuhan siya ng tama. Kaya naman, malaki ang posibilidad na magpasalamat siya sa iyo.
Love:
Singles: Hindi ito ang tamang panahon para pumasok ka sa isang relasyon. Malaki ang posibilidad na maging sawi ka lang.
Money/Career:
Kailangan mong magtipid muna sa ngayon. Iwasan mo munang pumunta sa mga sale para hindi ka ma-tempt na gumastos.
Lucky color: Red
Lucky number: 15