Aries (Mar 21 – Apr 19)
Panahon na para kumawala ka sa isang sitwasyon na wala nang saysay para sa iyo. Kung ipagpapatuloy mo pa rin ito, masasayang lang ang iyong oras at pagod.
Love:
Singles: Maglaan ka ng oras sa iyong mga kaibigan sa ngayon. I-enjoy mo lang ang pagiging single lalo na kung ayaw mo ng kumplikasyon sa iyong buhay.
Money/Career:
Tatagan mo lang ang iyong loob. Kung hindi mo man makuha ngayon ang gusto mo, makukuha mo rin ito sa hinaharap.
Lucky color: Cyan
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Gawin mo na lang ang iyong mga obligasyon at huwag ka na magreklamo. Makakatulong din naman ito sa iyo sa bandang huli.
Love:
Couples: Huwag matakot kung nagiging seryoso na ang inyong relasyon. Maganda nga ito dahil ibig sabihin pinaninindigan ka niya.
Money/Career:
Kung naiisipan mong magtayo ng iyong sariling business, gawin ito agad dahil tiyak na makakatulong ito sa iyo.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magiging payapa ang araw na ito para sa iyo. Kaya naman magmuni-muni ka muna o kaya’y pumunta sa isang malayong lugar para makapag-isip ka.
Love:
Long-Distance Couples: Alam nating mahirap na mawalay ka sa iyong partner. Pero tatagan mo lang ang iyong loob at magkakasama rin kayo sa huli.
Money/Career:
Magtanong-tanong sa iyong mga kaibigan kung paano mo mapapaganda ang iyong resume para makahanap ka kaagad ng magandang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Makinig ka sa opinyon ng ibang tao. Hindi naman ibig sabihin na susundin mo sila kaagad, pero atleast malalaman mo ang iniisip nila.
Love:
Couples: Kung magtalo man kayo ng iyong partner, siguraduhin mo na mag-uusap kayo sa huli at aayusin ninyo ang anumang problema sa inyong relasyon.
Money/Career:
Alam mo kung gaano kaimportante ang oras para sa iyo. Kaya naman malapit ka na maging successful sa iyong napiling career.
Lucky color: Grey
Lucky number: 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mag-aalala ka tungkol sa isang bagay ngayong araw. Kahit naman na alam mo na wala kang dapat alalahanin, hindi mo pa rin magawang hindi mag-isip tungkol dito.
Love:
Couples: Magplano kayo ng bakasyon ng iyong partner. Mukhang makakatulong ito para mabawasan ang inyong stress sa inyong relasyon.
Money/Career:
Umiwas ka muna sa kahit anong argumento ngayong araw. Sasama lang ang iyong loob kaya naman huwag na lang makipagtalo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maaaring may sorpresa na dumating sa iyo ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala dahil mukhang maganda naman ang idudulot nito sa iyo.
Love:
Singles: Kung balak mong pumasok sa isang relasyon, huwag mong kalimutan na sabihin muna ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Magagawa mong simulan ang isang project na matagal na nakapending. Huwag ka ma-stress at magfocus lang dito para matapos mo ito kaagad.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magagawa mong magdesisyon ng tama ngayong araw. Kaya naman wala kang pagsisisihan sa iyong mga gagawin at magiging maayos ang lahat sa huli.
Love:
Couples: Kung hindi ninyo pag-uusapan ang inyong mga problema, malalagay lang sa alanganin ang inyong relasyon.
Money/Career:
Pag-aralan mo munang mabuti ang isang business proposal bago mo ito tanggapin para wala kang pagsisihan sa huli.
Lucky color: Red
Lucky number: 14
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magagawa mong makipaag-usap sa isang tao na hindi mo naman ka-close talaga. Pero mukhang mag-eenjoy ka naman sa pag-uusap ninyong ito.
Love:
Couples: Hindi man sinasabi ng iyong partner ang kanyang gusto, dapat ay marunong kang makiramdam lalo na kung nagtatampo siya sa iyo.
Money/Career:
May posibilidad na makapag-abroad ka dahil sa iyong trabaho. Kaya naman ayusin mo na agad ang iyong mga papeles para wala ka na problemahin.
Lucky color: Purple
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magagawa mong tapusin ang iyong trabaho nang maaga kaya naman magkakaroon ka ng oras para gumimick kasama ng iyong mga kaibigan pagsapit ng gabi.
Love:
Ex-couples: Muli mong makakasalubong ang iyong ex at mukhang may sign na para kayo’y muling magkabalikan kung single pa rin siya hanggang ngayon.
Money/Career:
Susubukan kang pabagsakin ng iyong mga kalaban sa trabaho, pero hindi nila ito magagawa dahil mas matatag ka kaysa sa kanila.
Lucky color: Brown
Lucky number: 23
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang gustong tapusin, magfocus ka rito para naman matapos mo ito kaagad. Huwag kang magpadistract sa mga nangyayari sa iyong paligid.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang maubos ang iyong oras sa trabaho. Maglaan ka rin ng panahon sa iyong pamilya at partner dahil importante rin sila sa buhay mo.
Money/Career:
Maghanda ka dahil malaki ang posibilidad na may matanggap kang regalo mula sa iyong mga kaibigan o mga katrabaho.
Lucky color: Rose
Lucky number: 17
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maganda ang araw na ito para ilaan sa iyong pamilya. Magplano ng isang activity kung saan makakapagbonding kayong lahat.
Love:
Singles: Malaki ang posibilidad na makita mo ang iyong future partner sa isang sports event.
Couples: Kung stressed ka na sa inyong relasyon, marahil ay kailangan mo muna ng alone time pansamantala.
Money/Career:
Ang iyong pagsisikap sa trabaho ay magbubunga na ng maganda. Kaya naman ipagpatuloy mo lang ito para gumanda ang iyong buhay sa hinaharap.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 24
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magiging tensyonado ka ngayong araw kaya naman i-relax mo ang iyong sarili. Huwag agad magpanic sa mga bagay na hindi aayon sa iyong kagustuhan.
Love:
Couples: Kung may pagtatalo kayo ng iyong partner, subukan mo namang pagbigyan siyang manalo para naman hindi siya magtampo.
Money/Career:
Mukhang may argumentong mangyayari sa iyong trabaho kaya naman kung wala kang kinalaman dito ay huwag ka na makialam.
Lucky color: Blue
Lucky number: 10