Aries (Mar 21 – Apr 19)
Malaki ang posibilidad na maging tensyonado ka ngayong araw. Gawin mo ang lahat para hindi kabahan dahil nasa tama ka.
Love:
Couples: Ilaan ang araw na ito para maging romantic sa iyong partner. Kung wala ka naman masyadong plano, bisitahin mo ang kanyang pamilya.
Money/Career:
Iwasan mo munang gumastos ng malaki ngayong araw. Hindi rin ito ang tamang panahon para ikaw ay humingi ng raise.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 4
Taurus (Apr 20 – May 20)
Pag-isipan mo muna nang mabuti ang isang bagay bago ka magdesisyon. Alamin mo muna kung mapapanindigan mo ito, kundi ikaw lang ang masisisi sa huli.
Love:
Singles: Hindi porke kino-comfort ka nila sa tuwing malungkot ka ay may gusto na sila sa iyo. Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan ang gesture nila.
Money/Career:
Huwag ka muna tumaya sa lotto o sumali sa anumang sugal dahil malaki ang posibilidad na mamalasin ka sa mga ito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 1
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mong kalimutang alagaan ang iyong sarili. Huwag mong i-push masyado ang iyong katawan dahil maaaring magkasakit ka dahil dito.
Love:
Couples: Maaaring may pagtalunan kayo ng iyong partner ngayong araw. Pero huwag ninyong hahayaan na matapos ang araw na hindi kayo nagbabati.
Money/Career:
Kung sa tingin mo ay kukulangin ka sa pera, huwag kang mahiyang humingi sa iyong pamilya. Basta mangako ka na babayaran mo sila kaagad.
Lucky color: Purple
Lucky number: 17
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mag-ingat ka sa mga sasabihin mo sa ibang tao. Maaaring may ma-offend ka sa kanila at magkaroon kayo ng away dahil dito.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para magkaroon ka ng love life o kaya’y para makapagsimula ka ulit.
Couples: Huwag mong hayaang masira ng ego ninyo ang inyong relasyon.
Money/Career:
Huwag mong iwasan ang iyong mga gawain. Kung tatamarin ka na gawin ang mga ito, malilintikan ka lang sa iyong boss.
Lucky color: Black
Lucky number: 12
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka masyadong mayabang sa iyong mga kaibigan. Kung ipagpapatuloy mo ito, mababadtrip lang sila sa iyo at lalayuan ka nila nang tuluyan.
Love:
Couples: Pag-usapan ninyong dalawa ang mga bagay na gumgulo sa inyong relasyon. Ayusin ninyo ang mga problema habang maaga pa.
Money/Career:
Kahit na maganda naman ang iyong personality, may mga tao talagang bitter sa ibang tao. Lumayo sa mga ganung tao para hindi masira ang iyong araw.
Lucky color: Brown
Lucky number: 3
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Masyadong mabilis ang mga pangyayari at malaki ang posibilidad na hindi ka makasabay. Kaya naman hindi maiiwasan na maguluhan ka sa iyong paligid.
Love:
Couples: Malaki ang posibilidad na ma-annoy ka sa iyong partner at maiinis ka sa kanya dahil dito. Para maiwasan ang away, subukan mo munang lumayo sa kanya.
Money/Career:
Habang tumatagal ka sa iyong trabaho ay palaki nang palaki ang iyong gastos sa pamasahe. Pero huwag mag-alala dahil kung masipag ka naman, maaaring makakuha ka ng raise soon.
Lucky color: Orange
Lucky number: 1
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maaaring tamarin ka ngayong araw. Dahil dito, maaaring madelay ka sa iyong mga gawain at mukhang madadamay dito ang ibang tao.
Love:
Couples: Maaaring may complications na dumating sa inyong relasyon. Maging matatag lang lalo na kung gusto mong magtagal kayo ng iyong partner.
Money/Career:
Gusto mo mang umabante, may mga tao talaga na hihilahin ka pababa. Huwag magbigay ng panahon sa mga taong ito at magconcentrate na lamang sa iyong trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 24
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magiging creative ka ngayong araw. Kaya naman kung mahilig ka sa arts and crafts, magiging maswerte ka ngayong araw.
Love:
Couples: May malalaman kang bago sa iyong partner at ikabibigla mo ito. Pero mukhang masisiyahan ka naman sa malalaman mo.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para kumpletuhin ang iyong projects na matagal nang nakapending.
Lucky color: Black
LUcky number: 12
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May kailangan kang harapin ngayong araw. Matagal mo na itong iniiwasan pero wala kang magagawa kundi magkaroon ng lakas ng loob para harapin ito.
Love:
Couples: Kung gusto mong magtagal ang inyong relasyon, dapat ay hindi puro ego mo ang iyong pinapairal. Matutong intindihin ang iyong partner.
Money/Career:
Kailangan mong magsipag ngayong araw dahil malaki ang posibilidad na panoorin ka ng iyong boss habang nasa trabaho.
Lucky color: Violet
Lucky number: 15
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maniwala ka sa sarili mong kakayahan. Huwag mo masyadong minamaliit ang iyong sarili. Huwag ka ring makinig sa mga taong negative mag-isip.
Love:
Singles and Couples: Huwag kalimutan na maglaan ng oras sa inyong pamilya. Mag-isip ng isang activity kung saan makakapagbonding kayong lahat.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng job offer ngayong araw pero bago mo ito tanggapin, pag-isipan mo muna ito dahil mukhang malayo ang location nito.
Lucky color: Red
Lucy number: 15
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Dahil sa iyong personality, malaki ang posibilidad na marami kang kaibigan. Pero mag-ingat ka lang dahil hindi lahat sa kanila ay totoo.
Love:
Ex-couples: Maaaring multuhin ka pa rin ng iyong nakaraan. Kaya naman iwasan mo na maging bitter para naman maka-move on ka na.
Money/Career:
Makipag-usap ka sa mga taong nasa mataas na posisyon at gawin mo ang lahat para dumami ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 22
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring makatanggap ka ng isang balita galing sa iyong kaibigan at mukhang matutuwa ka sa balitang ito.
Love:
Singles: Maaaring makita mo na ang taong sa tingin mo ay nakalaan para sa iyo. Kaya naman kumilos ka at huwag mong palampasin ang pagkakataong ito.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong mga gawain. Huwag mo intindihin ang nangyayari sa iyong paligid. Kung hindi, palagi ka na lang madi-distract at mawawalan ng focus.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 11